➿ Chapter 3 ➿

17.2K 254 1
                                    

Warning : Subject for major editing.
          Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

----------

' Ano ka ba ! You're not listening naman e. ' inis na sabi ni Shiela.

Gulat na napalingon ako sa kanya, ' Huh ? '

She pouted. ' May problema ka ba ?'

Umiling ako.

Naglalakad kami papuntang canteen, syempre gaya ng dati treat niya kasi hihingi siya ng pabor sakin. Dahil diyan kaya naging close kami, minsan kasi ako ang gumagawa ng mga trabaho niya. Syempre with professional fee yun, matindi pangangailangan ko e.

' You know what lately napapansin kong masyado kang lutang. ' puna niya sakin.

Tama siya, lutang nga ako. Pansin ko rin iyun. Kulang kasi ako sa tulog kasi hindi niya ako pinapatulog. Ayaw niya akong patahimikin.

Frustrated na napakagat ako ng labi. Tch. What's happening to me ? Naiisip ko na naman siya. Ahhh.. nakakainis na talaga e ! Bigla bigla nalang siyang pumapasok sa utak ko.. feeling ko tuloy namamaligno ako.. at siya yun.. siya ang maligno.. gwapong maligno !

Hayyyy .. baliw na nga ako talaga.

' Come on Belle you can tell me, what's bugging you ? ' she sounded concern.

' It's nothing, don't mind me. May naalala lang ako. ' I lied.

Lumambot ang mukha niya, ' Eh ilang araw ka nang ganyan. '

Nakaka-guilty naman, concern siya sakin pero hindi ako honest sa kanya. Kasi naman kahit ganito kami ka-close at ka-comfortable sa isa't isa hindi ko parin kayang sabihin sa kanya lahat. Hindi ko pwedeng i-share yong iniingatang sikreto ko tungkol sa nakaraan namin ni Boss.

' Okay lang nga ako. Huwag kang mag-alala sakin. ' pinilit kong ngumiti.

' Ano ba kasi yun ? Kailangan mo ba ng pera ? Pauutangin kita, magkano ba kailangan mo? ' nag-aalalang offer niya.

Alam niya kasi kung ano problema ko sa pamilya ko. Siya ang takbuhan ko tuwing may problema ako. Ewan ko ba kung bakit ang dami niyang pera, malihim din siya minsan e. Naku ! Ayokong mag-isip ng hindi maganda sa kanya. Labas narin naman ako sa personal life niya.

' Basta ! Anyway, what is it you're saying again ?' pinilit kong pagandahin ang aura ng mukha ko.

' Ang sabi ko, ikaw nalang pumunta sa GlobalTech para mag-ayos ng network nila. ' sagot niya. Programmer din siyang tulad ko at the same time It consultant din.

I frowned, ' Bakit saan ka ba pupunta ? '

Aalis na naman siya ? Lakwatsera talaga itong babaeng ito kahit kailan. Kung saan-saan na siya nakakarating, palaging out of town. Nakaka-inggit nga siya minsan e kasi nagagawa niya yung mga gusto niya sa buhay. Hindi tulad ko na parang pasan ang daigdig.

' Hehe .. Syempre Anniversary namin ng Honey ko, a-absent ako. Pupunta kami ng Tagaytay .. ' napakagat pa siya sa labi. Tss. Obvious na obvious kung ano yang tumatakbo sa isip niya. KAHALAYAN.. to the highest level.
' You know na kung ano gagawin namin dun di ko na kailangan e elaborate. ' she winked.

I grimaced.

Tumaas ang kilay niya, ' Pa-demure pa ang isa diyan. Tch. Mag-boyfriend kana kasi para maka-experience kana at nang ma-try mong mag-out of town na may kasamang fafa promise exciting yun.' She grinned.

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon