Chapter 33

1 0 0
                                    

Pero ano? Magkakaanak na sila? Saan na ako nito lulugar? Si mama umalis na, tapos ngayon ay may mabubuo nang pamilya si papa at si ate Lorna.

"Edi congrats sa inyo, ngayon ay mabubuo na ang pamilya nyo" sarkastikong sabi ko "Kailan pa?"

"Kabago bago lang, mag te-ten weeks pa lang" tumango tango lang naman ako kahit na hindi maganda pakinggan sa tenga.

"Ano nang plano nyo kay Kevin?" maliban sa gusto nilang maging kuya si Kevin ay alam kong may iba pa silang plano rito, sana naman yung hindi nasasaktan yung bata.

"Plano namin? Yun nga, ang maging kuya sya sa mga anak namin, magiging anak rin naman sya namin" hindi ako nakakasiguro sa mga sinasabi ni papa, parang may hindi sya sinasabi.

"Yun lang? Ang maging kuya? Alm kong may iba ka pang plano pa, sino ba naman kasi ang mag-aampon ng bata para maging kuya kung wala kang gagawin ano?" nakita ko naman ang pagkabigla ni papa. Akala nya lang.

"Para maging mabuting kuya sya ay kailangan namin syang i train para maging perpekto syang kuya sa mga magiging kapatid nya"

"Perpekto pa? Perpekto? Alam nyong walang tao na perpekto sa mundong ito tapos mag-aampon kayo ngayong magkakaanak na kayo? Hindi nyo man lang ako tinanong o ang bata man lang kung gusto nya bang manirahan rito at maging kuya sa mga anak nyo" sabi ko at hinawakan si Kevin sa kamay at pumunta na kami sa ikalawang palapag, sa kwarto ko.

"Ate bakit umalis tayo roon?" pinalibot ko muna ang patingin ko sa kwarto ko, matagal tagal na rin nung huli kong punta at tulog rito, ngayon ay parang kailangan na tong ligpitin pa dahil wala na akong pwesto sa pamilyang ito.

Tinawagan ko naman ang telepono ng bahay, ayaw kong tawagin si Kian dahil baka may ginagawa yun, kung sino na lang ang makakasagot at libre ang papapuntahin ko rito.

"Hello?" hindi ko alam kung sino ang tumawag pero kung sino man to, sana ay hindi ka busy ngayon.

"Sino to?"

"Ikaw ba to Lia? Si Mykel to" aahh si Mykel pala.

"Oo ako nga, hindi naman kita naaabala ano?" baka kasi may ginagawa sya at sya lang yung nakasagot kaya yun.

"Aayy hindi naman kasi kakauwi lang rin namin tapos ako lang yung nandito sa sala kaya ako na ang sumagot" kakauwi lang nila? Asan ba sila galing?

"Siguro may gagawin ka pa, sige na, tinitignan ko lang kung nandyan na ba kayo" wag na lang siguro sa ngayon.

"Ano talagang sadya mo Lia? Alam kong may sadya ka dahil kung kaya mo ay kakayanin mo yan mag-isa, minsan ka lang manghingi ng tulong samin kaya hanggat maaari ay gusto ka naming tulungan kaya sige na, sabihin mo na" alam na alam na talaga nila ako.

"Wala ka namang gagawin pagkatapos nito diba?" nagbabakasali lang naman kasi na nakakaabala ako sa kanila, ayoko naman ng ganon.

"Kahit na may gagawin kami ay bibigyan ka pa rin namin ng oras kung kailangan mo ng tulong, yun ang napag-usapan naming mga prinsipe, pati na rin si Kian, kaya ano ba yan?" so napag-usapan nga talaga nila ang gagawin kung kailangan ko man ng tulong.

"Pwede bang pumunta ka rito sa bahay? Tapos puntahan mo ako sa kwarto ko, wag mo nang alalahanin ang mga tao sa baba, nasa kwarto lang kami ni Kevin" pagbibigay ko ng instruction sa kanya habang sinimulan nang magligpit ng mga gamit ko, sa makaya ko lang abutin.

"Si Kevin? Bakit nasa bahay nyo sya ngayon?"

"Mamaya ko na lang ipapaliwanag pag dating mo rito, magliligpit pa ako eh"

My Life's Tragedy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon