Chap.41

4.8K 119 6
                                    


  

"I was there."
 
 

I became speechless for a minute. Hindi parin ako makapaniwala, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang pagkabigla dahil sa rebelasyong narinig ko mula sa kanya.

Paanong nangyaring nadoon siya? Lahat nalang talaga gagawin niya para lang saktan ako. Paano niya nasasabi ang ganitong klasi ng kasinungalingan sakin?

Sinasaktan niya ako.. sumusuot hanggang sa kaibuturan ng puso ko ang sakit, dinudurog ang kakaunting pag-asa na meron ako. Mas masakit pa ito kesa sa naramdaman ko noon.. mas doble ang sakit.

"Nandoon ako, Isabelle." anang boses na siyang nagpabalik ng katinuan ko.

"N-nagsisinungaling ka. S-sabihin mo! Sabihin mong nagsisinungaling ka lang! Wala ka doon! Wala!" Sigaw ko sa garalgal na boses.

"I am telling you the truth, Isabelle." pag-uulit niya. Umangat ang mukha ko at tinapunan siya ng naguguluhang tingin."Believe it or not, hindi kita pinabayaan. I did'nt abandon you and our daughter."

Our daughter.. ang sarap sanang pakinggan. Pero bakit ang sakit? Masakit isipin na alam pala niya na nagkaanak kami pero wala manlang siyang ginawa noon. Hindi iyon naging sapat na dahilan para ipaglaban niya ako at ang relasyon namin.

"Araw-araw nakikita ko lahat ng paghihirap at pag-iyak mo ng dahil sakin. I've witness it all pero wala akong magawa at pinagsisisihan ko iyon. Noong nagla-labor ka andoon ako sa loob ng ER, inalalayan kita-- at nang lumabas na si Mitty." napikit siya at lumingala.

Nag-alis siya ng bikag sa lalamunan."Siya na yata ang pinakamagandang baby na nakita ko sa buong buhay ko. Pero.. ayaw mo siyang makita, kahit mahawakan. Ang sakit.. sobrang sakit.. dahil alam kong ako ang dahilan kong bakit ganon ang naging reaksiyon mo."

Nag-init ang sulok ng mga mata ko, naalala ko bigla ang nangyari noon na labis ko ring pinagsisisihan.

"Sinundan kita sa Singapore," pagak siyyang natawa."magkatabi lang ang unit na tinitirhan natin doon. Nang masigurado kong ligtas at maayos na ang lagay mo doon ay bumalik ako dito sa Pilipinas."

"H-hindi.. totoo iyan.. imposible iyang sinasabi mo. Wala ka doon! Pinabayaan mo kami! Tinalikuran mo kami ng anak mo." Naghe-histirikal na sigaw ko.

Pakiramdam ko ay nanlambot at nanghinang bigla ang mga tuhod ko, na para bang anytime ay babagsak ako sa kinatatayuan ko. Sinikap kong makarating sa pinakamalapit sa silya at napaupo doon habang sapo ang noo.

"I'm telling you the truth."

"Truth?" Sinalubong ko ng nang-uusig na tingin ang mata niya. Napatawa ako ng mapakla."Ayoko nang maniwala sa salitang iyan! Isa lang ang pinaniniwalaan kong totoo. NI.LO.KO MO.KO!"

At tuluyan nang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Humakbang siya palapit sa kinaroroonan ko.

"H-huwag kang lalapit sakin utang na loob! Lumayo ka."matigas na sabi ko.

Lumambot ang mukha niya at napakagat siya sa labi. Bumalatay sa mukha niya ang sakit at pait."Two weeks pagkatapos mong maki-paghiwalay nalaman kong buntis ka at dinadala mo ang anak natin." 

He smiled bitterly."---hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nang malaman ko iyon. Gusto kitang puntahan at yakapin ng mahigpit... God, how much I wanted to tell you that I was the luckiest bastard in the world... that I love you very much."

Marahan akong napapikit... parang may nanulay na boltahe ng kuryente sa buong katawan ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko, kahit hindi ko aminin sa sarili ko ay nasiyahan ako na ganun pala ang naramdaman niya nang mga panahong iyon.

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon