Chapter 37

0 0 0
                                    

Nakakatawa lang rin tignan dahil para silang mga estudyanteng umalis sa bahay upang mag-aral pero hindi pala sa paaralan ang punta.

"Ano ba yan, pinagtitinginan tayo rito" inis na sabi ni Hernan nang mapansin nya ang tinginan ng mga tao. Sa lahat ng prinsipe at si Kian ay sya talaga yung ayaw makakuha ng atensyon ng iba.

"Pano ba naman kasi nakauniform kayo" tuwirang sabi ko kay Hernan

"Kung hindi lang talaga kami papasok ngayon ay talagang hindi kami nakauniform ngayon" maktol rin naman ni Finlay.

Nakita nya siguro ang pagsama ko ng tingin sa kanya kaya  ngumisi lang naman sya at nagpeace sakin.

"Oh sige na umalis na kayo. Malapit na ang klase nyo habang maya maya pa ang flight namin." pagtatakwil ko na sa kanila dahil baka ma late nga talaga sila. Ang layo layo pa naman nun.

"Sige mag-iingat kayo Amy ha? Text mo agad kami kung nandon na kayo" sabi ni Ella at tumango lang naman ako.

"Oo sasabihan ko agad kayo kaya simulan nyo nang umalis" tuluyan kong pagpapaalis sa kanila. Mabuti naman at umalis na nga sila. Kaya umupo na muna kami sa mga upuan rito.

"Magiging okay lang naman sila mama diba?" pagsasalita ko ng makaalis na sila Ella at naisip ko ulit sila mama.

"Oo, malakas sila mama, matutulungan pa natin sila, kaya nga tayo aalis ng bansa diba?" tumango lang ako sa sinabi ni Kian at kumalma.

Matapos ang ilang sandali ng pananahimik namin ay tinawag na nga ang flight namin. Tumayo na kami at aalis na sana ng may magtext sakin.

Tinignan ko muna kung sino yun at si Braylon nga. Bakit kaya nagtext sya sakin?

From: Braylon

Lia. Hindi ko sana ito sasabihin sa inyo pero may malaki tayong problema. May iniwang letter si Bradford sa campus nyo, ito ang sabi 'Maghanda kayo, pupunta kami dyan mga ilang oras mula ngayon' nandito pa rin kami sa campus nyo para may kasama sila. Mukhang hindi naman sya pupunta sa campus namin.

Ano!? Si Bradford!? Baka si Bradford nga ang may pakana ng lahat ng ito. Hindi ko sila pwedeng hayaan doon ng sila sila lang. Baka mapano ang mga estudyante doon.

"Amy? Halika na" pagtawag ni Kian sakin na ngayon ay papunta na sa departure. Sila mama, gusto ko silang makita ng personal. Gusto kong masiguro na okay lang sila. Pero pano na to? Kailangan kong mamili nanaman sa dalawa.

"Amy! Halika na" nagdadalawang isip pa ako kung tutuloy ba talaga ako sa pag-alis

"Amy ano ba yang iniisip mo at hindi mo ako pinapansin?" nilapitan na nga ako ni Kian nang ilang tawag nya ay hindi pa rin ako sumasagot.

"Anong gagawin ko?" mahinang tanong ko sa kanya ng makalapit sya.

"Bakit, anong nangyari?" nag-aalalang tanong nya sakin.

Pinabasa ko sa kanya ang text ni Braylon, tulad ko ay nagulat rin sya "Pano na to?"

"Hindi ko alam, hindi ko kayang mamili sa dalawa dahil baka anong gawin ni Bradford sa mga estudyante roon." nag-aalala ako kila mama kaso nag-aalala rin naman ako sa mga estudyante roon.

Nang makapag-isip na ako ay agad ko namang tinignan si Kian. "Tumuloy ka sa pagpunta sa USA, ako nang bahala rito." yun ang naisip kong plano. Dalawa naman kami, siguro tama lang na isa samin ang matitira rito habang nag isa ay tutuloy papunta kila mama.

"Ano!? Hindi kita iiwan rito Amy, dito lang ako, puntahan na natin ang campus" tuloy nya at hinawakan na nya nag kamay ko at iginiya papunta sa sasakyan nang hindi ako sumunod.

My Life's Tragedy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon