Chap 44

3.6K 86 9
                                    

Warning : Subject for editing.
Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

Again kailangan pa ng major edit sa chap na ito. 😅

---------

  
  
"Thank you, Gab. Sobrang saya ko talaga ngayon." Emosyunal na sabi ko habang nakayakap sa kanya ng mahigpit.

Hinalikan niya ako sa noo."Gaya ng sinabi ko, gagawin ko ang lahat maging masaya kalang."

Tumango ako."Alam ko."

Isinubsob ko pa lalo ang mukha ko sa dibdib niya. Ang bango niya talaga, hindi parin siya nagpapalit ng pabango.

"Natatakot ako."

Hinigpitan niya ang yakap. Alam ko ipinapakita niya lang na matapang siya, na matatag siya pero natatakot din siya katulad ko.

"Nakakatakot ang maging ganito kasaya, kasi pakiramdam ko may kapalit na kalungkutan ang lahat ng magagandang bagay na dumarating sakin. Iyong pakiramdam na baka isang araw biglang magising ako tapos panaginip lang pala ang lahat ng ito. Wala ka, wala si Mitty ... at mag-isa na naman ako."

"Shhh.. I am here. I am real." Masuyong bulong niya. "This is not a dream. Gusto mo ba ng proof baby? Tara doon tayo sa loob ng cabin. Ipapakita ko na totoo ako." He teasingly said.

Bahagya akong lumayo at hinampas siya sa dibdib."Nakakainis ka! Ang pervert pervert mo talaga. Tanghaling tapat guma-ganyan ka. Be serious please."

Tumitig siya sakin, nakakatawa iyong mukha niya."Seryoso naman ako."

"Ewan ko sayo."

"Halika nga." Hinatak niya ako palapit sa kanya. "Ginugulo mo lang kasi ang isip mo. Don't be scared anymore. Just believe in me. Trust me wala ng masamang mangyayari."

"Gabriel... Paano nga kapag---"

"Hanggang nandito ako walang mangyayaring masama sa inyo. Alisin mo na ang takot diyan sa isip mo. Hinding hindi na mauulit lahat ng nangyari noon. I will fight for you and Mitty. I will fight for us this time. Kahit ikamatay ko pa."

Ewan ko pero para may kung anong kurot sa dibdib ko nang sabihin niya iyon.

"Pero paano ang pamilya mo?"

"You are my family, kayo ni Mitty at--" ngumuso siya sa bandang tiyan ko."-- ng baby sa loob ng tummy mo."

Napanganga ako."Luko ka! Wala pang laman iyan."

Tumaas ang kilay niya."Says who?"

"Ako! Katawan ko kaya ito. Alam ko kapag buntis ako o hindi. Asa ka pa matanda kana kaya hindi kana nakaka-three points sakin!"

"Tingnan natin," Nanghahamon na sabi niya."baka nga twins na iyan e. Nuh, make it triplets."

"Hala, grabe siya. Ang hirap kaya umiri."

Natawa siya. Diyosmio! Hindi pa ako handa para magbuntis. Ang hirap ng pinagdaanan ko noon kay Mitty lalo na siguro kapag kambal nga ang maging anak namin ulit.

"Baby I'm serious, gusto ko ng triplets na anak iyong puro lalaki para tatlo agad ang junior ko."

Napangiwi ako. Seryoso talaga siya? Kung makahiling naman siya ay para bang bumibili lang ng candy sa tindahan. Tapos gusto pa niya puro lalaki, ano magpaparami siya ng lahi? Mahabagin! Tatanda ako agad sa kunsumisyon kapag nagkataon.

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon