Hapon pa naman ang event, after lunch kaya wala naman kaming gagawin ngayon kundi ang nagtambay lang sa silid namin at gawin ang pagpaghanda para sa gaganapin mamayang hapon
At heto ako, walang nasalihan kahit isa, aayy meron pala, ang pagsusulat ng tula pero nangyari na naman yun, ang pagtawag na lang sa panalo ang gagawin para sa ibang mga ganap na nangyari nitong nakaraang araw habang ang iba ay ganon pa rin ang mangyayari gaya ng pagsasayaw ng mga folk dances, agosto na kasi ngayon
"Amelia ano ang susuotin mo ngayon?" tanong ni Zoey na kasali rin sa photo journalism kaya ngayon ay bihira na lang namin syang makakausap dahil habol ng habol ang mga kaklase namin para magpakuha ng litrato
"Ang susuotin ko? Natural filipiniana, required ngayon eh" sabi ko dahil yun naman talaga kasi ang susuotin namin mamayang hapon
Habang hinahatak nanaman si Zoey ng mga kaklase namin pqra kuhanan sila ng litrato ay nakita ko naman si Kian sa harap ng pinto namin at hinintay na tignan ko sya.
Kaya naman ay lumapit agad ako ng maintindihan ko kung bakit sya narito, may sasabihin sya sakin "Anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba dinudumog ng mga kaklase mo para kumuha ng litrato?" nakita ko kasi kanina na katulad ni Zoey ay ganun rin ang sitwasyon ni Kian ngayon
"Akala ko makikita kitang natutulog sa oras na ito pero bakit parang hindi ka inaantok ngayon?" pang-aasar nya sakin ng makita nya akong gising na gising
"Pinuntahan mo lang ako rito para mang-asar ano?" pamimilosopo ko sa asar nya sakin
"Hindi naman tinignan ko lang kung hindi ka ba natutulog dahil ibibigay ko lang sana to sayo" sabi nya at ibinigay sakin ang isang bag ng camera habang may nakasabit naman sa leeg nya na isa pang camera
"Ano namang gagwin ko rito?" tanong ko nang maiabot na nya ang lalagyan ng camera. Nang mapansin kong ang bigat pala nito kaya sinilip ko ang loob at may isa pa ngang camera kaya gulat akong tumingin ulit sa kanya "Dalawa pala camera mo?"
"Oo, noon pa man gusto ko na ng ibat ibang klase ng camera pero itong dalawa pa lang ang meron ako, okay lng naman siguro sayo kung dyan na muna sa iyo diba?" nagdadalawang isip pa rin ako kung tatanggapin ko ba
"Okay lang naman siguro kung halungkatin ko ang loob nito diba? Marunong naman akong gumamit ng camera." sabi ko at nung tumango sya ay aalis na sana ako ng may maalala ako "Pano kung gusto nilang magpakuha ng litrato galing rito?" nataranta ako ng maisip ko yun, hindi naman kasi sakin to
"Siguro naman papayag sila ma'am na kahit hindi ka photo journalist ay pwede ka pa ring kukuha ng litrato pero kaya ko kasi dinala yan dahil sa isang bagay" sabi nya at iminuwestra sakin na buksan ko ang camera at tignan ang dahilan
Kaya naman ay inilabas ko ang camera at hinintay na mag on ito. Kaya nang mag on na nga ito ay tinignan ko naman ang mga larawan rito at nagulat naman ako sa nakita ko
Tinignan ko pa ang iba pero iisa lang talaga ang mukha eh, MUKHA KO. Kaya naman ay tinignan ko naman ang camera na hawak ni Kian at tinignan rin ang mga larawan na kuha roon. At sa mga larawan roon ay wala talagang solo ko, nandito lahat sa camera na hawak ko
"Ano nang gagawin ko ngayon?" tanong ko sa kanya habang natataranta pa rin dahil nakakahiya naman kasi dahil larawan ko lahat ang nadito
"Anong anong gagawin mo? Kung may magpapakuha ng litrato kunan mo para naman matabunan yang mukha. Pero wag kang makanpante na wala akong makukuhang litrato sayo dahil kahit na nandyan sayo ang camera ko ay kukunan pa rin kita ng litrato" sabi ko at parang nananakot pa
"Bakit naman eh may mga litrato na nga ako sa phone mo tapos pati sa camera mo meron rin?" nahihiyang tanong ko
"Alam mo na ang sagot ko dyan" sabi nya at humakbang paatras bago nag wink at nag flying kiss pa bago nawala sa paningin ko kaya tinignan ko naman ulit ang camera bago itinago ulit sa loob
BINABASA MO ANG
My Life's Tragedy
Teen FictionSi Amelia Rose Marquez ay isang dalagitang may marami nang nalalaman sa buhay tulad ng pagmemedicina, kaalaman sa martial arts at close combat, ang paggamit ng mga baril at ang kaalaman ukol sa mga batas. Ano-ano nga ba ang mga problema nya na nag...