"Bakit walang nangyayaring labanan!?" sigaw pa rin nya habang ako rin ay nagtataka. Anong nangyayari?
"Ginawa na rin namin silang hostage Lia" sabi ng iba pa. Kaya pala walang nangyayari na labanan, na hostage pala lahat.
"Gusto mong malaman kung asan sila?" bulong ko sa kanya. "Ilabas lahat ng nagbabantay!" sigaw ko sa kanila at nagsimula naman silang magbabaan habang ang mga nagbabantay ay nakaupo sa upuan habang nakagapos at nakatikom ang bibig
Nakita ko naman ang pagkagulat ni Bradford. Pati rin ako nagulat, akala ko ako lang ang planado, pati rin pala sila.
Ang dalawang taong nagpababa sa mga tauhan ni Bradford ay ang tao ring may hawak ng mga baril at nakatutok sa likod ng ulo ng mga ito.
"Paanong...?" hindi matapos tapos na sabi ni Bradford
"Anong akala mo samin, gaganun ganunin nyo lang?"
"Ano nang gagawin natin ngayon?" tanong ko kay Bradford. Tapos na ang labanan eh, hawak na namin silang lahat kaya ano pang paglalabanan namin?
"Anong akala nyo, tapos na ang labanan?" paunang sabi nya at inalis ang kamay ko sa harapan nya at sya naman ay pumunta sa likod ko. Nagpalit kami ng posisyon kaso wala syang baril
"Asan na ang baril mo?" tanong ko bago ko sya binaril sa paa upang mabitawan nya ako.
Narinig naman ng buong campus ang pamimilipit na sigaw ni Bradford dahil sa binaril ko ang paa nya.
"Wag mo kasi akong gawing hostage kung wala kang baril" sabi ko at kinuha ang baril ni Bradford na nasa tabi lang.
"Sige, barilin mo ako sa paa pero sasabihan kitang marami na akong napatay na mga mahal mo sa buhay. Wala lang ito sa dinanas mo" nagulat naman ako ng banggitin nya yun. Ngayon ay sinali nya pa ang mga mahal namin sa buhay na napatay nya.
"Aahh so ang ibig mong sabihin ngayon ay gusto mong may patayin rin ako na mahal mo sa buhay?" sabi ko at lumuhod para magkapantay kami.
Ngumisi lang naman ako. "Eh pano kaya ito?" sabi ko at may binaril sa kung saan. Napatingin naman lahat sa lugar na binaril dun at nakita naming napaupo ang kapatid ni Bradford.
"Gusto mo unahin ko sya?" sabi ko at tinignan ang kapatid nya tsaka binalik ang tingin kay Bradford na nakatingin rin sakin habang nanlalaki ang mga mata.
"Anong ginagawa nya rito?" tanong nya kahit na alam kong nag-aalala pa rin sya sa kapatid.
"Tanungin mo sya." nang makita ako ng kapatid nya ay lumapit naman sya sakin at nagpunta sa likod ko.
"A-anong?" hindi matapos tapos na sabi ni Bradford nang makitang pumunta ang kapatid nya sa likod ko.
"Kausapin mo ang kuya mo na sumuko kung ayaw mong mamatay sya o di kaya ay patayin kita." sabi ko habang nakatingin pa rin kay Bradford. Napag-usapan na namin yun kaya sya nandito ngayon.
"Kuya sumuko ka na please." bungad nya ng makalapit sya sa kuya niya.
"Hindi ako susuko hanggat hindi ka nya lulubayan. Hawak mo pala ang kapatid ko? Pwes, hindi talaga ako susuko" sabi nya at ngayon ay kinuha ang kutsilyo sa bulsa nya at ginawang hostage ang kapatid.
"Ate Amelia" mahinang sabi ni Lorie sakin habang nakatingin sakin
"Gagawin mo talagang hostage ang kapatid mo?" hindi ko lang kasi aakalaing pati kapatid nya ay ihohostage nya
"Bakit naman hindi? Nagawa mo ngang ipakampi ang kapatid ko sayo, kaya hindi na kawalan ang kapatid ko" ano!? Ganun na lang yun!? Kahit na kapatid nya!?
BINABASA MO ANG
My Life's Tragedy
Teen FictionSi Amelia Rose Marquez ay isang dalagitang may marami nang nalalaman sa buhay tulad ng pagmemedicina, kaalaman sa martial arts at close combat, ang paggamit ng mga baril at ang kaalaman ukol sa mga batas. Ano-ano nga ba ang mga problema nya na nag...