"Ano naman iyon?" si tita Emily na ang nagtanong sakin pero nginitian ko lang naman sila dahil nakita kong pumasok si Bradford
"Oh nag reunite na pala kayo" sabi ni Bradford ng makapasok sya at hindi na ako nagulat dun
"Salamat at wala kang sinaktan at pinabayaan na kahit sino sa kanila" kahit naman at galit ako sa kanya ay hindi naman pwedeng hindi ko pasalamatan ang ginawa nya
"Alam mong may kapalit ang lahat ng yan" sya naman ngayon ay may ngisi sa mukha na may ipinapahiwatig na tanging kami lang ang nakakaalam
"Alam ko, kailan mo sila mapakakawalan?" tanong ko dahil hindi na talaga ako mapakali kung nandito pa rin sila. Kung noon ay ginawa lang nyang hostage, pano na kaya ngayon at pati ako ay hawak nya?
"Not now Lia, not now. Sisiguraduhin ko munang mapapasakin ka bago ko sila palalayain" so matagal tagal pa pala bago sila makawala
"Sige payag ako pero ako na ang bahala sa kanila habang nandito sila" tumango lang naman sya at umalis, mabuti naman
"Amy, anong ibig sabihin ng pinag-usapan nyo? Anong kapalit ang sinasabi nya?" tanong na sila ng tanong kaya wala akong magawa kundi ang sagutin ang mga yun
"May proposal kasi sya sakin kaya pumayag ako pero may rules rin naman ako at pumayag rin naman sya kaya wala kayong dapat ipag-alala. Kung may kailangan man kayo ay sabihin nyo lang sakin ha? Tawagan nyo lang ako pero kung personal masyado ay wag nyong sabihin sa phone, hinalungkat ni Bradford yun, ok po ba?" tumango lang naman sila sakin. Wala naman kasi kaming magagawa kundi ang magpatuloy lang at makisama
"Pano naman ang mga negosyo at iba pang gawain namin?" oo nga pala, may negosyo nga pala sila tita Emily at tita Analenne
"Pasensya na talaga kayo sa rami kasi ng iniisip ko nakalimutan ko na may negosyo rin pala kayo. Wag kayong mag-alala, sasabihan ko si Kian at Ella na sila muna ang mamamahala sa kompanya ninyo, ok lang po naman diba?" kahit na ganun eh sa kanila pa rin iyon so dapat ko pa rin silang tanungin
"Ok lang naman samin pero pano naman eh sali ka na samin at sigurado kaming hindi ka na pakakawalan pa" napangiti naman ako dahil dun
"Ako pa ba ang tinatanong nyo. May plano na ako dyan at hindi rin naman ako papayag na makuha nya ako kung wala akong gagawin kundi magmukmok" sabi ko ng nakangiti na syang ikinakunot ng noo nila
"Anong ibig mong sabihin dyan anak?" tanong ni papa sakin na halataang naguguluhan
"Kung merong proposal si Bradford, i also have one" pagmamalaki ko dahil masusulusyunan ang problema namin ngayon
"Ano naman iyon?"
"Hahayaan nya akong mamuhay ng normal, hinding hindi nya kayo sasaktan, hahayaan nya kong mamahala sa kompanya at hindi sya manghihimasok sa kung sino ang kikitain ko" nakita ko namang nagulat sila sakin
"So kaya mong kitain sila Kian at Ella?" tumango lang naman ako sa sinabi ni tita Emily. "Pwede mo ba silang turuan kung paano itaguyod ang kompanya namin?" tumango lang rin ulit ako
"Aahh bago ko po makalimutan ay kung makakalabas na kayo ay dun na muna kayo sa bahay na tinutuluyan ko, hanggat maari ay hwag na muna kayong maghiwa hiwalay lahat, ako nang bahala sa lahat" sabi ko at ngumiti sa kanila
"May tiwala kami sayo anak, gawin mo lahat ng nararapat" natuwa naman ako sa sinabi ni mama
"Isa pa pala, wag na wag nyong tatawagan ang numero ko nung nakaraan, tinago ko iyon for some purposes" sabi ko at ibigay ang bago kong numero sa kanila "Ito na muna ang tawagan nyo kung may kailangan kayo. Isa pa kung may sasabihin o itetext sakin, dun kayo mag text pero idelete nyo kaagad para hindi nila makita" sabi ko at tuluyan na ngang lumabas sa silid
BINABASA MO ANG
My Life's Tragedy
Teen FictionSi Amelia Rose Marquez ay isang dalagitang may marami nang nalalaman sa buhay tulad ng pagmemedicina, kaalaman sa martial arts at close combat, ang paggamit ng mga baril at ang kaalaman ukol sa mga batas. Ano-ano nga ba ang mga problema nya na nag...