"At hindi mo sasagutin ang tanong ko? Narinig mo nga eh. Wag mo nang kumpirmahin, alam ko na naman" sabi ko at nagpatuloy na sa ginagawa ko. Halata naman, ayaw nya lang sabihin.
"Hindi nga! Ang kulit mo Amy" sabi nya habang lahat kami ay naghahanda na sa pagkain
"Eh bakit ka namumula dyan kung hindi mo talaga narinig?" napatingin naman sya agad kay Rogue na nakatingin rin sa kanya kaya nagkatinginan sila sa mata.
"Ewan ko sayo" sabi nya at umalis. Siguro ay pumunta sa kwarto nya at hintayin kaming matapos bago sya kakain.
"Anong nangyari dun?" tanong ni Braylon sakin. Siguro lahat naman sila ay nagtatanong kung ano ang nangyari sa pagitan namin ni Ella.
"Mukhang narinig nya ang pag-uusap nyo kanina" maikling sabi ko at kumuha ng panibagong plato at nilagyan ng mga pagkain. Dadalhan na lang namin siguro sya ng makakain sa kwarto nya.
"Narinig nya yung pag-uusap kanina? Edi narinig nya ang tungkol sa pagkagusto ko sa kanya?" tumango lang naman ako at nung natapos ko na ang paghahanda ay binigay ko kaagad yun kay Rogue. "Para sakin yan Amy? Ang thoughtful mo naman, kaya crush kita eh"
"Pwede ba Rogue, nandito ka na sa hapagkainan tapos ipaghahain pa kita? Pwede ka namang kumuha ng pagkain mo aahh"
"Kung ganon ay para kanino yan?" tanong nya kaya ininguso ko ang labi ko papunta sa taas. Siguro naman alam nya kung sino ang ibig kong sabihin dahil sya lang naman mag-isa ang nasa taas. "Bakit ako? Marami naman kami rito na pwede mong utusan dyan ah"
"Ibigay mo to sa kanya at mag-usap kayo." sigurado naman kasi ako na maghihiyaan lang sila. Ngayong nasa iisang bubong sila pansamantala ay magkikita at magkikita lang sila at mahirap kung hindi sila magpapansinan.
"Ano namang pag-uusapan namin?" ano nga ba?
"Sigurado akong narinig nya ang pag-uusap nyo kanina kaya mabuti nang kausapin mo sya at magkaliwanagan kayo. Para na rin hindi na kayo mag-iiwasan ngayong nasa iisang bubong kayo"
"Bakit naman kailangan nilang mag-usap Amy?" - Kian
"Edi hwag kayong mag-usap, ako na nga gumagawa ng paraan para sa inyo, ayaw nyo pa. Ako na nga maghahatid nito" sabi ko at nagsimula nang maglakad
"Amy ako na, ako na maghahatid dyan. Hindi mo naman kasi sinabi agad eh" sinundan nya pala ako at kinuha pa ang platong dala dala ko para kay Ella
"Ewan ko sayo!" sigaw ko sa kanya dahil nakaakyat na sya sa taas eh.
Pagkatapos nun ay kumain na kami, hindi na namin inantay si Rogue, halata namang nasisiyahan na yun dun kaya hinayaan na lang namin.
Pagkatapos nang pagkain namin ay tsaka pa sila bumaba "Hindi man lang ninyo ako inantay?" gulat nyang tanong. Akala siguro nya ay hihintayin namin sya. Ang tagal kaya nya.
"Ang tagal mo kaya. Tignan mo nga, natapos na kami at kakababa nyo lang, papatayin mo ba kami sa gutom?" - Reggie
"Pero sino nang makakasama kong kumain ngayon?" malungkot nyang sabi, mukha talagang bata kung umasta.
"Si Ella" maikling sabi ko.
"Ako? Bakit ako?" naguguluhang tanong nya habang tinuro pa ang sarili nya
"Sinamahan ka nga nyang kumain sa kwarto mo tsaka kaya natagalan syang kumain dahil sa ayaw ka nyang iwan, alam mo kung bakit. Tsaka isa pa, samahan mo na rin sya rito, ipagpatuloy nyo ang moment nyo" sabi ko pero hindi ko pinahalatang nanunukso ako kasi baka mag-iiwasan nanaman sila.
BINABASA MO ANG
My Life's Tragedy
Teen FictionSi Amelia Rose Marquez ay isang dalagitang may marami nang nalalaman sa buhay tulad ng pagmemedicina, kaalaman sa martial arts at close combat, ang paggamit ng mga baril at ang kaalaman ukol sa mga batas. Ano-ano nga ba ang mga problema nya na nag...