"Ano ba naman yan, mag aanunsyo na lang nga hindi pa sasabihin ang pangalan" angal nya, halos lahat naman sila pero sya lang ang nagreklamo
"Hindi pa kasi ako sigurado pero kung meron nga pero malalaman nyo rin naman kung titignan nyo lang ang kilos nila" pagsasabi ko at binigyan sila ng tip kung pano hulihin sa akto ng hindi inaanunsyo kung sino sino yun
"Sige na nga pero Amy, hindi pa ba tayo pupunta? Baka hindi na tayo matatagalan dun eh. May gusto pa naman sana akong puntahan" sabi ni Ella at napaisip naman ako, kani kanina na pala kami rito eh
Kaya naman ay sinigawan ko na sila Kian "Kian! Hindi pa ba kayo tapos?! Ililibre ko pa kayo diba?!" sigaw ko at buti naman ay nakarinig rin at parang tinatapos na ang usapan nila "Kayo naman ay umuwi na kayo at mag-aral ng mabuti ha? Mamaya na ang mga babae nyo, unahin nyo muna ang kinabukasan nyo at darating rin naman ang mga babaeng iyan" pagtataboy ko na sa kanila dahil aalis na rin kami
"Pero hindi ba kami kasali sa libre na yan? Parang ang unfair naman at sila lang ang ililibre mo" hay nako, nagmamaktol na naman ang isa, susunod na naman ang iba dyan
"Ano ba naman kayo, hindi ba pwedeng ang libre ko muna sa inyo ngayon ay ang KAPATAWARAN sa ginawa nyo sakin?" mariin kong sabi dahil baka hindi nila mahimigan ang sinasabi ko
"Talaga Lia? Napatawad mo na kami?" paulit-ulit lang? Parang hindi narinig ha
"Oo nga oo nga pinapatawad ko na kayo, kita nyo nga na nakikipagkulitan ako sa inyo kani kanina lang" pagpapaliwanag ko sa kanila dahil baka nanaman ay hindi nila nalaman ang bagay na iyan
"Oh ha, napatawad na nya kayo kaya uwi na kayo pwede ba?" pagtataboy na talaga ni Ella at sya na mismo ang nagtulak sa mga ito na pumasok sa kanilang mga sasakyan.
Nakakatawa lang tignan na hindi lang si Kian ang unti-unting napapalapit kay Ella kundi pati na rin ang mga prinsipe... at parang ok na rin sila ni Rogue ha? Pati ito ay pinapauwi na kasi at nagtagal pa nang konti dahil parang nag-uusap sila. Something's fishy.
Nang makabalik si Ella at matapos magpaalam ng mga prinsipe ay tinanong ko na nga sya "Anong meron sa inyo ni Rogue?"
"Wala naman ah, ano nga bang meron kung bati na kami?" at talagang kinwestyon pa ako
"Halata namang bati na kayo eh" paunang sabi ko at kinilatis pa ang mukha ni Ella "pero parang may kakaiba eh. May something na kayo noh?"
"Ano ka ba naman Amy, itong mga naiisip mo alam mo kakaiba" nang sabihin nya yun ay bubuksan nya sana ang drivers seat ng kausapin nya pa si Kian "Kian halika na rito. Kung hindi ka pa talaga matatapos dyan ay iiwan ka na namin at kayo Angela tantanan nyo muna si Kian, may lakad kaming tatlo. Makikita nyo naman sya araw araw"
"Yeah yeah. Bye na Kian sa susunod ulit" sabi ni Angela at tuluyan na ngang nakapasok sa sasakyan si Kian
"Ang tagal nun ha. Ano ba ang pinag usapan nyo?" tanong ni Ella at sinimulan na ang aming byahe patungong mall. Malapit lapit lang naman rito kaya hindi rin ganon katagal ang byahe namin
Tinignan muna ako ni Kian dahil nasa likod ako nakaupo "Aahh yun ba, pinakita ko lang sa kanila ang phone at camera ko kung saan makikita nila ang ilan sa mga litratong pinost ko dun sa instagram account ko. And dont you worry Amy dahil sinabihan ko na sila na hindi muna ipagkakalat ang account ko para walang maging gulo"
"Mabuti naman kung ganon, ayaw ko rin naman may magkagulo, lalo na at sa pagkakaibigan pa namin o ang away ay galing mula sa mga kaibigan namin" totoo naman kasi dahil mahirap awatin ang away ng magkakaibigan, lalo na't mga kaibigan mo pa
BINABASA MO ANG
My Life's Tragedy
Teen FictionSi Amelia Rose Marquez ay isang dalagitang may marami nang nalalaman sa buhay tulad ng pagmemedicina, kaalaman sa martial arts at close combat, ang paggamit ng mga baril at ang kaalaman ukol sa mga batas. Ano-ano nga ba ang mga problema nya na nag...