"Hindi nila makukuha si Kevin" napatingin naman si sister sakin. "Kung totoo nga ang mga hinala natin ay hindi pwedeng ibigay si Kevin sa kanila, sa lugar na tutuluyan ni Kevin hanggang sa trabaho ng mga magulang nya ay labag na yun sa mga kailangang tignan para sa pagkuha sa bata" katulad ko ay tumango lang naman si sister
"Sana naman mali ang mga hinala natin. Siguradong madidismaya talaga si Kevin nito" talagang madidismaya yun, noon pa man ay gusto na nitong magkaroon ng kompletong pamilya, at gusto ko ibigay sa kanya ang kompletong pamilya sa totoong pamilya nya.
"Hindi rin talaga ako papayag kung totoo man ang hinala natin. Mas gugustuhin ko pang ibigay sya kay papa kaysa sa totoo nyang mga magulang dahil sa kay papa ay pwede ko syang mabibisita kahit kailan"
"Mas mabuti na yung ganon, tama nga ang desisyon kong pumayag sa papa mo. Kung sakali mang tama ang hinala natin" tama nga talaga si sister, mabuti na yung ganito.
"Magpapalipas muna kami ng oras sister tapos uuwi na rin kami. Babalik na lang po kami kung may iba pa kaming nakalap" pagkasabi ko nun ay tumango naman si sister kaya pumunta na ako sa iba para makipaghalubilo
Pagkalipas ng ilang oras ay umuwi na nga kami, kumain at natulog.
Ganun lang ang nangyari sa nagdaang araw dahil wala naman kaming bagong nakalap. Noong nakaraang araw ay pumunta ulit kami sa bahay ampunan para sabihin ang pag-uusap ni Aziel at Reggie sa mga kakilala nila na galing sa gang at frat.
Nakumpirma nga nilang tama ang hinala namin at ginagawa na ng paraan ni sister ang papeles para sa pag-ampon ni papa kay Kevin. Kahit na hindi ako payag ay wala akong magawa, kesa naman ibigay ko si Kevin sa totoo nyang pamilya na kasali sa gang at frat. Mahirap na kung ganon.
Sa susunod na araw nga ay dun na si Kevin sa bahay. Pero kahit na ganon ay tututukan ko pa rin si Kevin, kung kailangan kong magpunta punta doon para dalawin at kausapin si Kevin ay gagawin ko. Hindi ko pwedeng pabayaan ang sinabi ni papa.
Baka nga siguro ay ayaw nyang payagan si Kevin na makagala dahil sa kailangang pagtuunan ng pansin ni Kevin ang magiging perpektong kuya. Kaya mabuti nang bisitahin ko sya at kamustahin sa kalagayan nya sa bahay.
Napagsabihan ko na rin naman si Kevin tungkol dyan. Sinabihan ko na syang sabihan ako kung may mangyaring hindi maganda, kung pinahirapan ba sya o di kaya ay may ginawang masama si papa sa kanya.
Anong ginagawa ko ngayon? Nag-eensayo, nag-eensayo ulit ako sa bahay nang may tumawag kaya naputol ang pag-eensayo ko.
"Hello?"
"Ate Amelia"
"Lorie?"
"Oo ako nga ate Amelia"
"Oh ikaw pala yan, bakit ka napatawag?" matagal tagal na rin kasi nung tumawag sya sakin. Siguro yung huling tawag nya ay yung sa feeding sa school
"Kamusta na ate?"
"Okay lang naman ako. Ikaw ba? Nandyan ka pa rin?" huling balita ko kasi ay yung pinaalis sya ni Bradford dahil baka magsalita. Pero ayun na nga, may contact kami sa isa't isa.
"Oo eh. Hindi pa talaga ako nakakalabas simula nun. Wala bang ganap dyan?"
"Wala naman pero nakipagkita ako kay Bradford noong isang araw" pagsisimula ko sa pagkukwento. So far, so good. Wala namang nangyari maliban sa pag-uusap naming tatlo ni Bradford at Braylon nung umalis sila mama at tita. Speaking of them kamusta na kaya sila dun? Wala na akong balita sa kanila eh, nabusy rin kasi kay Kevin.
"Wala kang balita sa kanya?"
"Balita? Wala naman akong narinig mula sa kanya o ano pa, bakit?" may ginawa nanaman ba ang isang yun? Sino nanaman ang biktima nya ngayon?
BINABASA MO ANG
My Life's Tragedy
Teen FictionSi Amelia Rose Marquez ay isang dalagitang may marami nang nalalaman sa buhay tulad ng pagmemedicina, kaalaman sa martial arts at close combat, ang paggamit ng mga baril at ang kaalaman ukol sa mga batas. Ano-ano nga ba ang mga problema nya na nag...