Chapter 21

1 0 0
                                    

"Bakit? May kailangan ka?" baka naman kasi may kailangan sya kaya sya pumunta rito sa kusina

"Wala naman gusto ko lang sabihin na bukas pala ay may feeding sa school gymnasium, yung formal na damit lang raw yung susuotin. Lahat ng grade 10 lang raw" napangiti naman ako dahil dun

"Mabuti naman at naalala mong sabihin samin. Ano pa bang pinag-usapan nyo?" tanong ko, ano pa kaya ang sunod nun? Nag-uusap kami habang nagluluto ako rito sa kusina

"Amy" tawag sakin ni Kian nang makababa sya kaya umalis na muna ako sa kusina ng makita ko sya kaya agad naman nya akong niyakap ng hindi ko alam

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ko sa kanya ng nakayakap pa rin ng bumaba rin si Ella at yumakap rin agad sakin "Anong nangyayari?" tanong ko ulit dahil baka may sumagot na akong matanggap mula sa kanilang dalawa

"Gusto ka lang naming mayakap mula nang magising kami" sabi ni Ella kaya hinayaan ko na lang sila at nanatili kaming ganon ng ilang minuto bago sila bumitaw

"Happy family kayo ah" sabi nila ng bitawan na ako ng dalawa kaya napatingin naman ang dalawa doon

"Bakit kayo nandito? Kailan pa kayo narito?" tanong ni Kian na halatang nahihiya at naguguluhan

"Kanina pa, mga ilang oras rin bago kayo bumaba dalawa" sabi ni Lyla. Naging malapit na rin kasi sila simula nung malaman ni Kian na si Lyla ang humawak sa camera nya noong nakaraan

"Bakit nga kayo nandito? Pati rin ang mga prinsipe" sabi ni Ella na naguguluhan rin

"Nag-aalala lang kami sa inyo dahil baka ano nang nangyari sa inyo ng malaman namin na hindi kayo pumasok tatlo" sagot ni Braylon sa tanong ni Ella at halata namang nasagot na ang tanong nila

"Aahh oo nga pala Ella may feeding daw bukas sa campus, alas 10, sama ka naman diba?" baka kasi ay hindi pa maganda ang pakiramdam nya kaya ako na lang muna

"Siguro naman maayos na ako bukas kaya pupunta ako" sabi ni Ella kaya tinignan naman namin si Kian

At parang nahulaan nya naman ang pahiwatig ng tingin namin "Okay lang ako rito, kaya ko naman mag-isa" pag-aassure nya samin pero hindi pa rin ako natinag

"Mga prinsipe, kung sinong libre sa inyo ay puntahan nyo lang si Kian rito para naman may kasama sya. Maraming salamat sa inyo" sabi ko at bumalik na sa kusina para tapusin ang niluto ko

Nang matapos na ako ay tinawag ko na silang lahat para kumain na ng maagang hapunan dahil pauuwiin ko rin sila ng maaga dahil may lakad pa kami bukas

"Pagkatapos ninyong kumain ay umalis na kayo ha? Lalo na kayong may mga lakad bukas" sabi ko at tumango lang naman sila at nagpatuloy sa pagkain habang nagkukwentuhan sila

"Oo nga pala Lia, speaking of feeding kailan ka magfefeeding sunod?" tanong ni Finlay kaya napaisip rin naman ako dun

"Nagfefeeding ka pala Amelia?" tanong nila Lyla kaya tumango lang naman ako

"Noon pa man ay mahilig na talaga akong magpafeeding pero naputol lang dahil sa rami kong inaalala"

"Sa tingin mo Amy makakafeeding ka sa panahon ngayon?" tanong ni Kian. Makakapagfeeding ako? Hindi ko rin masiguro eh dahil sa sitwasyon ngayon ay mahirap talaga pero baka pagkatapos na sa gulong ito. Kahit naman siguro na tinuruan ko ang mga bata baka sakali ay hindi ko pa rin sila ipapahamak ano

"Hindi ko rin alam eh, sa estado natin ngayon parang ang hirap pa" sabi ko dahil totoo naman kasi, nakakalungkot lang dahil matagal na rin namin silang hindi nakikita

My Life's Tragedy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon