➿ Chapter 2 ➿

18.9K 273 3
                                    

Was I dreaming ?

I asked myself. I think I saw him there at the elevator wearing a gray suit and he was looking at me too. Hindi ako pwedeng magkamali , kilala ko ang ganung klase ng tingin.

I pinched myself just to be sure but no .. it was not a dream. Kung hindi pa ako tinapik sa balikat ni Jessy hindi pa ako matatauhan.

' Hoy ano ka ba ! Para kang nakakita ng multo diyan ahh. ' sabi niya. ' Namumulta ka. '

Napakagat ako sa labi. Kung alam lang nito mas nakakatakot pa kesa sa multo ang nakita ko !

' Tara na nga masamang paghintayin ang mga client baka mareklamo pa tayo sa itaas. ' he grabbed my hands.

Nag-aalangan na sumunod ako sa kanya. Kahit parang nawalan ako ng ganang lumabas at magtrabaho. Parang nanlambot kasi ang mga tuhod ko dahil sa nakita ko kanina. Pero wala rin naman akong choice kundi ang sumunod trabaho e, but I can't help myself to look at the elevator. Baka sakaling makita ko uli siya.

You're just fooling yourself Belle. Paanong nandito siya ? It's impossible you know. Ang laki laki kaya ng Pilipinas no ! At kung sakaling magkikita man kayo siguradong hindi kana niya naaalala. Ang tagal-tagal na nun, tapos imposibleng matandaan niya yang mukha mo kasi gabi nun ! Madilim yung bar, yung kalye, tapos yung hotel.

At bakit ka naman niya pag-aaksayahang tandaan ? Bakit maganda ka ba ?

I cleared my throat. Ma-klaro ko lang ha. Ang alam ko maganda ako.. hindi sabi ng nanay ko kundi yung ang totoo. Inborn ang kagandahan ko at hindi dala ng syensya. Pak ! Walang kokontra.. ang kumontra insecure.

Anyways, paano nga kung nandito nga siya ? Anong gagawin mo ?

Ano pa .. e di -- tika ano nga bang gagawin ko ?!

Dahh .. para kang tanga ! Ibang tao yun. Ibang tao ! Period.

-----

Kadarating ko lang galing sa isang client ng Company. Sobrang nanlalagkit ang pakiramdam ko. Ang haggard ko na nga rin at amoy pawis pa ako. Ang traffic kasi sa labas as usual at ang layo ng biniyahe ko. Wala kasing available na company service gamit lahat kaya nagtiyaga ako sa jeep.

Hayyy .. at last makakaupo narin ako sa desk ko! Namiss ko 'to e. I told myself at nag-unat ng likod pati mga binti. Nakakapagod talaga.

' Belle, pinapatawag ka ng CEO. ' biglang sabi ng ka-officemate ko. Yung officemate kong kamag-anak ata ni Villa Flores ( sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa ) dahil sa sama ng ugali.

Tika, sinabi niya bang CEO ? CEO talaga ? Hindi Department Head ? Bakitttt ?
 
Kinabahan akong bigla. Hindi ko pa kasi nakikita at nakikilala personally yung bagong boss namin, kasi naman e ilang araw nang napagtritripan ako ng superior ko, pinapadala ako sa mga client para ayusin yung mga system nila. Palagi akong nasa field.

Bakit kaya ? Matatanggal na ba ako ? Agad-agad ? May client ba na nagreklamo sa serbisyo ko ? Imposible ! Never pang nangyari na nareklamo ako. Napangiwi ako, baka ngayon lang. Tch.

' Hoy ! Narinig mo bang sinabi ko ? ' winagayway niya yung kamay niya sa harap ng mukha ko.

Natauhan ako, ' Bakit daw ?' I asked her.

' Ewan ko, basta sabi nung secretary niya kanina. I-inform ka raw pagdating mo. ' high-pitch na sabi niya. Napangiwi tuloy ako.

' Hindi ba sinabi yung reason ? ' kumakabog talaga yung dibdib ko. Omg.. omg.. huwag naman badnews ! Huwag badnews please.

' Try mo kaya pumunta dun para malaman mo !' Supladang sagot niya.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Suplada talaga ! Hindi na nga kagandahan ang sama pa ng ugali. Kawawa naman. Tch.

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon