Chap.40

4.7K 104 4
                                    

Warning : Subject for editing.
Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

---------
  
  
Namayani ang matinding katahimikan sa pagitan naming dalawa pagkababa namin ng helicopter. Buong biyahe namin ay ganun lang siya, napaka-seryoso ng mukha niya. He was cold as ice, ganun na naman ang trato niya sakin. Napa-buntong hininga ako. Back to square one na naman kami and it was all my fault.

Gusto kong batukan ang sarili ko, ano pa nga bang ini-expect ko na magiging reaksyon niya sa nangyari kanina. Alam kong nasaktan ko siya sa mga pinagsasabi kong masasama sa kanya, aaminin ko na-guilty talaga ako. But then kasalanan niya naman iyon.

Pero ang hindi nakaligtas sa paningin ko ay ang sobrang pagkabalisa niya na hindi ko maintindihan. Pinili ko nalang manahimik. Ayaw ko siyang tanungin at usisain dahil alam kong wala ako sa posisyon para gawin iyon.

Ganun paman hindi ko parin maiwasan ang masaktan at ma-disappoint sa naging asal niya. Palaisipan parin sakin ang mga ikinilos ni Gabriel habang sakay kami ng helikopter pauwi. Tama, pauwi na kami ngayon. After kasi ng sagutan namin sa sasakyan ay sa airport kami dumiretso, may naghihintay na palang helikopter samin.

Nagka-problema yata sa company niya at sigurado akong matindi iyon masyado kaya napilitan siyang isama ako pabalik ng Manila at kalimutan nalang ang kasunduan naming dalawa.

Inutusan niya ang driver niya para ihatid ako sa apartment. Hindi na ako tumanggi dahil wala naman akong dalang pera para sa pamasahe kung mag-commute pa ako pauwi. Kailangan ko din lunukin ang pride paminsan-minsan.

Hindi muna ako dumiretso paakyat pagkababa ko ng kotse. Nagpalipas muna ako ng mga kalahating oras sa labas ng tindahan ni Aling Minda.

Napabuga ako ng hangin at mabibigat ang mga hakbang na umakyat na ng building. Ano bang nangyayari sakin masokista na naman yata ako, bakit nakakaramdam ako ng -- PANGHIHINAYANG sa two months. Damn! Baliw na talaga ako.

Pagpihit ko ang doorknob natatarantang mukha ni Rina ang nabungaran ko

"Ate, bakit ngayon ka lang ?"

Nalilitong tinitigan ko siya."May nangyari ba habang wala ako ?"

"Isinugod ni Ate Shiela si Mitty sa ospital." naghi-histerikal na sabi niya.

"Ano?! Diyos ko! Anong nangyari sa kanya ?" parang may bombang sumabog sa harap ko. Ang anak ko nasa ospital ?

"Hindi ko pa po alam basta ang taas po ng lagnat niya kagabi, nandoon na si Ate Shiela. Kaninang umaga ka pa namin tinatawagan hindi ka namin makontak."

Natampal ko ang noo.

Shìt! Wala akong celphone! Kasalanan ko to! Hindi, kasalanan ito ni Gabriel. Kapag may nangyari sa anak ko pagbabayarin ko siya.

"Saang ospital?!" umiiyak na pala ako sa sobrang takot na nararamdaman.

"Hindi pa po nagte-text si Ate. Tawagan niyo nalang po." sabi niya.

"Nawawala yung cellphone ko." nalulumong sagot ko, nanginginig ang mga tuhod ko.

Bakit kasi hindi agad ako dumeritso dito kanina. Nag-emote pa ako sa may tindahan yun pala may malaki ng problema. Ang sarap talagang sabunutan ng sarili ko.

"Yung akin nalang po, may load ako." natatarantang pumasok siya ng kwarto.

Halos sabunutan ko na ang driver ng taxi dahil pakiramdam ko ang bagal ng pagpapatakbo niya. Kung pwede lang sanang takbuhin ko nalang ay ginawa ko na dahil sa sobrang kaba ko.

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon