Chapter 36

4.5K 107 8
                                    

Warning : Subject for editing.
Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

------

Kinapalan ko na ang mukha ko dahil sa totoo lang ay gutom na gutom na talaga ako. Kaya kahit galit ako sa taong naghanda ng pagkain ay kinain ko narin. Anyway, alam kong kakailanganin ko talaga ng lakas para sa pambubugbog na gagawin ko sa kanya.

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kwarto. Inihanda ko na ang mga linya na puno ng mura na isasalubong ko sa kanya pero hindi ko siya makita.

Sh-t ! Saan kaya siya nagsuot ? Ang sabi niya kanina ay nandito lang siya sa labas. Busit talaga ! Tinakasan niya ba ako ?

Great ! Chance ko na ito para makatakas.

Nagmamadali akong tumakbo palabas ng bahay. Natatandaan ko kasi kung nasaan banda yung frontdoor kasi nadaanan ko na ito kanina.

Hihingi ako ng tulong sa mga taga-rito para makauwi na ako at kapag nakarating na ako ng Maynila lintik lang ang walang ganti. Taga niyo sa bato !

Pero ......

Nanlalanta na napaluhod ako sa buhangin. Sobrang nakaka-frustrate talaga, kanina pa ako nag-iikot. Halos baliktarin ko na ang lahat ng sulok ng lugar na kinaroroonan ko pero wala akong nakasalubong o nakita manlang kahit na isang tao..

and f-ck ! Nasa isang isla ako. Kaya pala malaya akong nakalabas ng bahay kasi wala pala akong tatakbuhan. Napapalibutan ako ng karagatan, I am in the middle of f-cking nowhere. Hindi rin ako sure kung nasa area pa ba ako ng Pilipinas.

" Busit ka talagaaaaaaa ! I hate you.. I hate you.. fvck you.. fvck youuuuuuuuuuu ! " Gigil na gigil na sigaw ko. As in nagsisisigaw talaga ako na halos napugtol na yung hininga ko hanggang sa napagod ako. Naiyak nalang ako pagkatapos.

I felt so helpless and hopeless. Siguradong hinahanap na ako ni Shie at nag-aalala na siya. Miss ko narin ang baby ko. My baby....

God, I miss her so much ! Baka iyak na yun ng iyak kakahanap sakin. Namura ko na naman ulit si Gabriel sa isip ko. Patay talaga siya sakin pagnakita ko siya.

Mag-ga-gabi na ay wala paring Gabriel na nagpakita sakin ni anino niya ay hindi ko nakita sa paligid ng isla.

Hindi ko rin mahanap yung cellphone ko pakiramdam ko ay tinapon na niya iyon sa kung saan, nakakaiyak lang sobrang mahal kasi ng bili ko dun tapos nawala lang.

Naubos rin ang buong maghapon ko kakahanap kung may telepono, laptop o desktop computer sa loob ng bahay but I failed. Siniguro talaga ng hinayupak na lalaking iyon na hindi ako makakahingi ng saklolo.

Inisip ko ngang languyin nalang yung dagat pero naalala ko takot pala ako sa pating at hindi ako si Dyesebel. Kaya no choice ako kundi ang maghintay.

Habang tinititigan ang papalubog na araw ay mas lalo akong kinakabahan dahil kung anu-anong mga masasamang bagay ang pumapasok sa isip ko.

Gosh ! Iniwan niya na bang talaga ako dito sa isla ? Gusto niya na ba akong mamatay ?

Napahikbi na naman ako. Ito na yata ang katapusan ko. Dito na ako ma-a-agnas at walang makakakita sakin.

Napa-hagulgol na ako dahil dun. Mamamatay na ako.

Ang panget ng magiging kamatayan ko, sobrang saklap. Hindi manlang ako maililibing ng maayos. Hindi ko manlang makikitang lalaki at magdadalaga ang baby ko. Hindi ko manlang siya maipapakilala sa Daddy niya.

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon