➿ Chapter 13 ➿

11.7K 204 4
                                    

Warning : Subject for major editing .
          Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

-------

Wala akong ganang magtrabaho dahil sa puyat. Ilang gabi na kasi akong di makatulog ng maayos. Natatamad din ako dito sa office, wala naman kasi yung magaling kong boss na siyang dahilan ng insomnia ko gabi-gabi.

Nasa BAGUIO !

MAG-ISA ...

Inis nga ako sa kanya .. hindi pala, galit na galit na naman ako ! Bakit ? Ginawa lang naman akong taga sagot sa tawag ng mga harot na babae na kung makahanap sa kanya e parang bang asawa niya.

Isama pa yung hindi niya pagtupad sa pangako niya. Ang sabi niya sakin kasama ako sa business conference niya. Ang klaro ng usapan diba ? Excited pa naman sana ako sa first out of town naming dalawa then what umalis siya ng walang paalam ! Ni hindi nga ako ginising man lang. Anong klase !

Bwesit talaga !

' Hoy .. walang akong barya sa Limang daan. '

' Huh ?' Confused na tanong ko kay Shiela na bigla nalang sumulpot sa harap ko.

' Ba't ka ba nakapangalumbaba diyan ? Buti nalang wala yung boss mo kung hindi baka nasita kana. Malas yan sa business. ' she chuckled.

' Nakakatamad kasi e,' umayos ako ng upo. ' Buong maghapon walang tigil sa kaka-ring 'tong landline. Pakiramdam ko tuloy call-center agent ako. ' I pouted, ' Bakit nandito ka ? Natapos mo na ba lahat ng trabaho mo ? '

' Natapos ko na po lahat. Gusto mong sumama sakin mamaya ?' She gave me that naughty look.

Naupo siya sa harap ng desk ko.

' Bakit saan ka na naman pupunta ?' Intresadong sagot ko, pag si Shie kasi kasama mo walang dull moments. Anyways, parang gusto ko ngang gumimik mamaya, pantanggal lang ng badtrip. Mabuti nalang at nag-aya siya may makakasama ako.

' Gi-gimik tayo sa bar tutal sabado naman bukas. Don't you worry walang boys na kasama. ' she winked. Alam niya na hindi ako lumalabas kapag may boys na kasama, kaya nga panay ang tanggi ako sa invitations niya dati.

' Okay sige. ' Pumayag na ako tutal two days pa siya sa Baguio. Makaganti manlang ako sa pang-i-indyan ginawa niya.

' Bahh .. himala. ' Sabi niya sabay salat sa leeg at noo ko. ' Wala ka namang lagnat. '

' Anong problema mo dyan ?' Irap ko.

' Nakakapagtaka kasi di ka nagpapilit. ' Amazed na sagot niya.

' Bakit gusto mo magbago ang isip ko ?' I raised my brow. Sasama na nga ang dami pang arte.

' Hehe Joke lang. Ikaw talaga masyadong pikon. Pero good yan, nagiging tao kana rin sa wakas. ' nangingiting sabi niya.

' Gusto mo ng sapak ? Anong tingin mo sakin, taong gubat ? '

' Hindi. Tingin ko sayo makalumang tao, aba'y mas mahinhin ka pa kesa sa lola mong si Maria Clara. ' Eksaheradang sabi niya.

' Ewan ko sayo. ' inirapan ko siya. Baliw talaga itong babaeng to.

' Tss.. balik na nga ako sa trabaho. Text nalang kita. Babooshh. '

Naiiling na hinatid ko nalang siya ng tanaw.

----

Sa Bar ...

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon