"Syempre hindi pero kailangan kong magpatatag, buntis si ate Lorna mo eh." si ate Lorna nanaman, hindi talaga mawawala si ate Lorna sa bibig nya. "Kaya ikaw, magpakatatag ka rin, marami ka pang kailangang asikasuhin. Nandyan pa naman ang mga kaibigan mo, si Ella at Kian."
"Pa hindi ko nga sila kayang harapin lahat dahil sa nangyari. Dahil sakin ay nawalan si Ella at Kian ng mga mahal sa buhay, NG DAHIL SAKIN. Kaya kahit na nasa iisang bahay kami, hindi ko pa rin sila matignan ng maayos dahil sa nangyari."
"Alam ko namang maiintindihan nila iyon anak"
"Alam ko rin naman yun pero hindi ko lang talaga naman kasi maiwasang hindi mag-alala at hindi maguilty dahil sa nangyari, kaya hindi mo ako masisisi."
"Ano nang gagawin mo ngayon?"
"Aalis na po ako at pupunta na ako sa bahay ampunan para kausapin si sister." sabi ko at nagpaalam na nang paglabas ko ay bumungad sakin si Kian.
"A-anong ginagawa mo rito?" gulat kong sabi na hindi ko nasabi ng maayos ang unang salita. Bakit ba sya nandito? Anong ginagawa nya rito?
"Gusto lang sana kitang makausap tungkol kina mama at kamustahin ka kung okay ka lang matapos ng lahat ng nangyari sayo kaso..." kaso ano? Wag mo sabihing narinig nya ang pag-uusap namin ni papa?
"Kaso?"
"Kaso kahit na narinig ko na yung napag-usapan nyo ni tito ay gusto pa rin kitang maka-usap. Okay naman diba?"
"Mamaya na tayo mag-usap, may pupuntahan pa ako" bago kami mag-usap ay gusto ko munang puntahan si sister sa bahay ampunan at kung malaman ko man kung asan nakatira si Kevin ngayon ay baka pwede ko syang puntahan, maaga pa naman.
"San ka naman pupunta Amy?"
"Sasabihin ko sayo pagbalik ko sa bahay. Dun na tayo sa bahay mag-usap" mabilisang sabi ko at sumakay agad sa sasakyan.
Hindi ko alam kung tinatakasan ko ba sya o gusto ko lang makita agad si Kevin, pero saan man dun, bahala na.
Kaya nagmaneho agad ako papuntang bahay ampunan at agad na lumabas para hanapin si sister. "Mga bata, nakita nyo ba si sister?" bungad ko nang hindi ko mahagilap si sister.
"Mukhang nasa bakuran po ate"
"Sige salamat" sabi ko at pinuntahan na ang bakuran kung saan nandoon raw si sister.
"Oh Amy nandyan ka pala" nagulat naman ako ng tawagin nya ako. Hindi kasi ako nakatingin sa pupuntahan ko kaya nagulat na lang ako nang malaman nya na nandito pala ako.
"Oo po, nandito po ako. May itatanong lang po sana ako" sabi ko at nang makalapit ay umupo ako sa tapat ng pwesto ni sister.
"Ano naman yun iha?"
"Tungkol po kay Kevin. Bakit po wala na sya sa bahay?"
"Hindi ba sinabi ng papa mo?" umiling lang ako sa sinabi ni sister. "Kinuha na sya ng mga magulang nya noong pumunta kami sa bahay nila." kailan nga ba sila pumunta doon? Hindi ba ngayong araw lang yun?
"Hindi ba ngayong araw lang yun? Ganun ka bilis?" ang bilis naman kasi nun. Ilang araw lang ang nakalipas at nag-iba na ang nangyayari.
"Nang sumang-ayon ako sa lugar na pinakita nila na titirhan ni Kevin ay sinabi nila kung pwede ba nilang kunin agad si Kevin para makapag-bonding raw sila kaya pumayag na rin ako kaya pagkatapos ay kinuha nila agad si Kevin."
"Pumayag ka naman po agad?"
"Nakita ko naman ang determinasyon nilang kausapin at makipagsundo sa anak nila kaya okay na yun. Isa pa makikita rin naman natin yan dahil bibisita naman tayo kay Kevin kung may oras tayo." siguro ganun na nga.
BINABASA MO ANG
My Life's Tragedy
Teen FictionSi Amelia Rose Marquez ay isang dalagitang may marami nang nalalaman sa buhay tulad ng pagmemedicina, kaalaman sa martial arts at close combat, ang paggamit ng mga baril at ang kaalaman ukol sa mga batas. Ano-ano nga ba ang mga problema nya na nag...