Chapter 32

0 0 0
                                    

"Sige po ma'am, sisiguraduhin ko pong magiging kwalipikado ako" sabi ko at pinutol na nga ang tawag para umuwi muna sa bahay at kunin ang mga gamit ko.

"Oh Amy, bakit ka nandito? Akala ko may lakad ka pa?" bungad sakin ni Ella sa bahay dahil kakauwi ko lang para kunin ang mga gamit na gagamitin ko sa paaralan

"May kukunin lang ako, tinawagan kasi ako sa paaralan" nagulat naman silang tumingin sakin.

"Bakit anong sabi nila?" - Reggie

"Suspend na raw kayo kasi hindi kayo pumapasok sa campus" napasimangot naman silang lahat dahil dun.

"Bakit naman kami na suspend?" - Aziel

"Sino ba naman kasi ang aabsent kung wala namang gagawin? Ayun, suspend" sabi ko at nagsimulang kuhanin ang mga gamit ko sa kwarto.

"Ano!? Lia wala ka man lang sinabi sa kanila para hindi kami ma suspend!?" natuwa lang naman ako sa reaksyon nila. Mabuti na yung nalalaman ko na importante sa kanila ang pag-aaral nila.

"Alam nyo, nakakatuwa kayong tignan na pinapahalagahan ang pag-aaral nyo" sabi ko at nagpatuloy sa ginagawa.

"Kung hindi lang talaga dahil sayo ay baka hindi na nga kami nag-aaral." - Rogue

"Wag nyong pahalagahan, kayo rin magsisisi sa huli" nanghahamon ko sa kanila na wag nilang pahalagahan at makikita talaga nila ang hinahanap nila.

"Kaya nga namin pinapahalagan diba? Dahil sabi mo" heto nanaman po sila. Nakabase nanaman sa mga paniniwala ko at gawa.

"Alam nyo, may sarili kayong buhay eh. Gumawa naman kayo ng bagay na sa tingin nyo ay tama at hindi, wag yung nakabase lang kayo sakin." mahirap na kung ganon dahil baka anong mangyari, sila lang ang kawawa nyan.

"Naniniwala lang kami sa mga paniniwala mo kasi nakikita rin namin na tama yung paniniwala." - Adan

"Hindi kaya kami nakabase sayo Lia!" - Mykel

"Ewan ko sa inyo. Si Braylon nga pala?" hindi ko kasi sya nakita simula nung umuwi ako.

"Umalis na kanina pa, ewan ko nga kung asan" baka umalis na para makipag-usap kay Bradford. Mabuti na rin yun kasi pupunta talaga ako dun mamaya, matatagalan pa nga yun pero makakapunta rin ako. Mabuti na rin yun para hindi maghinala si Bradford.

"Oo nga pala Lia, bakit ka nga pala nandito at mukhang aalis ka pa?"

"Pupunta ako sa campus, titignan ng mga guro ang skills na pwede kong maipasa sa mga estudyante sa mga papasok sa club ko. Bakit sasama kayo?" baka kasi ay pwede silang sumama sakin.

"Sige, wala naman kaming gagawin rito" tumango lang naman ako at inilagay ang mga gamit sa loob ng sasakyan.

"Pero ito lang tatandaan nyo, kapag nakita nyo si Bradford ay wag nyong kitaan ng motibo na nakita natin sya. Wala kayong sasabihin, wala kayong nakita. Ako na bahala magsabi sa kanya na nakita ko sya. Ako lang at hindi nyo sya nakita, naiintindihan ba?" tumango lang naman sila kaya nagpatuloy na kami.

Hanggang sa makarating kami sa campus ay tahimik lang ang paligid, at nakita nga namin si Bradford, alam kong nakita rin ng iba pero tulad nga ng sabi ko ay nagpanggap silang walang nakikita kaya nakarating kami ng matiwasay.

Pagkapasok pa lang namin sa campus ay pinagtitinginan na kami, pano ba naman kasi, tatlo kaming nag-aaral rito pero hindi naman kami pumunta para pumasok, papasok pa talaga eh lunch na nga rito eh.

"Oy Amelia" tawag sakin ni Shine nang magkatagpo kami. Nakita ko naman kaagad si Finlay na umalis, nahihiya kay Shine. "Bakit kayo nandito? Akala ko absent kayo"

My Life's Tragedy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon