chapter 43

5K 116 12
                                    

Warning : Subject for editing.
Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

---------

"Saan ba kasi talaga tayo pupunta?"

"Baby, hindi na magiging surprise iyon kapag sinabi ko kung saan."

Napanguso ako dahil sa inis.

Natawa siya at bahagyang kinurot ang pisngi ko."Stop that, I'm trying to concentrate here baby baka hindi ako makapagpigil mahalikan kita."

"Hep! Umayos ka may kasama tayong bata sa likod." Tukoy ko sa Mitty na nakaupo sa backseat.

"Kaya nga.. huwag ka ng makulit diyan. Okay?"

Napasandal ako sa upuan. Kahit anong kulit ang gawin ko sa kanya ay ayaw niya talagang sabihin kung saan niya kami dadalhin ni Mitty.

Madaling araw palang ay nambulabog na siya sa apartment at basta nalang kaming pinagbihis. Pagkatapos namin makapag-ayos ay umalis agad kami. Hindi na nga ako nakapagpaalam ng maayos kay Shiela dahil sa pagmamadali niya.

Wala talaga siyang konsedirasyon. Bossy as ever! Walang pakialam sa ibang tao at parang siya ang hari ng mundo. Hindi parin nagbabago ang ugali niyang pabigla-bigla ng desisyon at gagawin kung ano ang maisipan.

"Siguraduhin mo lang na masu-surpresa mo talaga ako. Kung hindi makukutusan talaga kita. Binulabog mo ang tulog namin ng anak mo." Banta ko sa kanya.

"Trust me on this. Matutuwa ka sa pupuntahan natin. Sige na huwag ka ng magtampo. By the way, have I tell you how lovely you are today, baby?"

"Tumigil ka nga diyan. Nagpapa-cute ka lang nambola ka pa! Mas lalong umiinit ang ulo ko sayo." Asik ko.

Ewan ko ba naaasar talaga ako kapag nag-papuppy eyes siya or nag-papout. Ang sarap kasing kurutin at paduguin ng nguso niya.

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Hindi naman time of the month ngayon.. at lalo naman hindi ka bitin sa..."

"Subukan mo lang ituloy iyang sasabihin mo! Ikaw ang mabibitin diyan."

Ang lakas ng tawa niya."Baby,look at nanay. Sinusumpong na naman siya oh." Sabi niya pa kay Missy na busy parin kakalaro ng ipod.

"Nanay, stop being grumpy. Sige ka you'll get panget na po."

Pinilit kong hindi matawa sa sinabi ni Mitty. Kahit kailan talaga sa daddy niya siya kumakampi. Kaya hindi na ako magtataka kung magmana siya dito paglaki niya.

Damn! Pihadong sasakit ang ulo ko kapag nagkataon.

"Nakakainis naman kasi itong Daddy mo! Dapat manlang nag-aabeso siya kung may lakad tayo hindi iyon basta basta nalang susugod sa bahay, ngayon absent na naman ako sa trabaho ko and take note hindi ako nakapagpaalam sa boss ko. Ano nalang ang sasabihin ni Sir Lander?" Sumbong ko kay Mitty na para bang magkasing edad lang kami at maiintindihan niya ang sentimyento ko.

Nahihiya na kasi talaga ako kay Lander. Sa totoo lang hindi naman porke magkaibigan sila ay sasamantalahin na niya ang sitwasyon. Ayaw ko rin na machismis ako sa opisina dahil sa pagiging unprofessional. Hindi niya ba iyon naiisip? Nakakainis lang!

"Magresign na nalang kasi para wala ka ng alalahanin." Casual na sabi niya. "Bakit pakiramdam ko ayaw na ayaw mong iwanan iyang kumpanya ni Lander. Baka naman gusto mo lang makita si Lander kaya nagmamaktol ka diyan?" Nag-isang linya ang mga mata siya.

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon