Kian: Anong sadya nila sa bahay?
Amy: Alam mo naman ang tungkol kay Rogue diba?
Kian: Si Rogue? Yung nakaaway ni Ella kahapon at yung may gusto sayo?
Amy: Oo sya nga, yung bad boy raw ng campus
Kian: Ano naman ang meron sa kanya?
Amy: Pupunta kasi sya sa bahay kasi iisang grupo sila ni Ella. Isa pa gusto ko syang ipakilala sa mga prinsipe kaya sila pupunta bukas sa bahay, at dun na raw sila gagawa ng gawain nila sa paaralan. Ok lang ba?
Kian: Sige ba, para naman makakapagbonding rin kami ulit. Matagal-tagal na rin kasi noong huli kaming nagkita. At tsaka papayag talaga ako, isa lang naman ang dahilan kung bakit gusto mo syang isali nila diba?
Amy: Asus, gusto mo naman
Kian: Sino ba naman kasi ang aayaw eh parang sinasabi mo na iisa lang ang laman ng puso mo
Amy: Swerte mo naman
Kian: Swerte ko talaga😊
Amy: Mauna na ako, tatanungin ko pa si Ella eh, alam mo naman yun, may dinadamdam kaya iniba ko talaga ang pagtanong sa inyo
Kian: Sige bye Amy😘
Amy: Ewan ko sayo
Sinunod ko namang kinausap ay si Ella, sa katunayan ay tinawagan ko na lang para naman makamusta ko rin sya.
Nakailang ring rin bago nya sinagot. "Ella?" tanong ko ng mahimigan ko syang humihikbi "Bakit ka umiiyak?" nakompirma ko kasing umiiyak sya kasi lumakas na ang paghikbi nya
"A-amy, akala ko okay na ako. Matapos mo akong ihiganti kanina masasabi ko nang hindi na ganon kasakit ang pang-aapi nila, kasi alam kong may kakampi na ako" sabi nya at nagpatuloy sa pag-iyak ng magsalita nanaman sya "a-akala ko dun na nagtatapos eh kaso ng uwian na ay nakasalubong ko si Angela ngunit dinaanan nya lang ako. Hindi naman sya ganon sakin eh kaya tinanong ko sya kung bakit ganon ang inasta nya, sinabi nya lang sakin na ayaw na nya akong maging kaibigan kasi wala naman daw syang kaibigang ganon" pati ba naman kaibigan nya tinatalikuran na rin sya?
"Nagpaliwanag ka ba?" hindi naman kasi siguro sya aasta ng ganyan kung narinig nya lang ang panig ni Ella
"Gusto ko sanang magpaliwanag eh, kaso hindi nya hinahayaan na magpaliwanag ako" kaya naman pala ganyan sya umasta eh wala namang kasalanan si Ella dun, sadyang sobra lang kung makareact si Allison
"Ano nang plano mo?" baka naman kasi at may naisip syang paraan upang magpaliwanag kay Angela.
Mas nauna naman silang magkakilala ni Ella kaya alam kong maiintindihan sya nito.
"Hindi ko nga rin alam eh, wala akong maisip kung anong gagawin ko" dismayadong sabi nya. Ikaw ba naman kasi ang makaranas ng ganyan at sa mismong malapit na kaibigan mo pa.
"Palipasin mo muna kaya ito? O kung ayaw mo ay magpaliwanag ka kahit ayaw nyang makinig sayo. Hindi naman pwede kung ganyan na lang, hindi man lang nya naririnig ang panig mo" suhestyon ko at napagtanto kong baka hindi ko na masabi sa kanya ang dapat ko sanang sabihin
"Baka papalipasin ko muna ito ngayon dahil nadadala na ako sa damdamin ko, bukas na siguro ako magdedesisyon kung aantayin ko syang kusang lumapit sakin o magpapaliwanag ako sa kanya" tama nga naman ang desissyon nya, wag magpapadala sa bugso ng damdamin
"Mabuti naman kung ganon. Pero diba pupunta yung mga kagrupo mo sa bahay para sa proyekto nyo?" nang makatyempo ako ay nilipat ko na agad ang pag-uusapan namin
BINABASA MO ANG
My Life's Tragedy
Teen FictionSi Amelia Rose Marquez ay isang dalagitang may marami nang nalalaman sa buhay tulad ng pagmemedicina, kaalaman sa martial arts at close combat, ang paggamit ng mga baril at ang kaalaman ukol sa mga batas. Ano-ano nga ba ang mga problema nya na nag...