➿ Chapter 14 ➿

11.3K 175 2
                                    

Warning : Medyo SPG
          Subject for major editing .
          Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

------

Andito kami sa Enchanted Kingdom tulad ng pinangako niya. Feeling proud girlfriend lang ang peg ko kahit ang totoo ay hindi naman. Tch. Hayaan niyo na parang ganun narin naman kami e.

Hindi niya binibitawan yung kamay ko habang nag-iikot kami, parang naka-mighty-bond lang. Nakakakilig isipin na parang ayaw niya akong mahiwalay sa kanya. Possessive talaga. Panay din ang alalay niya sakin simula pag-alis namin sa bahay, pagpasok sa kotse hanggang makarating kami dito.

Bumili pa siya ng cotton candy at balloons na hugis puso pa talaga, ang sweet diba ?

May ganung side pala siya ? Parang gusto ko na nga siyang ipatawas e, baka namamaligno. Anyways, ganyan pala siya bumawi sa kasalanan, sobrang sweet at caring. Hindi ko nga akalain na magagawa niyang gumawa ng mga mabababaw na bagay katulad ng mga iyong.

Wala kasi sa hitsura niya. Kasi kung titingnan mo siya parang sobrang seryoso at full of authority .. CEO na CEO ang dating. Jerk na CEO actually. Hard nga siya sa mga empleyado niya diba ? Tapos mag-aaksaya siya ng panahon makipag-date dito sa public place tulad nito.. na para sa mga young at hearts ?

' Princess, doon tayo. ' hinatak niya akong bigla, papunta sa kung saan.

Kanina pa siya hatak ng hatak sa akin. Kanina hinatak niya ako papunta sa isang hotdog stand, bumili siya pero hindi naman kinain. Pinaubos niya sakin yung dalawang footlong na binili niya.

As in Footlong talaga ? Hmm. Mas mesherep at juicy naman ang hotdog niya kesa sa footlong na pinakain niya sakin e. Walang kapantay ang sherep !

Aherm .. Pati nga pala yung pearl shake na binili niya pinaubos din sakin, balak niya ba akong patabain ? Puro ako lang kasi pinapakain niya e, imposible naman na nagtitipid siya e ang very very rich kaya niya. Kaya nga niyang bilhin ang buong Amusement park na ito e ! Tch.

Tapos ito na nga .. sa game center pala ang punta namin.

' I want to try that one. ' parang bata na turo niya sa isang game stand, where you can win a stuff toy and any other stuffs. Ewan kung anong tawag dun basta may mga maniature characters na tina-target gamit ang toygun.

' Di ka naman marunong niyan e. ' I shrugged.

' Watch and behold. ' he gave me that playful grin. Para siyang bata ang cute niya talaga.

I pouted.

' Alin ba diyan ang gusto mong price ? ' conceited na tanong niya. ' Choose, Princess. ' Parang sure na sure talaga siya na makakatama siya.

Tch .Eh di pagbigyan,' Sige, gusto ko yung pink teddybear na yun. Dapat makuha mo yung prize na yun ahh. ' naka-smirk na sabi ko. Sabay turo sa pink teddybear na mayron ribbon at nakaupo sa ibabaw ng box. Ang ganda ganda kasi e !

' Dapat may kapalit. ' he mischievously grinned.

I rolled my eyes. Sigurista ! Teka ... Hmm. May naisip na ako.

' Sige, I will give you a sexy-hot massage tonight, Mr. Fuentabella. ' I smiled seductively and winked.

' It's a deal, Ms. Fruel. ' tumawa siya.

' Deal. ' nangingiti na sabi ko.

' Kiss muna. Pampagana lang. ' nag-wink siya pagkatapos kong pagbigyan ang hinihiling niyang kiss.

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon