"Pasensya ka na dun" sabi ko habang nakayuko pa rin. Alam ko naman kasing may hinala na sya dahil hindi na sya pumasok at pinuntahan nya rin ako rito kahit na lumalalim na ang gabi
Lumipas pa ang ilang minuto ng pananahimik sa paligid dahil walang nagsasalita sa amin ng biglang naramdaman ko na lang ang pagyakap nya sakin "Alam mo namang nandito lang kami diba? Isa pa hindi mo naman maikakaila na may bumabagabag sa isip mo dahil halata naman sa mga galaw mo. At narinig rin naman namin kanina ang sigaw mo habang kausap si tita kaya halata nang nagsisinungaling ka lang kanina nung sabihin mong nangangamusta lang si tita satin"
"Umuwi na tayo" sabi ko at nauna nang pumasok sa sasakyan
"Kakain muna tayo" bungad nya ng makapasok sya sa sasakyan
"Wag na, ibaba mo na lang ako sa bahay kung saan si Ella at umuwi ka na sa inyo" sabi ko at pinikit na ang mga mata ko habang nag-iisip
Hindi na muna ako uuwi sa bahay dahil alam kong pipilitin lang ako ni mama na payagan sila kahit alam naman na nila ang magiging resulta. Alam na alam ko ang galawan ni Bradford, kung hindi nya ako makukuha ay pupuntiryahin nya muna ang mga malalapit sakin bago nya ako susubukang kunin. Alam na alam nya ang kahinaan ko at hindi ko hahayaang may magawa pa sya sa mga mahal ko sa buhay. Hindi na muna ako gagawa ng galaw pero kapag nasiguro kong may ginawa nanaman syang masama sa mga mahalaga ko sa buhay ay talagang lalaban na ako, sisiguraduhin kong katapusan na ng mga masasama nyang gawain
Sino naman kaya ang sunod nyang punterya? Yung makakahanap sya ng tyempo na gawan ng masama? Hindi naman siguro sila mama ano? Hindi rin naman ako papayag na umalis sila lalo na't alam kong naghahanap na ng isusunod na punterya si Bradford. Sana lang talaga ay hindi sya makahanap ng paraan upang kunin nya sila mama at tita sakin
'Mamaya ko na lang siguro iisipin yun' sabi ko sa utak ko at binuksan ko na ang mata upang makita na nakarating na pala kami sa bahay. "Kanina pa tayo nakarating sa bahay ngunit hindi mo man lang napansin, hindi ka rin naman natulog dahil halata naman so may bumabagabag nga talaga sa isip mo"
"Pasensya na talaga" sabi ko at bababa na sana ng hawakan nya ako sa kamay kaya napatingin naman ako sa kanya
"Bakit hindi ka uuwi ngayon sa bahay niyo?"
"Alam mo naman na dito na ako natutulog magmula nang mawala sila tita Analenne at para na rin may kasama si Ella rito"
"Hindi yun ang ibig kong sabihin at alam mo yun, bakit hindi mo man lang bisitahin sila tita at makamusta mo na rin sila?"
"Nagkausap na kami kanina, bibisita rin ako sa mga araw na lilipas" sabi ko at bumaba na nga upang makita si Ella na may ginagawa rito sa baba
"Nakarating ka na pala Amy, hinatid ka ni Kian?" tumango lang naman ako at umupo sa sofa rito sa sala "Kumain ka na Amy? Gusto mo ipagluto kita?"
"Wag na, magluluto na lang ako mamaya pag magutom ako, tsaka may ginagawa ka pa kaya tapusin mo na muna ito at magpahinga ka na"
Kaya naman umupo na sya rito sa tabi ko at tinapos na nga ang ginagawa nya "Kamusta ka na?" napalingon naman sya at parang sinasabi na ano ang ibig kong sabihin "Kamusta ka na magmula nung mawala sila tita?"
"Okay lang naman, salamat sa inyo ni Kian at sa iba pa ay nakakaahon naman mula sa pagluluksa ko" mukha ngang hindi na naaapektuhan ang isang to kasi hindi na sya nasasaktan at naaapektuhan "Pero bago pa naman mula nang mangyari iyon kaya masakit pa rin talaga" binabawi ko na pala ang sinabi ko kanina
"Mabuti naman kung ganon, ipagpatuloy mo lang yan at malalaman mo na lang na nakaahon ka na talaga mula sa pagluluksa kina tita" sabi ko at uminom muna ng tubig sa kusina bago ako pumasok sa kwarto ko
BINABASA MO ANG
My Life's Tragedy
Teen FictionSi Amelia Rose Marquez ay isang dalagitang may marami nang nalalaman sa buhay tulad ng pagmemedicina, kaalaman sa martial arts at close combat, ang paggamit ng mga baril at ang kaalaman ukol sa mga batas. Ano-ano nga ba ang mga problema nya na nag...