Chapter 28

6.4K 142 6
                                    

Warning : Subject for major editing.
          Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !
 
-------
 
Hindi pa tumutunog ang alarm clock ay gising na ako. Excited akong naligo at nagbihis. Linggo ngayon at bonding namin ng baby ko. Tuwing Sunday lang kasi ako bakante kaya talagang inilalaan ko ang buong araw para sa kanya.
  
 
Napagpasyahan kong dalhin siya ngayon sa EK matagal na kasi niyang inuungot na pasyalan namin. Knowing my daughter talagang kukulitin at kukulitin niya ako hangga't di ko napagbibigyan ang gusto niya. Napangiti ako, may pinagmanahan talaga siya. She's so persistent, demanding and playful sometimes ... like her father.
   

' Baby ko, wake up na it's Sunday. '
 
  
Ginigising ko siya sa pamamagitan ng paghalik halik sa buo niyang mukha. Natawa naman ako ng hindi parin siya dumidilat, nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. She always act like this kapag naiistorbo ang tulog niya.
 
 
' Gising na po baby ko, pupunta tayo sa Enchanted Kingdom ngayon diba ? Sige ka pag di ka pa tumayo diyan di mo makikita yung ferris wheel. ' sumimangot lang ito. Ang cute cute talaga ng baby ko.
 
 
Bahagya itong kumilos at nag-iba ng pwesto. Kiniliti ko na siya dahil dun. Itong baby ko talaga parang matanda na kung mag-isip at umasta. Tuluyan na itong dumilat. Nakabusangot ang mukha, may sumpong na naman.
 
 
Naupo ito at kinusot-kusot ang mga mata. Mas lalong nalukot ang mukha.
 
 
' Kay aga aga nakasimangot ang baby ni Nanay, sige ka pag di ka mag-smile di mo makikita yung horse. ' nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
 

' Sasakay tayo sa horse Nanay ? ' excited na tanong niya.
 
 
' Opo. Oh wala bang Good Morning kiss si Nanay ? '
 

Isang malutong na halik sa lips ang binigay niya na may kasamang yakap.
 
 
' Punta kana kay ate Rina ( Yaya nito ), sabihin mo maliligo kana. Bilis na po. Don't forget to brush your teeth. ' nakangiting utos ko dito.
 
 
' Opo, nanay. ' Tumayo naman agad ito at tumatalon talon pa na lumabas ng kwarto.
 
 
Inayos ko muna ang kama at kumuha ng damit na isusuot niya. Paglabas ko ng kwarto nakita kong nakaupo na sa dining si Shie at nag-aalmusal. Nagtimpla ako ng gatas.
 
 
' Di ka ba sasama ? ' nagtatakang tanong ko sa kanya.
 
 
Hindi pa ito nakakaligo. I chuckled. Seriously, ako lang ba excited sa lakad namin ? Siguradong ta-tanghaliin kami mabagal kasi itong kumilos. Inaabot ito ng fifty years sa paliligo at pag-aayos.
 
 
' Sasama syempre kaya lang mukhang family bonding e, makakaabala lang ako. ' naka-pout na sabi niya.
 
 
' Ano ba yang pinagsasabi mo? Family bonding ka diyan ! Umayos ka nga. Bakit hindi ka ba part ng family ? Kakaloka ka ha intrigera ! ' pinamaywangan ko siya.
 

' OA ka naman. Hahaha defensive ? '
 
 
I mentally roll my eyes. Ayan na naman siya sa pagiging etchusera niya.
 

' Defensive na ba yun ? Ewan ko sayo. Kung ayaw mong sumama, e di wag. ' sinimangutan ko siya ng bongga.
 
 
' Masyadong matampuhin itong friend ko. Palibhasa kasama si SIR Lander. ' pang-aasar niya lalo.
 
 
Baliw. Ano ngayon kung kasama namin si Sir Lander ? Nothing's new because this is not the first.
 
 
This is not the first time na mamamasyal kami na kasama siya, sila.. sila ni Mench, actually. Pag hindi sila busy si Mench o hindi out of the country e sumasama talaga sila samin sa pag gala.
 
 
Medyo iba lang ngayon kasi hindi namin kasama si best nasa Hongkong ito. Anyway, wala namang malisya kung kami kami lang ang lalabas, dahil magkakaibigan naman kami, right ?
 
 
Matagal ko na siyang kilala, older brother siya ni Mench, which is my best friend. Kababata ko rin silang dalawa sa probinsya, though hindi kami nagkaroon ng chance na maging close dati dahil mas matanda siya samin ni Mench ng limang taon.
 
 
He is actually my new Boss now, for almost 6 months to be exact kaya off limits siya. Itong si Shie lang naman ang nagbibigay ng maling kahulugan. Natutuwa lang naman yung tao sa anak ko, that's why.
 
 
' Sasama na nga lang ako para makapagsolo kayong dalawa, ako ng magbabantay kay Mitty. Para walang asungot.' panunudyo niya.
  

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon