5

689 34 2
                                    

5

Sa kanyang pakikipagkita kay Killian ay hindi sukat akalain ni Dawn na magdidilang-anghel si Ridge sa kanyang sinabi ng sila ay mag-usap sa may gazebo.

"I'm done with my work. Ihahatid na kita, Dawn." Walang tanong-tanong at kaagad nagsimulang magligpit ng gamit niya si Killian.

Habang pinapanood niya si Killian sa pagliligpit ng kanyang mga gamit ay nagpupunyagi ang puso ni Dawn. She definitely found the perfect bridge towards Killian's heart, and that is Ridge.

I should definitely treat him one day.

"Saan kita ihahatid?" Tanong ni Killian sa kanya habang naglalakad na sila papunta sa parking lot ng High School Building.

"Ahm, sa Museology na lang." Sagot naman niya.

"Mabuti at hindi ka diretso sa bahay ninyo umuuwi?"

"Ah, minsan kasi kailangan ng tulong doon. Pero, madalang lang talaga akong dumiretso sa Museology, lalo na kapag ayaw ko masyadong magcommute nang matagal, diretso ako doon para makisabay kay Ate Jackie na ihatid si Mama sa bahay." Paliwanag naman ni Dawn.

Tumigil si Killian sa isang kulay abong Fortuner atsaka iyon tumunog. Doon napagtanto ni Dawn na ganito nga ang sasakyan ni Killian.

Napangiti naman siya nang buksan ni Killian ang pintuan ng shotgun seat, "Get in."

"Thank you."

Habang paikot si Killian sa kabila ay kinuha ni Dawn ang tsansang samyuin ang amoy ng sasakyan ni Killian.

His car smells the handsome Killian!

Umakto siyang normal nang mabuksan na ang pintuan ng driver seat at sumakay si Killian, pakiramdam niya ay biglang sumikip ang paligid nang pumasok na ang lalaki. Killian has this overwhelming presence probably because of his height, she is not sure though.

Through her peripheral vision, she could see how manly and respectable he is with his uniform. The dark grey collar top with three buttons look so perfect on him, he looks smart with how the top revealed his massive chest and broad shoulders. The pair of black slacks is perfectly tailored for him because it serves its purpose for a man like Killian, exposing his sexy thighs and strong legs.

Napaayos ng upo si Dawn dahil masyado na siyang matagal napapatitig kahit pa patagilid lang naman siyang nakatingin.

Hala, ang manyak ko!

"Are you ready, Dawn?"

Napatingin siya kay Killian na nakangiti sa kanya, "Yes."

Killian smiled and shook his head, "Wrong answer."

"Huh? What—" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sa lumapit ang binata. Halos manigas siya sa kinauupuan niya nang abutin ni Killian ang seatbelt atsaka iyon pinasuot sa kanya. "Ahm, thank you. Sorry, I forgot about the seatbelt."

When she heard the lock of the seatbelt, Dawn is already expecting that Killian would go back to his seat, but she was wrong. Her heart raced when Killian placed an arm on the headrest and leaned down his head to meet her eyes.

Halos maduling si Dawn sa pakikipagtitigan kay Killian. Hindi niya na nais gumalaw dahil baka mamaya hindi na lamang ang mga mata nila ang maghinang kung hindi ang kanilang mga labi.

Shit, magdidilang-anghel ba ulit si Ridge?!

"Your skirt is too short, Dawn. Will you please do something about it for me?" Parang hinehele siya ng mga oras na iyon dahil napakalamyos nang pagsasalita ni Killian, ang kanyang mabango at mainit na hininga ay ramdam na ramdam niya sa kanyang mukha.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon