Chapter 33

5.6K 105 7
                                    

Warning : Subject for major editing.
Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

-------

" Hoy ! Anyari te ? Bakit biglang nag-disappearing act ka nung Sabado ? " bungad ni Ivy. Nakasabay ko siya sa elevator. Paakyat na kami sa office. " Akala tuloy namin nakipagtanan kana. "

" Naku, pasensya na talaga ang kulit kasi nung lalaking yun hindi na ako pinabalik. " pagsisinungaling ko. Hindi naman kasi nila malalaman na hindi ako nakauwi sa apartment kaya okay lang.

" Sino nga ba yung gwapong lalaki na sumuntok sa kasayaw mo ? Shocking talaga ! Grabe di kami makaget-over dun sa nangyari parang nanood kami ng live na shooting. Tulog na tulog yung lalaki sa sahig pinagtulungan na nga lang siyang buhatin nung mga kasama niya palabas e. " eksaheradang daldal niya.

" Huh ? " hindi ako makareact sa mga kwenento niya. As in naba-blangko ang utak ko. Sila nga hindi makaget-over e di mas lalo naman ako.

" Naku ha, huwag kang magbingi-bingihan diyan te. " taas kilay na sabi niya. " Kukurutin kita sa singit, nakakita kalang ng gwapo, nawala kana agad sa sarili mo. Pati bag at cellphone mo iniwan mo. "

" K-kaklase ko siya nung College. Barkada ganun, kaya tinulungan niya ako. " hindi ko maiwasang mautal.

" Talaga ? "

Grabe tagal naman ng 17th floor ! Para akong nasa hotseat nito e. Siguradong di ako tatantanan nito nang mga tanong.

" Inihatid ka ba niya sa inyo ? "

See ? " Oo. "

" Suitor mo ba yun ? Ex mo no ? " nagniningning ang mga mata na tanong niya, binangga pa nga niya ang braso ko.

I rolled my eyes. Ayan na naman siya sa pagiging hopeless romantic/ korean drama fanatic/ fangirl ng mga loveteam. Pati kami ni Gabriel mukhang gagawan din ata nang team-up.

Naalala ko tuloy si Briel yung unang baby naming dalawa. Itinapon niya kaya yun ? Syempre itatapon niya talaga yun ! Wala sa personality ni Gabriel ang magtatago ng stufftoy malamang nga niyan sinunog na niya yun kasama nang iba ko pang mga gamit. Tch. Kawawa naman si Briel sana dinala ko nalang siya nung umalis ako sa townhouse noon. Ang gulo kasi ng isip ko that time.

" Naku boyfriend mo nga siguro, na-speechless ka e. " tukso niya.

" Hindi ! " medyo napalakas ang boses ko, kaya naglingunan yung ibang kasabay namin. " I mean hindi ko siya boyfriend at mas lalong hindi ko siya ex. "

" Ganun ? As in walang romantic etchus na namamagitan sa inyong dalawa ? " parang nanghihinayang pa siya talaga.

" Wala. Ang chismosa mo talaga. " sagot ko sa mababang boses.

Tumawa siya, " Eh ano yung sinabi niyang MINE ? Grabe nalaglag panga ko dun. Nakaka-kilig kasi kayong tignan parang sa mga romantic movies lang ang peg niyo nung gabing yun. " eksaheradang sabi niya. " Haba ng hair mo. " pinalo niya pa ako sa braso ko.

Juice ko ! Nakakastress naman kausap tong babaeng to. Mas mahirap pang mag-isip ng palusot sa kanya kesa kay Shiela. E kung sabihin ko nalang kaya na boyfriend ko si Gabriel. Tch. Mas lalong mag-uusisa siya, huwag nalang.

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon