➿ Chapter 1 ➿

25.6K 288 5
                                    

Warning : Subject for editing.
Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

---------

What a very busy and tiring day, tambak ang paperworks sa desk ko. Nag-a-update kasi ang buong department namin ng mga records ng transaction namin with the different clients for the past couple of years.

Hinihingi nila iyon for some company reasons, at yun ang hindi namin alam. Basta ang malinaw lang samin ay ang katotohanan na bago na ang may-ari ng company na pinagtratrabahuan ko for almost two years.

Nakaka-panghinayang lang kasi mabait ang dating may-ari at magandang makisama sa mga employees. Hindi kuripot katunayan ang dami naming natatanggap na mga benefits mula sa kumpanya. Kaya lang nalulugi na ito kaya wala silang choice kundi ang ibenta nalang at wala rin kaming magagawa para dun. Mabuti na nga lang kahit nagbago ng management hindi sila nagpalit ng mga trabahante. Thankful parin kami kahit papaano.

' Nakaka-miss din si Sir Matt ano ?' Tanong ni Shiela, officemate ko. Magkatabi ang desk naming dalawa. Siya lang din ang naging close ko sa mga katrabaho ko. Kalog kasi siya, pero prangka at may pagka-maldita.

' Oo nga e.. ' tipid na sagot ko at nag-unat ng likod. Katatapos ko lang i-organize lahat ng hardcopies ng mga files ko at ipinasok ito sa isang drawer.

' Balita ko magma-migrate nalang sila ng buong pamilya niya sa Canada at doon narin ipagpapatuloy yung therapy ni Maam Luth. '

I checked my wristwatch ten minutes nalang lunchbreak na namin. Kaya okay lang na magchikahan muna kami.

Tumango ako, ' Yun nga rin balita ko. '

' Sana gumaling na si Maam. ' malungkot na sabi niya.

' Mahal na mahal talaga siya ni Sir no, kasi isinakripisyo niya itong Company na pinaghirapan niyang palaguin ng ilang dekada gumaling lang si Maam. ' nakaramdam ako ng awa para sa kanila.

Na-diagnose kasi na may kanser ang asawa ni Sir Matt. Sabi ng mga chismosa sa paligid malala na raw ito. Iyan ang dahilan kung bakit unti-unting nalugi at bumagsak ang TechnoBite.

' Nakakainggit nga, true love talaga. Sana makahanap din ako ng kagaya ni Sir. ' parang nag-twinkle pa ang mga mata niya habang nagsasalita. ' Yung pang Sickness and in Health, till death do us part, ang peg. ' she added dreamingly.

' Pss. true love di naman yan nakakain. ' I pouted.

' Basag trip ka rin ano. Ang aga-aga ang bitter bitter mo. Ampalaya siguro kinain mo kanina. ' naiiling na sabi niya.

Sinimangutan ko lang siya bilang sagot.

Lumapit siya sa mesa ko at naupo sa chair na intended for the clients. ' Belle, para sayo ano ang mas importante pera o love ? ' nakapangalumbaba siya sa desk ko.

' Wala. Dahil parehong problema yan. ' I shrugged,

She gave me that Ang-Bitter-Talaga look.

' Huwag mo nang i-push yang love na yan dahil wala akong panahon para sa true love na sinasabi mo. ' seryosong sagot ko. Tumayo na ako. ' Tumayo kana nga diyan. ' lunchbreak na kasi.

Naka-pout naman siyang sumunod.

' Basta ngayon isa lang ang nasa isip ko yung magiging bagong boss natin. Kinakabahan kasi ako. ' I told her.

Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Parang may hindi magandang mangyayari. Tch. Inaatake na naman ako ng kapraningan ko. Pero normal lang naman talaga ang ganitong pakiramdam dahil magkakaroon kami ng bagong boss. Panigurado kasing maraming pagbabago na magaganap at maraming rules and regulations din ng kumpanya ang babaguhin ng management.

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon