Chapter 29

5.9K 127 9
                                    

(Hala ! Iba yung chapter 29 na na-publish ko. Kainis naman.. o baka iba lang yung lumalabas sa update ko ? ****)

Un-edited.

Salamat sa patuloy na naghihintay ng updates. 😊😊😊

Salamat din sa mga comments and reaction niyo. Hahaha. Nakakaloka ang mga naiisip kong scene. Ano kaya ang mangyayari sa Lovelife ni Belle and Gabriel ? Hmmm.

Anyways, natutuwa talaga ako pag nababasa ko na nagustuhan niyo yung mga chapter kahit waley minsan.

-------

Masuyo kong hinalikan sa noo si Mitty na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Maingat akong bumangon sa kama at tinungo ang banyo para maligo. Papasok ako sa opisina.

Wala na si Shie paglabas ko sa salas. Maaga talaga itong umaalis dahil mas malayo ang pinagtatrabahuan nitong kumpanya kesa sa pinagtatrabahuan ko ngayon.

Nabanggit ko na ba na sa TechnoBite parin siya nag-wo-work ? Hindi kasi namin napag-uusapan or mas tamang sabihin iniiwasang banggitin ni Shie. Respeto niya nalang sakin.

And as far as I could remember binura ko na sa alaala ko lahat ng mga nangyari noon at hindi kailanman nag-excess sa mundong ito ang kumpayang iyon.

Tch. Kay aga aga ayokong mastress. Tinungo ko ang kusina para magprepare ng breakfast.

Magtitimpla na sana ako ng kape nang mapansin ko ang papel na nakapatong sa dining table. Note pala ito na may nakaipit na pera.

Napailing nalang ako matapos kong mabasa ang laman niyon. Ang kulit talaga niya, isinuksok ko nalang sa bulsa ko para itago. Share ito Shie para sa buwanang budget namin dito sa apartment.

Actually, kagabi pa niya ito pilit na inaabot sakin pero tinatanggihan ko naman ng bongga. Nakakahiya na kasi sa parte niya, unfair naman kasi kung pati ang buwanang sahod ng yaya ng anak ko e makikihati pa siya.

Naghahati na nga kami sa lahat ng gastusin dito. Sa tubig, kuryente, rental at supply ng groceries. Pati pa dun e poproblemahin pa niya. Sobrang nakakahiya na talaga.

Ang totoo niyan medyo nag-short nga ang budget ko ngayong buwan dahil kinailangan kong magpadala ng pera sa probinsiya. Ang sabi kasi ni mama hindi pa raw nakakapagpadala yung bunso namin kaya nagipit sila. Anyway, ngayon lang naman nangyari ito.

Alam kung hindi praktikal dahil hindi sapat ang sahod ko para kumuha ng yaya pero kinalangan ko talagang kumuha ng magbabantay sa anak ko habang nasa trabaho kaming dalawa ni Shie.

Hindi man kalakihan ang kinikita ko ngayon kumpara sa kinikita ko sa Singapore, panatag naman ang utak ko. Though, nakakapanghinayang pero mas pinili ko nalang ang ganito kesa malayo ulit sa anak ko.


-----

Martinez Group of Companies

' Miss Fruel ? '

Napalingon ako sa narinig kong may tumatawag sa pangalan ko. Papasok na sana ako sa elevator. Napahinto ako nang makita ko si Kuya Roger na hinahabol ako. Isa siya sa mga security guard ng building na medyo close ko narin.

' Bakit po Kuya ? ' nagtatakang tanong ko sa kanya at tumingin sa wristwatch ko. May ilang minuto pa naman ako para makipag-usap sa kanya.

' May lalaking nag-abot nito sakin kanina. Pinabibigay sayo. ' iniabot niya ang isang paper bag.

Kumunot ang noo ko. Sino naman kaya ang mag-iiwan nito ?

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon