Chapter 8

1 0 0
                                    

"Ah wala naman. Inilagay ko lang ang mga gamit mo rito at aalis na sana pero gising ka pa pala. Wala ka naman sigurong gagawin na dahil matutulog ka na sana"

"Naihanda ko na nga ang uniform ko at gagamitin ko para bukas at wala naman akong gagawin bukas o wala naman kaming quiz bukas kaya matutulog na sana ako"

"Ah sige na matulog ka na, inilagay ko lang talaga ang mga gamit mo rito. Good night" sabi ko at niyakap sya at tuluyan na ngang umalis

Ang sinunod ko namang dalhin na mga gamit ay kay Kian at ito na nga ang panghuli. Nakakapagod nga eh pero hayaan mo na

Sumilip muna ako sa kwarto nya at nang may makita akong ilaw ay pumasok na nga ako at binuksan yung ilaw. Ang ilaw sa study table nya lang kasi ang naka on

"Gising ka pa pala. Ito oh, dinala ko na ang mga gamit mo rito para wala ka nang gagawin maliban dyan sa ginagawa mo ngayon" sabi ko at lumapit sa kanya. Nakita ko namang may sinasagutan nga sya kaya naupo na lang ako sa kama nya

"Salamat Amy ha. Hindi ka pa ba matutulog na?" sabi nya ng maikot nya ang upuan nya paharap sakin

"Hindi pa eh. Pagkatapos rito ay aayusin ko muna ang mga gamit ko tapos mag-aaral para sa pasulit namin bukas at tsaka titignan ko ulit ng mga pintuan at ilaw kung may nakailaw at hindi nakalock na pintuan. At tsaka pa ako matutulog" sabi ko ng may ngiti sa aking labi. Baka kasi iisipin nya naman na sobra na ang ginawa ko

"Sige na punta ka nga mag-aral ka na para matapos ka agad at makatulog ka na" sabi nya sakin at pinaalis na ako sa kwarto nya. Ano kayang meron at pinaalis nya ako?

Pero pumunta na nga ako sa kwarto ko at ang tanging ilaw na nakabukas ay ang lampshade ng study table ko lang dahil nakakapag-aral kasi ako ng ganon at para hindi na rin ganon ka taas ang babayaran sa kuryente

Mabuti na talaga at hindi pa ako inaantok dahil kapag inaantok ako ay hindi na ako makakapag-aral ng maayos dahil sa antok ko

Kaya aral lang ako ng aral at nagpapatugtog na rin ako para hindi ganon katahimik ang kwarto ko

Naputol lang naman ako sa pag-aaral ko ng umilaw ang kwarto ko kaya tinignan ko kung sino ang nag on non

Nakita ko lang naman si Kian na pumasok sa kwarto ko at may dalang baso, hindi ko lang alam kung ano kasi hindi pa naman sya nakakalapit eh

"Oh Amy." abot nya sakin ng dala nya "Gatas na ang tinimpla ko para sating dalawa para naman at makatulog ka na agad pagkatapos mo dyan" sabi nya at umupo sa kama ko habang umiinom ng gatas nya

"Bakit ka pala nandito? Diba nong pumunta ako sa kwarto mo ay may sinasagutan ka?" para kasing ang bilis nyang matapos sa sinasagutan nya

"Natapos ko na yun at isa pa, ilang minuto na kaya ang nagdaan bago ka pumasok sa kwarto ko at pumasok ako rito" baka nga ilang minuto lang ang itinagal. Hindi ko na siguro maalala kasi tutok ako sa pag-aaral

"Salamat pala rito ha. Bumalik ka na sa kwarto mo at matulog ka na. Ichicheck ko lang ang bahay kung nakasarado ba talaga at kung ano ano pa" tatayo na sana ako ng awatin nya ako at pinaupo ulit

"Ako na ang gumawa non para sayo kaya wag ka nang mag-alala at tapusin mo na ang ginagawa mo dyan" sabi ni Kian at inubos na ang iniinom

Nang mailagay nya na ang iniinom nya ay pinatay na nya ang ilaw pero nananatili pa naman sya sa kwarto ko kaya nagpatuloy na lang ako sa pag-aaral. Hindi na rin ako nagpapatugtog pa kasi nandito naman si Kian

Natapos na nga ako sa pag-aaral ko pagkalipas ng ilang minuto kasi nasa kalagitnaan na ako ng pag-aaral ko ng dumating si Kian na may dalang gatas

Speaking of Kian...

My Life's Tragedy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon