Chapter 27- Im Back

5.9K 142 20
                                    

Warning : Subject for major editing.
          Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

--------

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako bumaba sa sinasakyan kong eroplano.
 
 
Kagaya sa mga nobelang nababasa ko, nag-a-abroad ang bidang babae para makalimot sa heartbreak nila. Nagmomodel, nag-aaral, nagliliwaliw. Well sa mga mayayaman lang naman yun.
 
 
Eh hindi naman ako mayaman di ba ? Hindi ko afford sumakay ng eroplano at magtago sa ibang bansa ng ilang taon.
 
 
Nag-abroad ako ... para magtrabaho.
 
 
Kagaya ng ibang pinoy nakipagsapalaran ako at tiniis na malayo sa pamilya ko ng ilang taon. Sige na nga para makalimot narin. Na success naman dahil nagawa ko. Hito nga at buhay pa ako hanggang ngayon.
 
 
Don't get me wrong hindi ako suicidal !
 
 
Parang blessing in disguise na nag-offer si Mench na magtrabaho ako sa firm ng pinsan niyang nakabase na sa Singapore a year after nung .....
 
 
I shook my head and sigh again.
 
 
Anyway, dahil nga nasa Davao ang mga magulang ko walang susundo sa akin. Hindi nga nila alam na ngayon ang uwi ko. Katatapos lang kasi ng kontrata ko sa pinagtatrabahuan kong lawfirm. At pinag-iisipan ko pa kung irerenew ko pa ba ulit. May mga bagay pa kasi akong dapat ayusin ngayon at kilangan kong bumawi ng bongga.
 
 
Sa condo ni Mench ang diretso ko dahil siya lang naman ang nainform ko sa biglaan kong pagdating. Actually, nasa Cebu siya ngayon dahil may dinaluhan siyang Business Conference. Ibinilin na lang niya sa frontdesk na may darating siyang bisita.
  
  
Pagkatapos kong maligo at maayos ang mga gamit ko sa kwartong pinagamit sakin ni Mench nakatulog ako sa sobrang pagod at jetlog narin marahil.
 
 
Kinabukasan nag-ayos ako ng mga pasalubong na dadalhin ko papunta sa apartment ni Shie. Alam kong masusorpresa siya pag nakita niya ako at hindi narin talaga ako makapaghintay na makarating doon, though kinakabahan ako.
 
 
Napapangiti ako habang tinitingnan ang mga picture ng isang batang babae sa gallery ng cellphone ko. Ang laki na niya talaga. Marunong ng magpost at magselfie. Sobrang cute pa. Parang kailan lang..
 
 
I smile bitterly at pilit winaglit ang mga alaala na biglang lumilitaw sa isip ko.
 
 
Noong nasa Singapore pa ako araw-araw akong pinapadalhan ng pictures ni Shie at nag-vi-videocall din kami gabi gabi kaya hindi ako masyadong na-homesick. Hindi ko nga halos napansin ang paglipas ng dalawang taon. Yun nga lang hindi ko nasubaybayan ang paglaki niya.
 

May karapatan ba ako ?
 

Kinakabahan ako, nagtatalo ang isip at katawan ko kung kakatok ba ako o hindi ..
 
 
Napahawak ako ng mahigpit sa mga paper bag na hawak ko, na para bang doon ako kumukuha ng lakas ng loob.

Handa na ba ako para makita siya ng personal ?
  

Parang gusto kong umatras nalang at huwag ng tumuloy. Tama hindi ko pa nga kaya, wala pa akong lakas ng loob na makita sila, pagkatapos ng mga maling desisyong nagawa ko noon.
 
 
Tumalikod ako at nagsimulang humakbang ..
 
 
' Isabelle ? '
 

Boses na nagpatigil sa noo'y paghakbang ko.
 
 
⏩⏩⏩
 
 
Malungkot akong napatitig sa batang babae na nakahiga sa kama. She looks so much like him. Girl version of him. Ang sabi ni Shie nakuha niya raw ang pagiging moody, sweet at matalino ng ama niya. As if naman kilalang kilala nito si %:&:&&// kaya nito nasabi iyon.
 
 
Pero ngayong nasa harap ko na siya napatunayan kong tama nga si Shie manang mana nga ito sa tatay nito. Her nose, lips and her eyes. Nakuha niya lahat yun.
 
