➿ Chapter 18.1 ➿

9.8K 187 2
                                    

Ito na ang pangalawang update..

Happy Valentines again..

Enjoy reading guy's and thank you sa mga nag-aadd ng story sa reading list nila..

Don't forget to vote po ❤❤❤

_________________________________

02:45 AM.

I was beginning to feel nauseous, my head was spinning uncomfortably.

I tilted my head. I can already feel it. I'm drunk. Dagdagan pa ng iba't ibang kulay ng lights na tumatama sa mata ko, amoy ng sigarilyo, halo-halong amoy ng mga tao. At hindi ko narin maalala kung nakailang baso na kami ng cocktail drink.

Yung HINDI-KAMI-IINOM na line ko kanina .. wala binawi ko rin. Dami kasing nag-donate ng free drinks samin, natuwa sa ganda ng voice ko. Syempre mahirap namang tumanggi grasya yun.. grasya !

Kaya ito ang napala ko ---

Nagmamadali akong tumakbo palabas, wala akong paki kung nakakabangga na ako. Hindi ko narin napansin kung nasaan na si Shie basta ang gusto ko lang makalabas agad, makalanghap ng hangin at mailabas ang kailangan kong ilabas.

Ewww.. Ang pinaka ayaw ko talaga sa lahat .. Yung sumusuka ! Ayoko ng amoy ! Ayokong makakita ! Ang gross lang e. Sobrang kadiri.

Pero ito ako ngayon --- karma !

Pagdating ko sa parking lot. Napatda ako sa biglang nahagip ng mata ko. Para akong nakakita ng multo. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Holy Shiit ! Napamura ako.

Kahit medyo nahihilo na ako at madilim ang lugar nakilala ko parin siya. Ganon na siguro ako ka-obsess sa kanya. Grabe na talaga 'tong tama ko. Kahit siguro anino niya makikilala kong siya.

Hindi nga siya nagbibiro nung sinabi niya sa text kanina na pupuntahan niya ako. Hinanap niya talaga ako at nahanap niya ako. Ang galing niyang maghanap pwede siyang detective. Should I congratulate him for that ? Eh di Bravo for him !

But wait, two hours na ang lumipas, right ? Kanina pa kaya siya naghihintay dito sa labas ? Napatampal ako sa noo. I'm so fvcking dead.

I swallowed hard. Juice colored ! Hindi ko naman kasi alam na mahahanap niya ako e. Kung alam ko lang e di sana kanina pa ako lumabas.

I stared at him for a few minutes. Nakasandal lang siya sa kotse niya naka-crossed arms. He was so handsome in his slacks and button up shirt. He'd loosened his tie and undone the top buttons, showing a glimpse of his magnificent chest. He looked so tempting and yummy.

I swallowed hard again. Nawala bigla ang hilo ko. Napalitan ng .. desire ? Lust ? Longing ? Need ? Fvck ! Umayos ka ineng galit ka diba ? Pangatawanan mo yan ! Huwag kang magpadala sa kalandian mo. Kukurutin kita sa singit.

Then our eyes met. His stare was so cold and expressionless. His face was hard and rigid. Sobrang seryoso. Nakakatakot na aura. Parang sasabak sa laban.

Patay kang bata ka, this is going to be a war ! Sigaw ng utak ko.

I shook my head at naglakad palapit sa kanya, making sure na hindi mag-zigzag ang lakad ko. Ini-imagine ko nalang na may straight line sa dinadaan ko at iyun ang sinusundan ko, pinilit kong huwag ma-out of balance.

' What are you doing in here ?! ' I snarled nang makalapit na ako. Galit-galitan nga kami diba ?

' Don't speak ! ' he snapped. ' Get in the car. ' he demanded angrily between clenched teeth. Tapos binuksan ang kanang pinto ng kotse.

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon