Chapter 5

1 0 0
                                    

Pagkatapos non ay talagang nagsimula na kami sa proyekto namin. Serious mode na kami rito

"Amelia, pwede bang mahiram ang laptop mo? Kailangan kasi namin ng isa, pangresearch lang. May nakalimutan kasi kaming i research kanina" tumango lang naman ako at nilagyan ko ng password para mabuksan nila

"Iba-iba itong lock screen mo ano? May ganito rin kasi ako sa laptop ko" sabi nya nang mapansin ang lock screen ko. Paiba-iba nga iyon at lahat ng lock screen ko ay mukha ng mga mahalagang tao sa buhay ko

Nang malagyan ko na ng password ang laptop ko ay bumalik na ako sa pwestong iniwan ko kanina

"Oh, parang ang rami nyo naman nitong wallpaper mo" natuwa naman ako ng makita ko iyon. Lahat kasi ng mga prinsipe ang wallpaper don kasama ni Kian at ako lang ang babae sa lawaran

"Mga kaibigan ko lang naman ang mga yan" hindi ko na pinahaba pa ang usapan namin dahil baka may malaman silang iba

Makalipas nag ilang oras at natapos na kami ay nagligpit muna kami at inaya na silang kumain. Nakakagutom kasi ang ginagawa namin kanina.

Nauna na akong lumabas at bababa na sana ng makakita ako ng maraming lalaki sa baba.

"Nandito na pala kayo, hindi nyo man lang sinabi sakin" pagkuha ko ng atensyon nila kasi may kanya-kanya silang gawa. Yung iba ay gumagawa ng gawaing pangskwela, yung iba naman ay naglalaro sa tv, yung iba ay na sa baba lang at nakikipag-usap kay Kian at Rogue

"Hindi ka na namin inabala pa ng malaman naming may ginagawa kayong proyekto sa kwarto mo. Si Rogue rin naman ang sadya namin rito" so natapos na pala ang pagpapakilala kanina?

"Tapos na ang pagpapakilala?" tumango naman silang lahat na nasa baba

"Okay ka naman don, Rogue?" hindi naman kasi ako namimilit ng isasama ko sa mga prinsipe. Kung ayaw nila edi hwag

"Nagdadalawang isip nga ako kanina pero okay naman na, kasali na nga ako nila eh" mabuti naman kung ganon ang desisyon nya at hindi na nagkagulo pa "pero may pag-uusapan pa tayo. Pero hwag muna ngayon" ano naman ang pag-uusapan namin kaya?

"Don't tell me sinabi nyo na sa kanya?" hindi makapaniwalang sabi ko dahil baka nasabi nga nila sa kanya

"At bakit naman hindi? Kasama na ako sa mga prinsipe tapos hindi ko malalaman?" hindi talaga ako makapaniwala. Nasabi nga nila kay Rogue habang sa iba ay ako pa ang nagsasabi nito sa kanila

"Hindi naman kasi sa ganon, noon pa man kasi ay ako na ang nagsasabi sa kanila tungkol doon. Ngayon lang nangyari na hindi ako ang nagsabi nito" hindi lang talaga ako makapaniwala. Ngayon lang to nangyari eh

"Tama na nga yan. Amy baba na kayo, kain na muna kayo, nagluto na ako ng makakain ninyo" awat ni Kian sa amin dalawa ni Rogue pero hindi na ako kumibo pa at pumunta na sa training room

Doon ko na lang pinalabas lahat ng saloobin ko. Mabuti na yung ganon, wala akong nasasaktan na ibang tao at nakakapag-ensayo pa ako

Pinalabas ng pinalabas ko lang ang saloobin ko ng pumasok si Ella sa silid

"Kamusta na? Napalabas mo na ba lahat ng saloobin mo dyan?" sa kanya lang talaga ako madalas maglabas ng saloobin eh. Sa kanya lang ako komportable

"Hindi ko alam, akala ko nga mawawala na ang saloobin ko kanina dahil kay Kian ngunit nadagdagan pa ng mga prinsipe. Isali mo pa ang galit ko sa kanya dahil sa nangyari sa iyo. Ano nga ba ang nangyari at sinabi nila iyon kay Rogue?" hindi naman kasi sila nagsasabi ng kahit ano sa mga bagong kasapi eh. Hindi ko lang alam kung anong nangyari ngayon

My Life's Tragedy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon