Kahit naman ganon lang ang suot ko ay nakakuha naman ako ng atensyon sa kanila kaya naiilang pa rin ako kaya mas binilisan ko na ang paglalakad
Nang makarating ako ay kanya kanya naman silang reaksyon sa suot ko "Wow, Amelia fashonista ka pala" hindi ko na lang inalintana yun at naglagay na ng rubber shoes na susuotin ko
"Si Kian at Ella?" sabi ko habang nakayuko pa rin at nagsisintas ng sapatos ko
"Hindi pa namin nakikita eh. Pero teka lang, pwede na ba kaming magtanong?" tumango lang naman ako
"Una ay bakit iisa ang bahay nyong tatlo?" si Lyla ang nagtanong nun at nagulat naman sila dahil sa narinig nila
"Ano!? Iisa ng bahay sila Killian at Amelia? Pati na rin si Ellaine?"
"Nagulat nga rin ako nung malaman ko eh" si Lyla na muna ang sumagot sa mga tanong nila
"Ano nang sagot mo dyan Amelia?" napatingin naman ako sa kanila saglit bago ako bumalik sa ginagawa ko
"Sa ngayon ay umalis muna ako dahil sa gulo namin"
"Ano namang gulo iyon?" tanong nila na nagpaisip sakin kung ano ang isasagot ko
"Hindi ko na muna sasabihin, masyadong magulo eh" sabi ko at natapos na rin ako sa ginagawa ko
"Ikaw naman ang magulo Amelia" sabi nila at nagtawanan kaya nginitian ko na lang sila
Matapos ang ilang sandali ay pumasok na nga ang dalawa kasabay ni Rogue "Kamusta?"
Ibinigay nya naman sakin ang phone ko kaya tinignan ko yun at may numero ngang ibinigay kaya sinubukan ko iyong tawagan
"Hello?" sabi sa kabilang linya
"Ah hello ikaw po ba yung tumawag sa numero ng isang guro tungkol sa aksidente?" baka naman kasi hindi na sya ang tumawag kanina
"Ah oo ako nga, ikaw ba yung anak nya?"
"Hindi po, kaibigan po ako ng anak nya. Gusto ko po sanang malaman kung ano ang nangyari" gusto ko lang masiguro kung talagang may kinalaman si Bradford rito
"Basta nasisiguro kong hindi aksidente ang nangyari, nandoon kasi ako sa kalsada sa oras na iyon at may binili lang ng may makita akong isang sasakyan na parang minamatyagan ang sasakyan na nabangga" so totoo ngang hindi aksidente, pero hindi pa ako sigurado na si Bradford talaga iyon
"Nakita nyo po ba ang plate number ng sasakyan o baka may cctv na malapit dyan?"
"Hindi ko nakita pero parang may cctv naman doon kaya kung gusto nyo ay pwede nyong tignan kung pupunta kayo rito" mabuti naman kung ganon
"One last question na po. Saang ospital nyo po ba dinala ang sila tita?" may binigay naman kasing address pero walang address ng ospital kaya gusto kong malaman
"Hanapin nyo na lang ako kung saang address ang ibinigay ko, pupunta naman kayo diba?"
"Ah opo"
"Sige, maghihintay ako sa inyo rito" napangiti naman ako dahil dun. Ang bait bait nya kasi.
"Maraming salamat po sa pagtulong" sabi ko at pinutol na ang tawag at may isa pang tinawagan
"Hello there babe? What can i do for you?" narindi naman ako kaagad sa bungad ni Bradford sa tawag ko
"Anong ginawa mo sa pamilya ni Ella?" mariin kong tanong at sigurado ako na narinig nila iyon dahil tumahimik ang silid ngayon
BINABASA MO ANG
My Life's Tragedy
Teen FictionSi Amelia Rose Marquez ay isang dalagitang may marami nang nalalaman sa buhay tulad ng pagmemedicina, kaalaman sa martial arts at close combat, ang paggamit ng mga baril at ang kaalaman ukol sa mga batas. Ano-ano nga ba ang mga problema nya na nag...