 
Nakakainis talagang isipin na ako ang ina pero parang wala siyang namana sakin maliban sa kulay ng balat at ang kulot nitong buhok. Hindi naman sa pagmamalaki mas maputi naman ako kesa sa taong yun na walang pangalan.
 
 
Nahh.. base sa mga usapan at kulitan namin sa skype alam kong nakuha niya ang pagiging madaldal ko.

Hinaplos ko ang mamula mula nitong pisngi at mapait na napangiti.

Anak ko siya ..
 
 
Ako ang ina niya ... dahil ako ang nagluwal sa kanya pero kahit kailan hindi ako naging ina sa kanya simula nang napagdesisyunan kong ipaabort siya three years ago.
 
 
Oo, tama kayo. Plinano kong ipaabort siya noong nalaman kong buntis pala ako. Nalilito kasi ako nang mga panahong iyun, magulo ang isip ko, hindi ako nakapag-isip ng maayos. Hindi ko naman kasi inasahan na mabubuntis ako. Never talagang pumasok sa isip ko na may mabubuong baby... sobrang na overwhelmed ako sa mga nangyaring pagbabago sa relasyon namin na hindi ko napansin na hindi ko na pala naiinom yung mga pills ko.

 
Kaya dahil sa sobrang galit ko sa kanya at depression ko marahil hindi na ako nakapag-isip ng maayos.
 
 
Kinakain ako ng galit na nararamdaman ko nung mga panahong iyun. Galit ako sa lahat. Galit ako sa mundo. Galit din ako sa sarili ko.. kase ang tanga tanga ko. Umasa ako e, naniwala ako na kagaya ng mga movies na napapanood ko, nobelang nababasa ko mananaig ang pag-ibig namin sa isa't isa, marerealize niyang hindi niya kaya ang mawala ako sa buhay niya at magkakaroon kami ng happy ending pero hindi.. Hindi pala nangyayari sa totoong buhay ang ganung twist.
 

Hindi niya ako sinundan..
 
 
walang Gabriel na dumating.
 
 
At hanggang ngayon hindi ko parin napapatawad ang sarili ko.
 
 
Wala akong kwentang tao. Naaalala ko pa nga na galit na galit si Shie nung sinabi ko sa kanya iyong plano ko. Pinilit niya akong huwag ituloy yun at sinabi niyang siya nalang ang magpapalaki sa bata kung kinakailangan itatago niya pa ito sa akin.
 
 
Napilit niya naman ako kahit labag sa kalooban ko, itinuloy ko ang pagbubuntis ko pero hindi ako naging masaya. Isinama niya ako sa Bataan, inalagaan at doon hinintay ang paglabas ng bata.
 
 
Pagkaraan ng tatlong buwan tinanggap ko ang alok ni Mench at nagpunta sa Singapore. Hindi ko sinabi sa kanya na nagkaanak ako. At kinalimutan na may anak pala ako.
 
 
Alam kong naging masama akong ina dahil idinamay ko ang anak ko sa galit ko sa ama niya. Kahit nga noong ipinanganak ko na si Mitty ay hindi ko siya magawang tingnan at hawakan.

Nawala ang lalaking pinakamamahal ko ..
 
 
Nawalan din ako ng anak.
 
 
Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha ko. I sighed.
  
 
Mapapatawad mo pa ba ako anak kapag nalaman mo na muntik ka nang patayin ng sarili mong ina ?
 
 
Pero andito na si Mommy at mamahalin kita ng sobra sobra hindi na kita iiwan ulit. Ibibigay ko sayo lahat.

Pero patawad ulit kung dumating man ang araw na hahapin mo ang daddy mo at hindi ko masasabi sayo kung sino siya, dahil hindi niya tayo nagawang ipinaglaban.
 
 
Hinalikan ko siya sa noo.

We don't need him, not ever. Kaya natin ito. Tama ng ikaw lang at ako. Kahit ano gagawin ko para sayo. Promise yan ni mommy. Babawi ako sayo.

Wala rin naman akong balak na ipaalam sa kanya ang tungkol sayo dahil para sakin patay na siya.. namatay siya kasabay ng pagkamatay ng puso ko nung gabing natapos ang lahat saming dalawa.

Hindi niya ako pinili ... hindi rin niya pinili ang maging parte ng buhay mo anak.




⏩⏩⏩⏩

Sorry sa matagal na update. Kung may tanong po kayo ... wag po kayong mahihiyang magtanong. Salamat !

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon