Chapter 26 - Lies

5.8K 99 1
                                    

Warning : Subject for major editing.
          Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

-------- 
  
Nakakafrustrate talaga ! Imagine three weeks na mula nung last call niya sakin. Hindi ba niya ako namimiss ? Kasi ako araw araw, oras oras ko siyang namimiss.
 
 
Di ko tuloy napigilang magtampo. Nakakainis kasi siya. Sobra. Di siya nagpaparamdam. Kahit sa office di rin siya nag-uupdate. Ano bang nangyayari sa kanya ? Napapabayaan na niya ang kumpanya. Ganun na ba talaga kalala ang sakit ng daddy niya ?
 
  
Ako na taga salo lahat ng mga mura at galit ng mga ka-business deal niya. Okay lang sana kasi part ng trabaho ko yun pero pati ba naman ang pagmumura ng mga babaeng minu-minuto nalang kung tumawag para hanapin siya ! Gosh. Mga malalandi talaga !
  
  
Pati mga board of directors ng kumpaya ginigisa narin ako. Sakin talaga nila binubunton ang frustration nila kay Gabriel dahil hindi naman nila magawang sabihin dito lahat ng reklamo nila. Takot lang nila. Kaya ito sobrang stress ako.
  
 
Ilang gabi narin akong walang matinong tulog dahil sa pag-aalala sa kanya. Nakapagtataka kasi, hindi siya ganun. Though, nagawa narin niya ito dati sakin. Noong mga panahon na bed warmer/fvck buddy/ sex slave palang ang turing niya sakin. Pero diba nagbago na siya ?
 
 
Dapat ba akong kabahan ?
  
 
Nakakatawa ka Belle. Para kang tanga, tinatakot mo lang ang sarili mo kahit hindi naman dapat. Walang dahilan. Mahal ka niya. Enough reason yun para maniwala at magtiwala ka. Malay mo may binabalak lang siya i-surprise kaya nagpapamiss siya sayo ng ilang linggo. Hmmm. Tika, ayoko ngang mag-expect. Baka mabigo lang ako.
  
  
Right !
  
  
❤❤❤❤❤
  
 
' Hindi parin siya nagpaparamdam 'no ? ' nakataas ang kilay na napatingin ako sa kanya.
  
  
' Bakit mo naman nasabi yan ? ' matamlay na tanong ko habang nilalaro laro ang karne sa plato ko.
  
 
' Base sa hitsura mo ngayon hindi nakapagtataka, girl. Ang haggard mo, stress na stress ka. Tingnan mo yang mukha mo para kang 45 years old na tigang ! ' naiiling na sabi nito.
  
  
' Hindi ako natatawa. ' Umirap ako. Wala ako sa mood makinig sa mga sermon niya dahil mainit ang ulo ko at wala pa akong tulog.
 
 
Nagkausap kami ni Gab kagabi pero puro about sa office lang ang mga topic namin. Ni hindi ko nga siya nakamusta dahil palagi niyang iniiba ang usapan. Duda ko nga parang iniiwasan niyang mapag-usapan ang tungkol saming dalawa.
 
  
' Bakit nagpapatawa ba ako ? ' seryosong sagot nito.
  
  
I crossed my arms at sumandal sa upuan. Napatitig ako sa kanya. Seryoso ang mukha. Pag ganyan ang inaakto ni Shie alam kong may gusto siyang sabihin sakin.
 

' Ano bang kwento ? Makikinig ako. '
 
 
Bumuntong hininga muna ito.
 
 
' Alam kong masasaktan ka sa sasabihin ko pero usap usapan na ito sa office nagtataka nga ako na hindi pa nakakarating sayo e di ba nga may pakpak ang balita tapos ikaw mukhang wala pa--- '
  
  
' DIRETSUHIN MO NA ! ' putol ko sa mahaba niyang pasakalye. Medyo napalakas ang boses ko kaya napalingon sa amin ang ibang kumakain sa canteen.
  
  
' Ikakasal na siya sa iba. Ayan nasabi ko na. ' pero nagulat siya sa bigla kong pagtawa.
  
  
' April fool's ba ngayon ? Sa lahat ng jokes na narinig ko yan ang pinaka-waley. ' natatawa parin talaga ako. Grabe. Di ako makaget-over sa joke na yun.
  
  
' Tss. Malala kana talaga. Binabaril na sa Luneta ang mga taong martir ui ! Batukan kaya kita para matauhan kana.' hindi makapaniwalang sabi nito habang naiiling.
 

' Nakakatawa naman talaga. Saan mo na naman ba nalaman yan ? ' pilit kong pinatatag ang boses ko,
 
 
' Kay Rich, executive secretary siya ng daddy ni Gab sa New York branch. Yun daw ang usap usapan sa main. '
 
  
' Chismis lang yan. Huwag kang maniwala. ' inirapan ko siya
 
 
Sinungaling sila ! Makagawa naman ng kwento. Hmmp.
 
 
Di ko tuloy maiwasang magalit kay Shie. Nakakainis kasi e. Kaibigan ko siya di ba, pero bakit hindi nalang siya maging masaya para sakin. Pero hindi ko maitatanggi na kinabahan ako sa sinabi niya ..
  
  
Kalahati ng puso ko ang gusto ng magwala. Kalahati naman ang naghuhumiyaw na magtiwala lang ...
  
  
Totoo naman diba ? Hindi mangyayari na mapapakasal siya sa iba dahil sinabi niya mismo na hindi siya naniniwala sa kasal. Wala siyang balak magpakasal kahit kailan at ..

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon