Chapter 31

6.5K 121 10
                                    

Un-edited. Unreviewed.
 
Ito na yung hinahantay niyong update. 😊
Nakakainis si Gab sa totoo lang. 😑😅

 
 
Ps. BITIN din ito. Bawal mag-expect. 😂 
 
-------

  
 
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Dalawang linggo na ang nakalipas pero ni anino niya ay di ko na ulit nakita. Asa pa ako na masusundan pa iyon e coincident lang naman yung nangyaring yun.
 
 
Oh yah. Napaka-ipokreta ko talaga ! Ayaw ko siyang makita para matahimik na uli ako, pero may bahagi naman ng utak ko na umaasam na magkrus ulit ang landas naming dalawa.
 
 
Landi ko talaga.
 

Nung gabing nagkita kami sa bar hindi na talaga ako natahimik. Ini-invade na naman niya ang mga panaginip ko. Ang dami ring mga tanong na nagsusulputan sa isip ko..
 
  
What if kung pumayag ako sa hiniling niyang set-up matapos ang kasal nila noon bilang KABET, kami parin kaya hanggang ngayon ?
 
 
What if naghabol ako dahil nalaman kong buntis ako, magbabago kaya ang isip niya at kakalas sa kasunduang yun ?
 
 
What if gumawa ako noon ng eskandalo sa pamilya niya mapipilitan kaya siyang pakasalan ako ?
 
 
Tch. Kabaliwan, nabubulok kana sa bilangguan ngayon kung ginawa mo yun tanga !
 

Nakakabaliw wala akong mapagsabihan ng problema ko. Hindi ko pa kasi ito nakwe-kwento kay Shie, alam kong mag-pre-freak out siya pag nalaman niyang nagkita na kami ni Gabriel. Yun pa e haters siya nun.
 

Isa pa itong baduy na lalaking ito, dumadagdag sa stress ko. Si Mr. ADMIRER, sobrang corny talaga. Araw-araw nagpapadala ng kung anu-anong mga bagay.
 
 
Nung lunes nagpadala siya ng bulaklak as in plastic na bulaklak, may note rin itong kasama. MY LOVE FOR YOU IS .. ETERNAL. Eternal daw ! Sabihin niya kamo plastic din kagaya ng bulaklak na bigay niya. PLASTIC. Tch.
 
 
Nung martes naman chocolate na hugis puso infairness imported, may nakaka-langgam na note ring kasama, MY HEART ONLY BEATS FOR YOU. Shemay ! Dukutin ko puso niya e tapos pakain ko sa langgam. Makita niya !
 
 
Hindi ako kinikilig ! Naku naasar ako sa mga nakakaumay niyang qoutes ! Pero na a-apreciate ko rin kahit papano, maka-effort e wagas na wagas. GASGAS ngalang yung banat niya. Hayyy buhay ! Sobrang malas ko talaga sa lovelife, buti nalang maganda ako kaya hindi ako masyadong nahihirapan.
 

But for now itong trabaho ko muna ang iisipin ko. Ang dami kasi ng mga task na binigay ni Mam Karen sakin, gosh ginawa pa akong secretary. Kung hindi ko lang siya superior never ko talaga siyang susundin.
 
 
Busing-busy talaga kami ngayon, department kasi namin ang host ngayong taon, bali kami ang nakatuka para sa lahat ng mga preparations sa darating na 50th Anniversary ng Company. Tamang tama kailangan na kailangan ko to ngayon, divertion !
 

' Hoy, Belle ! ' napaangat ang tingin ko kay Ivy na nakasilip sa likod ng cubicle ko.

 
' Oh ? '
 
 
' Kumusta yung mga preparation na ginagawa niyo nila Maam Karen ? Nakapag-meeting na ba kayo ulit ? ' excited na tanong niya.
 
 
' Okay na lahat, naipasa na namin yung final costing at final list ng mga papadalhan ng invitation para sa party. ' ako kasi nautusan para diyan.
 

' Naku, nakaka-excite naman ! E si Sir Jules confirm na ba na makakarating ? ' nag-e-spark ang mga mata niya.
 
 
' Hindi pa nag-confirm yung E.A. niya. ' di ko maiwasang matawa sa pag-pout niya. Number 1 fan kasi ito ni Jules. Oo, yung manyak na si Jules mismo. Tch. Kawawang nilalang !
 
 
' Ganun ba, sayang naman. ' sobrang disappointed na sabi niya.
 
 
' Huwag ka ng ma-sad, mag-e-enjoy ka rin naman kasi dadalo si Sir Greg. Diba crush mo rin yun ? '
 
 
' Ahm. Kay Mam Mench na yun. Pero okay lang fan din naman ako ng GreMench loveteam. ' kini-kilig pa na sabi nito.
 
 
Juice me ! Parang highschool lang kung maka-fangirl. Tch. Hindi lang siya, actually marami sila. Huwag na kayong magtaka kasi lahat ng empleyado nitong kumpanya e sanay na nakikitang pakalat-kalat yung mga mokong na barkada ni Lander dito sa building. Ginagawa nilang hide-out ang opisina nito. Nagtataka nga ako kung minsan kung totoo nga ba talaga na mga CEO sila kasi para lang silang mga tambay. Kalurke !
 
 

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon