Chapter 2

2 0 0
                                    

"Edi hwag kang magmove on, basta sinasabi ko sayo na hindi ko masusuklian ang binibigay mo sakin, bahala ka na dyan kung masaktan ka" ayaw nyang mag move on? Edi hwag, bahala syang magdusa dyan basta hindi ko na kasalanan kung masaktan man sya dahil sakin.

"Sakit mo naman makapagsalita Lia, wala na ba talaga akong pag-asa sayo?" pag-iinarte nya na parang nasasaktan talaga.

Pero speaking of Lia...

May naaalala kasi ako kapag tinatawag akong Lia, naaalala kong hindi lang pala si Rogue ang tumatawag sakin ng Lia.

"Eh pano kaya kung isama kita sa mga prinsipe?" agaran kong tanong kay Rogue ng maalala ko kung sino-sino ang mga tumatawag pa sakin ng Lia.

"Mga prinsipe? Lia naman! Baka hindi na talaga ako maka move on sa estadong ito eh, sinabihan mo pa akong isasama mo pa ako sa mga prinsipe, mga prinsipe mo ba yan? Syempre hindi ako tatanggi" nagliwanag naman ang mukha nya sa sinabi ko

Naalala ko naman na kasama rin pala namin si Ella, nakalimutan ko kasi ang tahimik nya.

"Ella ok ka lang ba? Gusto mong gumala sandali? Para naman maliwanagan ka at makapag-isip ka ng maayos, may asungot na maingay kasi rito" suhestyon ko sa kanya dahil kanina pa syang nananahimik dyan, hindi man lang sya umiimik sa usapan namin.

"Okay lang naman ako, pero kung hindi nyo sana mamasamain ay gusto ko sanang maggala-gala muna upang makapag-isip" tatayo na sana ako para samahan sya ng dugtungan nya ang sinabi nya "ng mag-isa" pakasabi nya nun ay hindi na ako nakatanggi at tumango na lang at umupo ulit.

Nang makaalis na si Ella ay tinignan ko ng masama si Rogue.

"Oh anong kasalanan ko? Kung makatingin ka sakin ng masama ha? Tinugunan mo naman kasi ang pakikipag-usap ko kaya ayun, umalis na si Ellaine" inunahan nya ako sa sasabihin ko sana, buti naman at alam nya ang pinapahiwatig ko

"Sige na nga, inunahan mo naman ako eh" pagsusuko ko kasi nalaman nya agad ang sasabihin ko.

"Buti naman kung ganon pero mabalik nga sa usapan. Ano ba ang mga prinsipe na iyon at gusto mo akong isali?" pagtanong nya ulit ng mawala kami sa usapan dahil kay Ella. Buti naman at natanong nya.

"Ah yun ba, matatawag mo na rin na mga prinsipe ko kasi ako ang bumuo sa kanila eh. Kwalipikado ka naman don, kasi tinuruan na kita sa martial arts, sa pagmemedicina at sa paggamit ng baril at higit sa lahat ang dahilan ng pagbuo ko ng grupong iyon" pagpapaliwanag ko sa kanya ngunit hindi ko sinabi ang pinadahilan kung bakit ko sya gustong isama doon.

Gusto ko kasing sya ang makatuklas ng dahilan ko sa pagpasok sa kanya maliban sa sinabi ko sa kanya ngayon.

Fair naman diba? Kasi yung ibang kasali nga ay nalaman lang rin nila sa mga myembro doon at gusto ko sa ganong paraan nya rin malaman. Alam rin naman ng mga myembro ang gagawin.

Kung tatanungin nyo kung bakit mga? Marami kasi sila, mga 14? Ngunit ang isa ay wala na, hindi ko alam kung inalis namin o sya ang umalis o kung kasali pa ba sya, pero para sa akin at sa mga myembro ay hindi na sya kasali.

Gusto nyong malaman kung ano noh? Malalaman nyo rin ang tungkol don kasama si Rogue at sabay nyong matutuklasan ang dalawang bagay na confidential ng konti sa amin.

"Yun ba? Sige sali ako, para naman makilala ko na ang mga prinsipe mo" magiliw nyang sabi kasi hindi pa nya alam ang tungkol dito.

"Sige. Tatanungin ko lang muna sila" sabi ko at iminuwestra ko ang relo ko malapit sa bibig ko

"Wag mo sabihing may relo rin sila ng tulad natin?" tanong nya ng siguro ay malaman nya kung ano ang gagawin ko

"Mas nauna pa nga sila sa iyo eh" sabi ko ng may ngisi sa aking mukha

My Life's Tragedy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon