Chapter 6

1 0 0
                                    

Umalis na ako sa kama ko at naligo na, hindi ko na muna ginising ang dalawa dahil matutulog lang ulit yon pag walang magawa

Nang matapos na ako maligo ay dun na ako nagbihis sa kwarto ni Ella dahil nandoon naman ang dalawa sa kwarto ko. Tsaka bumalik na sa kwarto ko at ginising muna si Kian

"Kian, gumising ka na. Maligo ka na" tinapik ko naman sya para magising talaga sya at buti naman ay umupo na sya

"Maligo ka na at ibaba mo na ang mga gamit mo para wala kang makalimutan pag umalis na tayo" sabi ko at umalis na para magluto at iniwan na silang dalawa dun

Hindi naman marami ang niluto ko dahil pang agahan lang ito at alam ko namang kakain rin kami pagkarating namin doon

Pagkatapos ay umakyat nanaman ako at ginising na si Ella "Ella gising na, ikaw na ang susunod na maliligo" katulad ng ginawa ko kay Kian ay tinapik ko rin sya

"Hindi pa naman tapos si Kian diba? Pwede bang matulog na muna ako?" kahit konting tulog gusto nyang sulitin

"Habang hindi pa natatapos si Kian ay ibaba mo na lang ang mga gamit mo para wala kang makalimutan mamaya" pagkukumbinsi ko sa kanya at mabuti naman ay umupo na rin sya

"Sige na nga. Good morning Amy" niyakap naman nya ako kaya niyakap ko rin sya

"Good morning rin sayo. Sige na tumayo ka na dyan at aalis na tayo maya maya" sinimulan ko na ngang ibaba ang mga gamit ko nang may makalimutan akong sabihin kay Ella na nakaupo pa rin sa higaan ko "kung ayaw mo pa naman ibaba ang mga gamit mo ay kumain ka muna sa baba, tsaka mo na ibaba ang gamit mo pag tapos ka na"

Pagbaba ko ay agad ko naman itong inilagay sa sasakyan para hindi ko talaga makakalimutan nang makita ko rin si Kian na binababa ang mga gamit nya

"Kumain ka na ba? Kain ka na muna at mamaya mo na ibaba ang iba" sabi ko nang maabutan ko sya sa sala na nilalagay ang mga gamit nya. "si Ella ba naliligo na?" tanong ko dahil baka nandon pa yun sa kwarto

"Mukhang hindi pa eh" hay nakong bata iyon

Inakyat ko na si Ella at nakita ko nga sya don at na sa kwarto ko pa "Ella maligo ka na, tapos na si Kian maligo. Ako na ang magbababa ng mga gamit mo, lahat ng yun ay nasa kama mo naman diba?" sabi ko ng sumilip ako. Hindi na ako pumasok pa dahil baka matatagalan pa ako

"Nandon lang lahat. Maliligo na ako Amy" magiliw nyang sabi. Hindi pa nga kumakain at binaba ang mga gamit ay may panahon pa syang maging magiliw

"Pagkatapos mo ay sabay na tayong kumain ha!?" sigaw ko nang makababa ako. Mabuti naman at narinig nya ang sinabi ko dahil sumagot naman sya

"Amy bukas naman ang sasakyan diba?" tanong ni Kian dahil hindi pa naman lahat ng gamit ay naisakay nasa sasakyan dahil ito, ang mga gamit ni Ella ay binababa ko pa

"Ipasok mo lang ang iba pang gamit at ako na bahala sa iba pang gamit ni Ella" sabi ko dahil konti na lang rin naman ang kailangan kong ibababa ng magtagpo kami ni Ella na katatapos lang maligo matapos kong ilagay ang mga gamit nya sa sasakyan. Siguro binilisan nya lang dahil sya na lang ang natitira.

"Magbihis ka na tapos i check mo na rin kung may hindi ako naibaba. Tignan mo rin ang kwarto ko dahil baka may naiwan ka roon na dadalhin mo sana" tumango naman sya kaya bumaba na ako at inilagay iyon sa sasakyan

"Tapos ka nang maghanda Kian?" dahil nakita ko kasi siyang nakaupo na sa sala ngayon habang gumagamit ng phone

"Tapos naman na akong ibaba at isakay ang mga gamit ko sa sasakyan kaya wala na akong gagawin" kaya naman pala nakaupo na lang at nagphone

My Life's Tragedy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon