Chapter 30

5.8K 116 7
                                    



Hindi ko maiwasang isipin na talagang pinaglalaruan ako ng tadhana. Grabe naman, naging masama ba akong tao para pagdaanan ang ganito kasaklap na pangyayari ..


Nasa harapan ko ngayon ang taong matagal ko ng pinatay ng ilang beses sa isipan ko. Ang taong ibinaon ko na ng one million feet below the ground.


Standing here infront of him. Pakiramdam ko ay parang nag-freeze ang buong paligid, wala akong naririnig maliban sa lakas ng pintig ng puso ko. Para akong masusuka na hindi ko maintindihan. Nanlalamig ang buong katawan ko. Marahil kung hindi lang madilim, makikita ng lahat na para akong ibinabad sa suka sa sobrang putla ng mukha ko .. para akong nakakita ng multo.


Ganitong ganito rin ang mga eksena dati. Seven years ago ? I cocked my head on the side. Hindi ko na maalala kung kailan iyon eksaktong nangyari pero malinaw na malinaw parin sa alaala ko lahat ... lahat .. lahat.



Small fvcking world indeed !


Of all places, dito rin..


Sa isang BAR.


Si Mench.


Si Lander.


His friends.

Ako at ...


Si Gabriel.



Anong kamalasan ito ?


Bakit hindi kailanman pumasok sa isip ko na magkakakilala sila.


What's worst ?


Siya ang tinutukoy nilang Alexis.

Alexis his second name.


GABRIEL ALEXIS FUENTABELLA


Napayuko ako sa sobrang frustration. Shìt. Fvcking shìt talaga ! How stupid of me not to remember. Oo nga pala, they were business acquintances back then kaya nga sa mismong bar na pinuntahan namin ni Shie noong gabing iyon ko unang nakilala si Gabriel.


Gabriel ..


His name echoed in my mind, napalunok ako. Napaangat ako ng tingin. Right there and then I met his gaze. Shìt. Nakatitig parin siya sakin. Pakiramdam ko matutunaw na ako anytime sa klase ng titig niya. Yung mga mata niya ... shìt !


Hindi ako mapakali, gusto ko ng umuwi. Diyos ko po. Bakit ba ako nagpapaapekto ng ganito ? Hindi dapat.. dahil wala ng dahilan para makaramdam pa ako ng discomfort sa presence niya. Matagal na kaming tapos and he's already married.


Naramdaman kong kinurot ako ni Mench sa tagiliran dahilan para mapaigtad ako sa gulat, malakas ang kiliti ko sa parteng iyun ng katawan ko. Napalingon ako sa kanya, salamat sa alak na nainom ko hindi na niya mapapasin ang namumutla ng mukha ko dahil sa titig ni Gab.


' Magkakilala ba kayong dalawa ? ' nagdududang tanong niya.


Hindi ako makasagot, ano ba ang dapat kong sabihin ? Na ex ko siya at siya ang ama ng anak ko ? Siya ang lalaking nagpaasa at nanloko sakin noon ? Yung lalaking hindi kayang magpakalalaki at manindigan ? Yung lalaking nanakit sakin ng sobra sobra at dumurog sa tangang puso ko ?


' Ahh. I remember, siya yung Boss mo dati. Yung pinagtratrabahuan mong company. Tama siya yung may-ari nun diba ? '


' O-oo, siya nga. ' nauutal na sagot ko.


' That explains kung bakit siya nakatitig sayo simula pa kanina, nakilala ka niya siguro. '


' S-siguro nga. Nagtagal din naman kasi ako sa kumpanya niya. I was his Personal Secretary bago ako nag-resign. ' and also his ex lover. Sigaw ng utak ko.

' Belle, dito ka na sa tabi ko maupo. ' narinig kong sabi ni Lander.


Huminga ako ng malalim. Lumapit ako sa kanya at umusog siya ng upuan. Nakaupo na ako sa bandang kaliwa niya, mabuti nalang. Pero sa peripheral vision ko nakikita ko parin si Gabriel. Tahimik lang siyang umiinom ng alak.


' Belle, ito pala si Alexis ang kaibigan naming ipinaglihi sa sama ng loob.' pakilala niya dito, sumimangot lang ito. ' Alexis, si Belle .. off limits siya bro. ' nagulat ako sa huli niyang sinabi. Kailangan may ganun sa pag-i-introduce ? Namula tuloy ako ang awkward kasi ng ginawa niya.


Tumawa naman bigla si Jules the Manyak. Problema nito ? Tapos hindi manlang nagreact si Gab, pokerface ang gagö.


Will hindi ko naman ini-expect na magpapakita siya ng kahit konting selos manlang dahil alam kong imposible yun. Pero kahit magreact manlang siya. Diba ?!


' I know her... ' Ito na hindi ko mapigilang kabahan sa sasabihin niya, aaminin ba niya ?! ' Empleyada ko siya dati. ' matabang na sabi niya.


Tumahimik bigla.

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon