"Sige sige tapos aalis naman kami ng maaga kaya matulog na lang kayo sa kwarto namin ni Ella kapag aalis na kami ano. Isa pa makakatulog naman agad kayo kahit na nagising kayo. Sige ihahanda ko na ang higaan nyo rito" sabi ko at umalis na para kumuha ng mga unan at kumot
Habang kumukuha ako ng unan at kumot ay nakita ko namang nakatulog na ang iba, nagsisimula na kasing lumalim ang gabi at maaga pa kami bukas, dahil rin siguro sa pagod kanina kaya ayon
Nang makababa naman ako ay nandoon pa rin sila at nagkakatuwaan "Oh nandito na ang mga kailangan nyo, mga kumot at unan" sabi ko at pinuntahan sila sa kusina "Matulog na kayo ng maaga ha? Lalo ka na Ella, may lakad pa tayo bukas. Mauuna na ako, isasara ko lang muna ang mga pintuan at papatayin ang mga ilaw" sabi ko at sinimulan na nga ang sinabi ko
Pagkatapos kong gawin yun ay pumasok na ako sa kwarto ko at nakapatay na nga ang ilaw kaya hindi ko na inabalang buksan pa dahil baka makakagising sila
Pumwesto na ako sa higaan ko at nahiga na nang maalala kong maluwag pa nga talaga ang kwarto ni Ella. Hindi ko kasi nasabi sa kanila yung plano kong may mga lalaking matutulog rito.
Okay lang naman siguro iyon dahil sabi nila ay okay lang naman sila sa baba. Isa pa aalis rin naman kami ng maaga bukas kaya okay lang siguro yun.
Nagising na lang ako dahil sa alarm kong maaga, mabuti na lang at mabilis akong nagising dahil kundi baka magising rin sila, masyado pang maaga para magising sila, mabuti na yung iisa isahin ko na lang sila ng gising
Bumangon na ako at nag luto na ng umagahan, magluluto muna ako para kung sino man ang magising ay makakain kaagad habang naliligo ako.
Hindi pa ako nangangalahati sa niluluto ko at nagising na si Lyla "Oh Amelia ang aga mong magising aahh" sabi nya habang kinukusot pa rin ang mga mata
"Maaga talaga akong magising eh, lalo na ngayon at may lakad tayo, kaw ba?" tanong ko rin sa kanya kasi maagang maaga talaga eh
"Maaga talaga akong nagpa alarm ngayon para hindi na ako maging pabigat ngayon" sabi nya at umupo na sa upuan rito sa kusina habang nagluluto pa rin ako
"Ok lang naman kung medyo mahaba ang tulog mo ngayon, nakuha mo naman kasi kagabi ang mga gamit mo kaya kapag nakapaghanda na kayo ay pwede na kayong pumunta agad sa campus" sabi ko at sinimulan nang ayusin ang hapag kainan
"Mabuti na rin yung ganito Amelia, matutulungan pa kita sa ginagawa mo" napangiti naman ako dun at tumulong na nga sya
"Ano nang susunod Amelia?" tanong ni Lyla nang matapos kami sa paghahanda sa hapagkainan
"Gisingin mo na lang ang iba at gigisingin ko rin ang iba dahil plano ko kasing ako na ang mag-aantay sa kanila sa kanilang mga bahay at sabay na rin kaming pumunta sa campus habang kayo naman na rito na magbibihis ay sabay na lang kayo ni Ella para deretso na kayo sa campus" sabi ko at sinimulan nang gisingin ang iba
"Gising na kayo" sabi ko habang niyuyugyog ko sila para magising.
"Lia anong oras na ba?" sabi ni Marcellus dahil sya ang unang nagising sa kanila
"Alas sais ng umaga pa lang. Gising na kayo, kain muna tayo ng almusal bago kayo matulog ulit" sabi ko at iniwan na sila para gisingin pa ang iba dahil nagsisimula na namang magising ang iba
Pumunta naman ako sa kwarto ni Kian, kumatok muna ako bago pumasok at inuna ko na yung nakahiga sa carpet
"Gising na, kain na ng almusal bago matulog ulit, mabuti na yung may laman ang tyan bago matulog ulit" sabi ko at hinintay talaga na bumangon silang lahat para sabay kaming lumabas
BINABASA MO ANG
My Life's Tragedy
Novela JuvenilSi Amelia Rose Marquez ay isang dalagitang may marami nang nalalaman sa buhay tulad ng pagmemedicina, kaalaman sa martial arts at close combat, ang paggamit ng mga baril at ang kaalaman ukol sa mga batas. Ano-ano nga ba ang mga problema nya na nag...