Chapter 35

5.2K 104 7
                                    

TWarning : Subject for major editing.
Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

-------

Nananaginip ba ako ?
Tunog ng alon ba iyon ?

Nagmulat ako ng mga mata. Mahilo-hilong napabangon ako mula sa pagkakahiga at inilibot ang paningin sa paligid. My eyes widenned. F-cking s-it. Hindi ito iyon kwarto ko kanina ! Wait the ...

Napamura na naman ako at dali-daling napatakbo sa bukas na pinto ng veranda.

Sinalubong ako ng malamig na hangin.

Buhangin ? Alon ?

Wala sa sariling sinapal ko ang kanang pisngi. This cannot be real. But it is f-cking real nasaktan ako e.

Kailan pa nagkaroon ng dagat sa Tagaytay ? The last time I checked nasa Tagaytay ako. And now hindi ko na alam kong saang lupalop ng mundo ako naroroon at wala akong ideya kung paano ako nakarating dito.

Nanlulumong napaupo ako sa gilid ng kama. I close my eyes, pinilit kong balikan ang mga pangyayari ..

Oh my f-cking Goodness !

F-ck. F-ck. F-ck. Ang huli kong natatandaan ay nag-iinuman kami nila Jules at Gabriel sa Resthouse.

FLASHBACK

" Hey, wake up Isabella. " nakaramdam ako ng marahang pagtapik-tapik sa braso ko.
" We're already here. " pagdilat ko ng mata mukha ni Gabriel ang nabungaran ko.

Biglang naghurumintado na naman ang baliw kong puso nang magtama ang mga tingin namin. Napaayos ako ng upo at lumingon sa labas ng bintana. Pasimple akong nagpunas sa gilid ng labi, baka tumulo pala yung laway ko habang tulog nakakahiya.

Tss. Hindi ko talaga namalayan na nakatulog pala ako ng mahimbing sa biyahe. Pero okay narin yun kasi sobrang mahirap talaga basta magkalapit kaming dalawa, hindi ko alam kung paanong kilos ang gagawin ko.

Never kasi kaming nagkausap ng matino kapag kaming dalawa lang. Kung hindi kami nagtatalo ay nagsusumbatan naman kami. So I need divertion kaya mabuting ilibot ko nalang ang paningin sa paligid.

Kung hindi ako nagkakamali parang nasa isang village kami at ang daming berdeng halaman sa paligid.

" Bumaba na tayo, nasa loob na ng resthouse si Jules. " sabi niya habang tinatanggal ang seatbelt niya.

" Kaninong bahay ito ? " nagtatakang tanong ko. Bakit hindi kami dumeritso sa bahay ng girlfriend ni Jules ?

" This house is mine. Magpapahinga muna tayo, since mamayang gabi pa naman natin gagawin yung panghaharana. " casual na sagot niya.

Hayyyy.. ang swerte naman ng babaeng iyon ! Haharanahin ng mga nag-gwa-gwapuhang nilalang. Ako kaya kailan makakaranas ng ganun ? Nakaka-inggit kasi hindi ko naranasan ang maharana ng isang Gabriel Alexis Fuentabella.

" Are you planning to stay there all day ? Just say so para hindi na kita hintayin. You're wasting my time, lady. " masungit na tanong niya. Nasa labas na siya ng kotse.

Sinimangutan ko siya, " Ito na nga oh bababa na. Hindi ka naman highblood ? Magsasabi kalang naman na bumaba na ako ang dami-dami mo pang sinabi. " eksaheradang sabi ko.

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon