Chap.39

5.6K 99 6
                                    

Warning : Subject for editing.
Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

---------
 
 
Nakatuon ang atensyon ko sa paghuhugas ng mga pinag-kainan namin nang maramdaman kong pumasok siya sa kusina. Hindi ko siya nilingon at nagkunwaring hindi siya napansin. Pero itong puso ko naman kahit kailan talaga napaka-traydor. Presensya palang niya parang gusto nang kumawala sa dibdib ko.

Maghapon ko na kasi siyang pilit iniiwasan at hindi pinapansin dahil sobrang nahihiya talaga ako sa nangyari. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin ako maka-move-on sa ginawa niyang pag-sisid sa pearl ko kanina sa buhanginan.

I heard him cleared his throat.

"A-ahm aalis ako papuntang bayan."

"So?" mataray na sagot ko nang hindi parin lumilingon sa kanya.

"Itatanong ko lang sana kung may gusto kang ipabili?" tumikwas ang kilay ko.

Seriously? Tinatanong niya ako? What's with him? Kikiligin na ba ako? Kasi feeling ko para kaming husband and wife na nagkakatampuhan tapos sinusuyo niya ako. What the f---!

I composed myself at nilingon siya,
"May sakit ka ba?" fokerface na tanong ko.

Kumunot ang noo niya, "Huh?"

"Parang may mali e." nagdududang saad ko.

He look puzzled."What? Anong mali sa tanong ko?"

I chuckled. Oo nga pala, manhid pala itong kausap ko. Inismiran ko siya. "Sa tanong mo wala, pero sayo meron. Hmmp." nagpunas ako ng kamay at nilampasan siya.

Nakapagtataka lang na tinatanong niya ako ngayon, dati kasi wala siyang pakialam. As in never niya akong tinanong kung may gusto ba akong ipabili o may kailangan ako sa kanya.

"Baka lang kasi gusto mong kumain ng burger?" umiling ako. "Fries?" whatever. "How about icecream? Hindi ba paborito mo ang mga iyon?"

Nilingon ko uli siya. I raised my brow. He just smirked in return. Sinimangutan ko siya, tumalikod at naglakad papuntang sala.

Seriously? Tinatanong niya ako? Alam kong alam niya na mga favorite ko nga iyong mga pagkain na iyon but the thing is ... He's weird. Parang gusto ko siyang batukan. Ano na naman ba ang problema niya ?

"Pizza?" muntik na akong mapasigaw sa gulat.

"Ano bang problema mo?" napapadyak ako sa sahig sa sobrang inis.

What's fvcking wrong with this guy! Bigla-bigla nalang sumusulpot. Hindi ko napansin na nakasunod pala siya sa likod ko. Iniiwasan ko nga siya diba? Pero bakit para siyang langaw na sumusunod-sunod ngayon?

"Ahm. Baka lang kasi gusto mong sumama?" napahawak siya sa batok.

Damn! He's so cute kahit pa nga naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya.
 
Wait.. anong sabi niya?

Sinabi niya bang ---?

"Ano nga ulit yun?" tanong ko, baka lang kasi namali ako ng dinig.

"Sabi ko baka gusto mong sumama sakin sa bayan." ulit niya.

"Isasama mo talaga ako?" ulit ko rin.

"Kung gusto mo lang." nakangiti na sabi niya.

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon