➿ Chapter 23.1 ➿

9.8K 156 22
                                    

ROOM 289

Ang haba-haba talaga ng hair ko, parang kailan lang pakiramdam ko ang malas ko pagdating sa lovelife, akala ko forever nalang akong mag-aasam na sumaya tapos ngayon parang sobra sobra namang kaligayahan to .. ako na talaga pinagpala. Pero nakakainis mang aminin ang ganda talaga ni Barbie. How sad ! Will, sa part niya kasi ako .. ako ang love ni Gabriel.

Ang dami ko pang sinasabi no, kakatok nalang e.

Okay ito na, breathe in.

Pero di paman ako nagsisimulang kumatok sa pinto bigla na agad itong bumukas. Nakangiting mukha ni Gabriel ang bumungad sakin, sabay hatak sa beywang ko. Di naman siya excited no ? At di ko talaga maiwasang pamulahan ng mukha, sobrang gwapo e. Ang swerte ko talaga. Hayyyy..

' Wala ka ng tampo ? ' I asked sweetly habang hinahaplos ang makinis at mamula-mulang pisngi niya .. as in tinalo pa ko kung sa pakinisan ang labanan.

' Ikaw .. are you still jealous ? ' ganting tanong niya.

I frowned.

Tika ba't niya tinatanong ? Hmm.. sinadya lang ba niya yung nangyari kanina ? Para ba magselos ako ? Wow .. Seriously ? HE WANTS ME TO GET JEALOUS ? Hurayyyyy !

' Saan naman ako magseselos ? ' I raised my brows. Will kung yun nga ang larong gusto niya never akong aamin na nagselos nga ako. NEVER ! As in never.

' Ow come on. I know you are. ' naka-grin na sabi niya. Conceited much lang.

Stepping closer to him, dahan dahan kong ibinaba ang zipper sa likod ng suot kong dress.

Bumaba ang tingin niya sa sahig ng mahulog ang damit ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglunok niya.

' Sa tingin mo may dapat ba akong ipagselos ? ' A sweet smile curved my lips, pina-sexy ko talaga yung boses ko pagkasabi ko nun.

' She's every man's fantasy. ' cool na sagot niya.

I went stunned. NGANGA !

As in .. OUCH .. IT HURTS !

Nawalang bigla ang ngiti sa mga labi ko. Supalpal to the highest level. Napaka-insensitive naman niya, kung joke yun .. truly nasaktan ako.

Grabe ang harsh ! Sabihin ba naman yun sa harap ko. Yan kasi e. Akala ko pa naman sasabihin niya na wala .. kasi mas maganda ako .. kasi mas sexy ako .. kasi mas lamang ako. Pero hindi e, ipamukha pa talaga. Oo na siya na Diyosa ng kagandahan !

Nagdadabog na pinulot ko ang hinubad na damit at isinuot ulit. Nasaktan talaga ako, ang insensitive nang kumag na to.

' Uuwi na ako bumalik kana dun sa party mo, siguradong hinihintay kana dun. Tss. Dapat pala di mo na ako sinama. Fantasy pala ha .. ' napalingon ako sa kanya, nagpipigil ng tawa ang bwesit. Biglang nag-init ang ulo ko sa hitsura niya. ' Wag mo kong pagtatawanan !'

Bigla itong napahagalpak ng tawa.

Bwesit ! Sinabi wag akong pagtatawanan.. tumawa tuloy. Pilipino ka talaga !

' Epic face. You should see your face, baby. Nakakatawa ka talaga. '

Ulol.. Pinagtritripan ako ng loko.

' Don't Baby me. ' I snapped. Wala badtrip na ko e. ' Don't talk to me either .. doon ka makipag-usap kay Fantasy mo ! '

' Tss. Tama na yan. Joke lang naman yun e. Ang sabi ko Every man's fantasy.. but it doesnt mean na kasama ako don. Kaw talaga. '

He hugged me. Syempre nagpumiglas ako.

' Nakakainis ka ! Alam mo na ngang insecure na nga ang tao gaganyanin mo pa. Hindi mo naman kailangan ipamukha sakin na di ako kagandahan e ! ' feeling ko bumaba ang self-esteem ko dahil sa sinabi niya. At ayan nabura na naman ang pride ko ! Di ako umamin na nagselos ako pero inamin ko naman na insecure ako.

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon