➿ Chapter 9 ➿

11.4K 179 1
                                    

Warning : Subject for major editing.
          Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

------

' Hi.. ' said the deep male voice.

I looked up and met those pair of bright blue eyes.

I was typing something nang nakaramdam ako na parang may nakatitig sakin.

So siya pala, hmm gwapo siya infairness.

' Can I help you ?' I asked coldly. Badtrip kasi ako, hindi na naman ako sinipot ng nakakainis na lalaking iyon.

' Er-- Ikaw si Isabella right ?' He smiled, lumitaw tuloy yung dimple niya sa magkabilang pisngi. Nakakaaliw siyang tingnan. Naaaliw talaga ako. Promise ! Kahit kailan talaga attractive para sakin yung mga taong may dimple at mapuputi. Just like Gabriel. Arghhh ! Erase ! Erase ! Galit ako sa kanya.

' Yup ako nga. ' He was smiling so sweetly. Kung hindi ako nagkakamali nag-pli-flirt siya.

Parang ngayon ko lang siya nakita dito sa office. I thought.

' I'm Lance, bago ako dito. Sa finance department, sorry ha kung medyo presko dating ko. Naipagtanong na kasi kita, ahmmm -- '

' Bakit ? .. ' putol ko sa sinasabi niya. ' I mean bakit gusto mo akong makilala ?'

' Ano kasi .. ah .. ' hindi ko mapigilang mapangiti sa gesture niya.. ang cute ! He's like a child. Ang sarap niyang kurutin sa cheeks. Parang si Gabriel. Ano ba ???? Erase nga sabi e ! I took a deep sigh.

' I know.. wag mo ng sabihin. Sorry to disappoint you Mister pero TAKEN na ko e. ' I raised my brow.

' Ganun ba sayang naman ?' Napakamot siya sa batok.

Kilala ko yang gesture na yan ! Sino ba siyang talaga ? Si ---

' Tika parang kilala kita ah ! ' Pamilyar talaga siya sakin. Nasa dulo na ng dila ko di ko lang masabi.

' Grabe naman nakarating lang ng maynila nakalimot na agad ! ' pumapalatak na sabi nito.

' Lance as in Lance Ledesma ?! OMG, ikaw nga ! Bakit ? Anong nangyari sayo ? Ba't ang gwapo mo na ngayon ? ' hindi ko talaga siya nakilala.

Ang laki ng pinagbago nito, dati kasi sobrang taba nito at pandak. Madalas ko nga siyang binu-bully, mabuti nalang di ito pikon. Pero ngayon sobrang hunk na nito at ang tangkad.

' The one and only. ' nakangising sabi nito at yumukod pa sa harap ko. ' Grabe ka di ka parin nagbabago. Hanggang ngayon di mo parin ako matutunang mahalin. Di pa nga ulit ako nakakafirst move basted na naman agad ! Ang malas talaga ow .. pumipili na nga ng panget basted parin.'

I laughed hard, ' Baliw ka talaga !' Sabay batok sa kanya. Nagbibiro lang siya kasi hindi naman ako ang type niya, friends lang talaga kami.

' Aray ! Di ka parin nagbabago, maton ka parin ! Ang sakit mong mambatok. ' sabi niya habang hinihimas ang nasaktang batok.

' heee .. kaw feeling gwapo parin !' I snapped,

' Gwapo naman talaga ako, sabi ng nanay ko.'

' haha .. whatever !' I rolled my eyes,

' Dito karin pala nagtatrabaho Belle, kung di pa kita nakita kanina di ko pa malalaman. ' he grimaced, halatang nagtatampo.

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon