Chap.42

6.8K 136 12
                                    

 
 

"Papa Bear!" Tuwang-tuwang sigaw ni Mitty.

Nagbabalat ako ng orange para sa kanya nang bigla siyang sumigaw. Biglang sumikdo ang dibdib at halos malaglag ang eyeballs ko nang makitang nakatayo sa pintuan ng ward ni Mitty si... Gabriel.

Holy-- Siya si Papa Bear! Ang ibig bang sabihin nun ay matagal nang magkakilala ang dalawa? Diyos mio! Ano pa ba ang hindi ko alam? Hindi pa ba tapos lahat ng mga sikreto nila? May mga itinatago pa ba sila sakin?

Nagmumukha na akong tanga e. Nakaka-shock lahat ng nangyayari simula pa kahapon. Mabuti nalang at wala akong sakit sa puso, kung nagkataon kagabi pa ako bumagsak.

"Hi." Tipid na bati niya sakin.

Napakurap ako nang pumasok siya at naglakad palapit sa kinauupuan ko. Napasinghap ako nang manuot sa ilong ko ang mabango at lalaking-lalaki niyang amoy.

"Naglunch kana?" Tanong niya habang inaayos sa mesa ang mga dala niyang kahon ng iba't ibang pagkain.

Kagat ang ibabang labi na tumango ako, ang awkward kasi sa pakiramdam. Alam kong nagtatampo siya sakin dahil sa nangyari kagabi. Tama naman ako diba? Hindi naman pu-pwede na papatawarin ko agad siya ng ganun-ganun na lang.

Pero aaminin ko parang gumaan ang loob ko pagkatapos nang nangyari kagabi.. nawala na iyong dating bigat sa dibdib na dinadala ko.

At aaminin ko na, hinihintay ko talaga siya. Oo, kanina ko pa hinahanap ang presence niya.. nakakaramdam ako ng pagkasabik na makita siya ulit. Gustong-gusto ko na nakikita ko siya. Siguro dahil sa nasanay lang ako sa set-up namin sa isla na palagi ko siyang kasama at katabing matulog sa kama.

"How's my princess? May masakit pa ba sayo?" Masuyong tanong niya sa anak namin.

"Okay na po ako papa bear, strong na po ako ulit. Tingnan mo oh wala na po akong lagnat." Masiglang sagot ni Mitty.

Humalik siya sa noo nito at ngumiti. Parang may humaplos sa puso ko dahil sa eksenang nasaksihan. Ang ganda nilang panuorin, bakas ang sobrang kasiyahan sa mga mukha nila.

Hindi talaga maitatanggi na mag-ama nga sila, parehong pareho kasi sila ng hitsura. Nakuha talaga ni Mitty halos lahat ng features ni Gabriel. Ang cute nilang tingnan, parang mini-me ni Gabriel ang anak namin.

"Very good talaga itong baby ko. Huwag ka ng magkakasakit ulit ha, kinakabahan kami ni Nanay e." May himig ng pag-aalala sa boses niya.

"Hindi na po promise! Tsaka mabilis po akong gagaling kasi sabi ni Nanay uuwi na kami bukas tapos pupunta kami sa dagat. Diba Nanay?"

Tumango ako at ngumiti."Kaya magpagaling kana agad para makapunta na tayo sa beach."

"Yeheyyy! Sasama ka papa bear?" Excited na tanong niya.

Nag-aalangan napatingin siya sakin."Ahm.. maraming gagawin si Papa sa office e. Next time nalang princess promise sasama na ako tapos pupunta tayo sa Disney Land."

Humalukipkip siya at sumimangot."Ay! ang daya bakit kayo ni Nanay nagpunta sa beach tapos di niyo ko sinama!"

Napanganga ako. Paano niya nalaman na magkasama kami ng papa niya sa isla? Si Shie talaga! Pahamak kahit kailan! Naku! Baka kung ano-ano na ang sinabi niya sa anak ko. Wala pa namang filter ang bunganga niya minsan.

Ngumisi naman si Gabriel."Sorry na princess. Di ba sabi mo gusto mo na ng baby brother? So kailangan kami lang ni Nanay ang magkasama para magawan kana namin agad ng kapatid."Kumindat siya sakin.

Hala! Literal na napanganga talaga ako dahil sa sinabi niya. Kung makapagsalita kasi ito ay parang hindi bata ang kausap. Ang sarap niyang kutusan sa balls! Promise!

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon