Chap 46

7.3K 97 56
                                    

Warning : Subject for editing.
Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

---------
  
*Gabriel's POV
  
    
   
Dad is still in the ICU. Sabi ng mga doktor na tumitingin sa kanya ay stable na ang mga vital signs niya pero hindi parin sigurado kung kailan siya magigising. Dati na pala siyang nakakaranas ng mild stroke at ngayon daw ay medyo fatal ang nangyari sa kanya.

Gusto kong sakalin ang sarili ko. This is all my fcking fault! Kung hindi ko sana siya ginalit hindi sana siya--- pero fck! Do I have a fcking choice?

Kaligayahan ko ang nakataya dito!

Palagi ko naman siyang sinusunod, naging mabuting anak naman ako sa kanya. But why is this shît happening? Masama bang sundin ko naman ang sarili kong desisyon ngayon?

Ito ba ang kapalit noon? Kailangan bang pumili ako between my dad and Isabella?

God, hindi ko na alam ang gagawin ko! This sht is driving me insane. I love Isabella and Mitty but I also love dad. Kahit kailan hindi siya nagkulang sakin kahit pa napakagulo ng pamilya namin. I know dad loves me. I know selfish siya but still he loves me. I am his fcking son at kapakanan ko lang ang iniisip niya kahit wala na siya sa lugar sometimes.

Napatayo ako nang makita kong lumabas si Tita Vivian galing sa private ward ni dad. She looked murderous as fck. Mas nakakatakot talaga si Tita kesa kay dad.

I could still remember my childhood days pinapaluhod kami ng mga half-siblings ko ni tita sa asin kapag may kasalanan kaming nagawa. Tapos one time pinalo niya ako ng belt, galit na galit si Mommy nang malaman iyon. Sumugod siya sa mansion ni dad at nagsabunutan silang dalawa. Kaya simula non sinikap ko ng hindi gumawa ng kalokohan, nagpakatino ako. Naging masunurin akong anak dahil sa ganoon lang nagkakaroon ng katahimikan ang pamilya namin.

Si tita kasi brutal kung disiplinahin kami. While my dad, hanggang salita lang siya samin pero isang tingin palang niya nangangatog na tuhod namin sa takot.

"T-tita, I'm s-sorry." Garalgal ang boses na salubong ko sa kanya.

Pero imbes na sagutin ay sinampal niya ako. Sht! This is the first time na sampal lang ang natanggap ko mula sa kanya. Should I be thankful?

"T-tita.."

She throw me her deadly dagger look."If anything bad happens to your father hindi kita mapapatawad! Hindi kita mapapatawad! Lumayas ka sa harap ko! I don't want to see your face! Leave! We don't need you here!" sigaw niya sa mukha ko.

"Tita please... S-sorry..."

"Shut up! Wala kang utang na loob. We expect so much from you Gabriel, pero ano itong ginawa mo? Tingnan mo kung anong nangyari dahil sa katigasan ng ulo mo. Ikaw ang papatay sa sarili mong ama!"
 
Pakiramdam ko ay bumagsak sakin ang buong mundo. Ganoon ba talaga kasama ang nagawa ko?
 
  
  
I don't know where to go. Hindi ko naman gustong makita ako ni Isabelle ng ganito. Alam kong masasaktan siya. Alam kong magi-guilty siya kapag nalaman niya ang nangyari at ayokong mangyari iyon.

Ayokong bigyan siya ng dahilan para gumulo ang isip niya. Baka kung ano na naman ang pumasok sa utak niya at iwanan niya ako. May pagka-martir pa naman siya... minsan. I stared at my phone, still no text from her. Siguro ay galit parin siya sa akin. What should I do? This is so difficult.

"Bro!" Napaangat ako ng tingin sa humahangos na si Lander. Para siyang hinahabol ng sampung babaeng aso.

I chuckled."You heard what happened?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Secret Affair With The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon