Nandito ako ngayon sa classroom namin, grade 10 na kasi ako ngayon at para sabihin ko sa inyo, na sa third floor ang classroom namin at lunch break namin ngayon kaya ayun kumakain kami, lunch break eh hahaha. Kaya kumain muna kami ng kumain hanggang sa mabusog kami at maubos na namin ang aming mga kinakain.
Ako nga pala si Amelia Rose Marquez, isang dalagitang nag-aaral sa Universidad de Amore o ang ibig sabihin ay Love University, di ko rin naman alam kung bakit yan ang ipinangalan nila sa paaralang ito. Ako ay labing-anim na taong gulang na.
Yan lang muna sa ngayon ang ibibigay kong impormasyon sa inyo tungkol sakin, tutal malalaman nyo rin naman makalaunan dahil tungkol sakin naman itong storyang to hehe.
"Amelia, si Ellaine nasa labas" sabi ng kaibigan ko na si Lyla na sya ring kaibigan ni Ellaine. "pero alam mo ba, parang malalim ang iniisip eh, sinabihan lang naman kasi ako na tawagin ka tapos hindi na ako pinansin, mukhang may bumabagabag sa kanya" pagpapaliwanag nya sa napansin nya kay Ella.
"Sige, salamat Lyla aahh, ako nang bahala sa isang yan" sabi ko sa kanya at nagliligpit na ng pinagkainan ko upang mapuntahan ko sa labas si Ella, baka kasi may problema yun ngayon.
At nang makalabas ako, tama nga ang napansin ni Lyla, bakit ba naman hindi, eh kahit ako nga na nakalapit na sa kanya ay di nya napansin.
Napansin ko rin na dito pala sa labas nakatambay sila Lyla ngayon kasama ang iba ko pang mga kaibigan. Kaya pala napag-utusan ni Ella kasi maliban sa nasa labas sila ay kaibigan rin kasi sila ni Ellaine, kaya ayun.
"Ang lalim ng iniisip aahh, hindi man lang ako napansin" pagkuha ko ng atensyon nya kasi wala talaga sakin ang atensyon nya eh.
"Oh nandyan ka na pala" matamlay na sabi ni Ella kaya naman nakompirma kong may problema nga talaga sya.
"Anong problema? May nangyari ba?" panimula kong tanong para naman malaman ko at nang makatulong ako sa kanya "or should i better ask what should to do first? Explain or cry?" tanong ko ulit dahil hindi nya sinagot ang tanong ko at nakatingin pa rin sa harap.
Yan kasi ang palagi naming gawin eh, kung may magkakaproblema man ay tatanungin muna kung iiyak ba o magpapaliwanag.
At pagkatanong na pagkatanong ko non ay doon na lumabas ang totoong saloobin ni Ella kaya naman niyakap ko na lang sya.
Alam ko rin naman kasi na ayaw nyang may nakakakita sa kanyang umiiyak kaya niyakap ko na lang sya kahit naman na alam kong alam na ng iba na umiiyak sya.
Ilang minuto pa syang umiyak habang hinahagod ko ang kanyang likod hanggang sa tumahan na sya.
"Ok ka na ba? Pwede mo na bang ipaliwanag sakin ang nangyari?" tanong ko ng mapagtanto kong tumahan na nga sya at pwede nang ipaliwanag sakin ang naganap kung bakit sya umiyak.
"Kasi Amy, ang totoo nyan, ay binubully ako sa silid namin, sa katunayan ay lahat nga sila ang nangbully sakin. Lahat sila laban sakin" mahinang sabi nya ngunit naririnig ko pa naman ang mga sinasabi nya.
Nagulat naman ako sa sinabi nya dahil sa pagkakaalam ko ay hindi uso sa paaralang ito ang bully, mahigpit na ipinagbabawal yon dito.
Tsaka isa pa, hindi naman ganong tao si Ella na pwedeng ma bully eh, marami syang kaibigan kaya nakakapagtataka nga naman.
"Ano nga ba ang dahilan nila kung bakit ka nila binully?" tanong ko sa kanya dahil wala akong maisip na kasagutan eh, hindi ko lubos maisip na binully sya.
"Alam kong kilala mo si Rogue kasi ilang beses ko na kayong nakikitang magkasama pero kasi... alam mo namang kahit bad boy yun ay may magkakagusto talaga sa kanya, at si Allison ang nagpasimuno ng lahat ng iyon. May post kasi si Rogue, nagcomment naman ako at kaninang umaga ay sinabihan nila akong malandi kasi nga bakit ko raw kailangan mag comment sa post ni Rogue... Ang sakit lang kasi isipin na wala kang kakampi, kahit isa sa kanila wala." paliwanag nya sakin. Ngunit hindi na ako masisiyahan sa sinabi nya eh, parang hindi tama.
BINABASA MO ANG
My Life's Tragedy
Teen FictionSi Amelia Rose Marquez ay isang dalagitang may marami nang nalalaman sa buhay tulad ng pagmemedicina, kaalaman sa martial arts at close combat, ang paggamit ng mga baril at ang kaalaman ukol sa mga batas. Ano-ano nga ba ang mga problema nya na nag...