➿ Chapter 21 ➿

10.4K 182 3
                                    

Hi my Dear Readers ✿✿
sa chapter na ito makikilala natin ang family ni Belle. Next chapter POV ni Gabriel.

Abangan ..

✣ ✣ ✣ ✣

Meet the Fruel Family

' Ate !! ' tili ni Samantha nang makita niya akong palabas ng airport at patakbong sumalubong sakin. Kalalapag lang ng eroplanong sinakyan ko galing NAIA.

' Naku dalagang-dalaga na ang bunso namin ! ' sabi ko sabay yakap sa kanya. I missed her so much. Halos limang taon din akong nawala e. Talo ko pa ang nag-abroad.

She rolled her eyes and pouted, ' Normal Te, 21 na kaya ako. '

' Naks, 21 kana pala akala ko 12 ka palang. Para ka kasing bata kung makatili e.. Parang di ka ata tumangkad ?' pang-aasar ko. Ang totoo 5'5" ang hieght nito. Pero mas matangkad parin ako.

' Dah.. Nagsalita ang matangkad, at FYI hindi na ako bata may boyfriend na nga ako e, natalo pa kita ! ' pagmamalaking sabi niya.

' Ahh ganon ! Nagbo-boyfriend kana pala, hindi ba bawal ka pang mag boyfriend. At bakit hindi ko alam ? ' kinutusan ko nga, usapan kasi namin wala munang boyfriend hangga't di pa siya nakakatapos ng pag-aaral.

' E ba't ko naman sasabihin ? Alam ko namang di ka papayag. ' She pouted. Grabe may pinagmanahan pala ako sa pagiging pilosopo ko.

' Grabe sumasagot pa ! ' kukurutin ko sana sa singit pero nakaiwas ito agad.

' Ops.. hehe wala ka ng magagawa Ate graduate na ako ngayon with flying colors pa.. kaya wag ka ng magalit. Please ! Di naman ako nagpabaya sa studies ko e. At mabait si Liam, actually Magna Cum Laude namin siya. ' wow ! Pinagmalaki pa talaga.

I titled my head, May magagawa pa ba ako ? Okay naman pala e. Isa pa makikilatis ko rin naman yung lalaking yun. Sisiguraduhin ko ! Aba tama na ang isang tanga-tanga sa pamilya namin.

' Asan sila Mama ? ' palinga-lingang tanong ko.

' Andun sa bahay, ayaw sumama baka raw mag-iyakan session pa dito nakakahiya. Alam mo naman si Mama frustrated actress.' nakasimangot na sabi niya.

' Tss. Sila na talaga emotional. ' I chuckled, ' Tara na nga nakakapagod magbiyahe. '


After 1 hour ..


On our way home ..


Hayy .. wala parin palang pagbabago dito. Bulong ko sa sarili ko habang nagbibiyahe kami pauwi sa Baryo San Roque. Nakasakay kami sa pampasaherong jeep, wala kasi kaming kotse. Sapagkat, isa lamang kaming dukha na biniyayaan ng mala-dyosang kagandahan, pamatay na sex-appeal at seksing katawan. Charrrot !

Anyways, balik tayo sa sinasabi ko kanina ..

Ayun parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang makita kong hitik na hitik sa bunga ang mga puno ng mangga na siyang negosyo ng pamilya namin. Ibig sabihin nakakaluwag-luwag na kami ngayon. Nagkabaon-baon kasi kami sa utang nang ma-diagnose sa brain-cancer ang Kuya ko. Sumalangit nawa ang kaluluwa niya. Naubos ang savings namin sa chemotherapy and worst naisanla ang lupain namin.

Napapikit ako nang maalala ko yung mga paghihirap namin dati. Tss. ayoko ng maalala ! Tapos na yun, nakamove-on na kami. Tanggap na namin ang lahat. Ganon talaga ang life diva ? Una-unahan lang.

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon