Chapter 13

1 0 0
                                    

"Pero tatanungin muna kita, ano nga ba ang gusto mo? Tell me kung ano ang gusto mong kahahantungan ng kagaguhan mong ito" gusto ko munang malaman kung ano ang gusto nyang kahahantungan bago ko sya sasabayan sa kagaguhan nya

"Dont be too excited my love, we'll get there. Magpapakasal rin tayo, hindi lang muna sa ngayon pero alam kong tayo rin ang magkakatuluyan" so iyon pala talaga ang gusto nya, ang mag-iisang dibdib kami sa mata ng mga tao lalo na sa mata ng Diyos

"If we can get all the way there." panghahamon ko sa kanya kung hanggang saan nya kakayanin "But if i eventually agree to you. I also have my own rules. Want to know them?"

"Oo naman, para mapaghandaan ko na at magawa ko ang rules mo" magiliw na sabi nya, kala nya naman madali lang para sa kanya ang pagsubok na ito, well, i won't let it happen. Na magdusa kami tapos sya nagsasaya

"I have a lot, first is you'll let me live my normal life. Second, wala kang sasaktan na ibang tao lalong lalo na sa mga malapit sakin. Third is you'll let me handle the company while hostage mo ang pamilya namin. Fourth is I'll continue to study" tigil ko dahil nag-iisip pa ako ng iba. Tatayo na sana ako ng may maalala ako "And last but not the least, I'll meet anyone i want" sabi ko at umalis na, siguro naman ay papayag sya.

Bumalik na ako sa campus dahil hindi pa naman kami pwedeng umuwi dahil class hours pa rin ngayon pero dahil sa sitwasyon ko ay pinayagan pa rin akong lumabas pero kailangan ko namang bumalik

"Amy saan ka galing? Kanina pa kami naghahanap sayo matapos naming mananghalian" salubong nila sakin nang makapasok ako sa campus

Tinignan ko na muna sila isa isa nang mapunta ang tingin ko kay Fin, hindi ko na tinapos tignan silang lahat at umalis na sa kanila kahit hindi ko pa nasasagot ang tawag nila

Sumunod naman sila sakin at kinukulit pa rin ako kung san ako galing "Pwede ba!" sabi ko at pinakalma ang sarili ko ng masigawan ko sila "Hwag nyo muna akong kulitin, pagod ako" tuluyan na nga akong umalis at mabuti naman ay wala nang kumulit sakin

Pumunta lang naman ako sa sasakyan at dun na nagtambay. Nang maisipan ko ang pag-uusap namin kanina ay naalala ko naman ang sinabi ko.

Third is you'll let me handle the company while hostage mo ang pamilya namin.

Speaking of which... Kinuha ko agad ang libro na dinala ko ngayon. Yung libro ko tungkol sa pamamahala ng kompanya namin, noon pa man ay may ganito na kami dahil kung may mangyari man sa isa sa amin ang pwedeng mamahala habang wala ang isa

Naalala ko naman sila mama kaya hindi ko maiwasan ang maluha kaya hinayaan ko na lang na bumagsak ang mga ito para naman maibsan ang bigat ng dinadala ko ngayon

Hindi naman ako umiyak ng todo todo dahil nakakasama iyon sa akin, lahat ng sobra sakin ay bawal, lalo na ang dinadamdam ko kaya matapos ang ilang saglit ay itinigil ko rin ang pag-iyak

Nang hindi na nga ako umiyak pa ay binuksan ko na ang libro at sinimulang mag-aral, matuto at alamin ang tungkol sa mga bagay na ito

Hindi naman kasi pwedeng tumunganga na lang ako ng tununganga dahil kung ganyan lang ang gagawin ko ay siguradong wala na akong kawala kay Bradford

At yung tungkol sa proposal nya? Baka mamaya ko na iisipin yun, kung mangyari man yun ay dapat nakahanda ako, kami para kahit na nasa kamay ako ni Bradford ay may ginagawa naman silang iba na makakatulong sa pagbagsak ni Bradford at mga kasama nya

Sisiguraduhin ko na walang matitira sa kanila na hindi napaparusahan, kahit hindi ko kilala ang iba ay alam ko namang magagawan ito ng paraan

Sa pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako

My Life's Tragedy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon