➿ Chapter 16 ➿

11.2K 149 1
                                    

Warning : Subject for major editing.
          Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

-------

Monday Morning ..

Nasa loob kami ng sasakyan, papasok sa trabaho and just like some ordinary days .. traffic.

Walang ibang naririnig sa loob ng kotse kundi music na nagmumula sa stereo. Very typical Gabriel Alexis Fuentabella, man of few words. Sobrang tahimik at very serious siya habang nagmamaneho. Parang walang ibang kasama.

I glanced at him. Enjoy na enjoy ito habang nakikinig sa music, gumagalaw-galaw pa ang ulo nito at sinasabayan ng mahinang pagkanta. Pansin ko mahilig siya sa music, maghilig siyang magpatugtog sa bahay pero ni minsan di ko pa siya narinig kumanta. Nakikinig lang siya lalo na kapag may pinag-aaralang kontrata o di kaya kapag nagbabasa ng libro.

Mahilig din siyang mangolekta ng mga cd, I've noticed it. Lahat halos ng music genre gusto niya kahit classic old songs. And isa sa mga collection nito ang nakasalang. Silent Sanctuary, ata yung pangalan ng banda. Mahilig din siya sa OPM songs at artist.

Nakakatuwa siyang tingnan. He looked cool and refreshing sa ganoong gestures. Nakaka-panggigil na nakaka-amazed. I'm always like that at him, amazed. Ang dami niya kasing ginagawa na hindi mo aakalain na gagawin niya at ginagawa niya pala.

Ang dami ko talagang hindi alam tungkol sa kanya. Everyday I'm discovering something about him at mas lalo ko siyang minamahal dahil dun. Kung sabagay lahat naman perfect kapag mahal mo, kaya nga love is blind diba ? Kahit ang mga kapintasan ng taong mahal mo tanggap mo parin. Kahit nga nakakasakit para sayo titiisin mo parin. Ganyan siguro kapag truelove.

' Sir. ' tawag ko sa kanya.

' Yes ? ' paglingon niya ninakawan ko siya ng halik sa lips na ikinabigla niya.

His eyes widened for a second. Parang gulat na gulat sa ginawa ko.

' Don't do that again. ' he chuckled.

I rolled my eyes. Grabe, siya na nga nilalambing ayaw pa. Ang arte niya talaga.

' Sungit ! ' I snorted ang glanced away. ' Masyado talaga, para nilalambing lang naman galit agad. Pag siya okay lang pag ako hindi. ' pabulong-bulong na sabi ko pero deep inside natatawa ako.

' Stop murmuring. ' biglang nag-shift ang expression ng face niya. ' It's just that, er- nabigla ako, ayoko ng binibigla ako.'

' Hmmp, whatever ! ' I snapped and crossed arms, ' Don't worry I won't ever do it again. '

Nagdadabog na umayos ako ng upo at tumingin sa labas ng sasakyan. Ang hirap niya talagang i-please. Pero nakakatuwa siyang asarin, kasi para siyang bata... asar talo.

' I said sorry already, ba't galit ka pa ? ' nakakunot noong tanong niya.

Hayy it's so him nag-so-sorry pero galit. Nailing ako. Narinig ko siyang pumalatak.

' Ikaw e ! Maliit na bagay lang masyado kanang OA kung mag-react. ' sinimangutan ko siya. Pero napapa-cute na simangot.

' Sinasabi ko lang kung ano ang mga ayaw at gusto ko. ' he explained.

' In a very rude way ? ' I raised my brow. Of course nag-o-overreact lang ako, hindi naman talaga rude yung pagkakasaway niya sakin. Gusto ko lang siyang asarin.

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon