WAKAS
"Hello people!"
Sinamaan ko ng tingin si Fritz dahil ang lakas ng boses niya pagkapasok namin sa bahay ng mga Mijares.
"Your mouth Chavez, damn it." I hissed at him.
"Hey guys, tone down your voice." Ayan nasita na kami kay Killian, our kindest best friend.
Siniko ko si Fritz, "You shut up." Mahinang singhal ko sa kanya.
"Eh bakit ba?" Inis namang tanong ni Fritz atsaka na kami lumapit kay Killian patungong living room nila.
Naging tambayan na namin ang bahay nina Killian. Every weekend or school break, we always visit their place to hangout if we are too lazy to go outside.
"Nandiyan kasi yung kaibigan ni Karter, nagpapractice sila kasama yung voice coach."
Sinamaan ko ulit ng tingin si Fritz na ngayon ay kita ko namang napahiya dahil sa ginawa kanina. "Oops, sorry. Hehe."
Mula sa living room ay nagtungo na lang kami sa entertainment room nina Killian, gusto niya kasi ay malayo kami sa practice room sa first floor.
We spend our time playing with their PlayStation while enjoying ourselves with pizza that Killian asked to be delivered.
"Second year college na tayo, dalawang taon na lang Ridge, tutuloy ka ba sa MBA mo?" Tanong ni Fritz sa akin habang nagkukuwentuhan na lamang kami, napagod nang maglaro.
Tumango naman ako, "Yes. Sa Stanford."
"Desidido ka ba talaga?" Tanong ulit ni Fritz.
"Of course. I will even pursue my DBA there too." I answered him with full of confidence.
"Ikaw na! Mabuti na lang pala at malaki ang interest mo sa business, kung hindi, ang boring!"
I just shrugged at my friend and ate my pizza. "Kill, water?" Napansin kong cans of softdrinks ang dala niyang inumin at hindi ako mahilig sa softdrinks.
"Oh, I forgot." Hindi man lang siya lumilingon sa akin dahil sobrang busy sa kanyang digital camera.
"Tss, ako na lang kukuha." Tumayo ako mula sa couch atsaka bumaba para kumuha ng tubig.
Habang papalapit ako sa kusina ay nadidinig ko ang isang di pamilyar na boses ng isang babae. Siya siguro ang kaklase ni Karter na kaibigan din niya.
"Manang, pizza lang po ang pagkain? Wala bang siomai o dumplings?"
Narinig ko ang pagtawa ng kasama sa bahay nina Killian, "Chinese ka nga, hija. Wala, ito ang pinabili ni Killian para sa inyo at sa mga kaibigan niya. May chicken wings naman oh."
"Aww, masarap po ang siomai, dumplings at xiao long bao."
Hindi ko alam pero napangiti ako dahil sa sobrang lambing ng kanyang boses. Kaya naman dumiretso ako sa kusina. Natigilan ako dahil bumungad sa akin ang maputing babae na medyo singkit ang mga mata.
Chinese nga.
"Ridge, hijo. Ano 'yun?"
"Tubig po, Manang." Sagot ko pero hindi naaalis ang titig ko sa magandang dalagita na ngayon ay busy sa paglilipat ng ilang slices ng pizza sa plato.
Hmm, parang hindi niya ako nakita?
"Okay na po 'to, Manang. Balikan ko na si Karter."
I stood straight because she will be walking in my direction but I got surprised because she just passed by me like I did not exist at all.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. COMEBACK DUOLOGY #2 "I am so upset." lasing na wika ni Ridge mula sa isang tawag. "Why are you upset, Ridge?" tanong naman ni Dawn pabalik hab...