Chapter 20

0 0 0
                                    

"Rogue, kamusta na si Ella?" bungad ko sa kanya ng makababa kami habang hawak ko pa rin ang kamay ni Kian

"Ayun nasa silid, natutulog" sabi nya at sinilip ang loob ng silid kaya sumilip rin naman kami at ayun nga, natutulog nga si Ella

"Kumain na ba sya? Uminom na ba ng gamot?" tadtad ko ng tanong sa kanya dahil baka hindi pa eh

"Ginising ko na kanina kaso wala raw syang gana kaya hinayaan ko na muna saglit" sabi nya kaya nag-alala naman ako

"Gisingin mo nga tapos dalhin mo na rin ang gamot at ang philipiniana nya" utos ko sa kanya kaya sumunod naman sya at ginawa ang sinabi ko

Nang magising na nga si Ella ay agad naman syang dumeretso sa labas ng silid kung nasan kami habang nakasunod naman sa kanya si Rogue "Magbihis ka muna sa philipiniana mo tapos kakain tayo sa canteen" sabi ko at binigay naman ni Rogue ang paper bag nya

Nang makaalis si Ella ay kinausap ko naman si Rogue "Sama ka samin"

"Saan? Sa Canteen? Wag na tapos naman na ako" agad nyang pagtanggi ng malaman nya ang sasabihin ko

"Tapos na rin naman kami ni Kian ahh, sasamahan lang naman natin si Ella para naman hindi nya maramdaman na nag-iisa sya, lalo na sa estado nya ngayon" kumbinsi ko sa kanya

"Oo nga pre, para rin naman may kasama akong lalaki roon" dugtong naman ni Kian sa pangungumbinsi ko kay Rogue

"Sige na nga sige na nga" napangiti naman kami dahil dun at sa oras na iyon ay natapos na rin si Ella kaya nagpunta na kami sa canteen

Nung makarating na kami ay si Kian at Rogue na ang nag-order samin. Samin talaga dahil snacks at maiinom lang naman ang samin habang normal meal naman kay Ella dahil wala pa syang kain

Nag-usap lang naman kami ng mag-usap ng biglang gusto akong maka-usap ni Rogue kaya lumayo muna kami sa dalawa at nag-usap

"Naalala mo yung tinugon mo sakin?" nag-isip naman ako kung ano yung tinugon ko sa kanya bago ko maalala kung ano yun

"Oo, ano naman yun?" baka kasi may nakalap na sya at may ibibigay sya sakin

"May nakalap na ako, gusto mo ibigay ko sayo?" tumango lang naman ako kaya umalis na rin sya at baka bumalik sa silid para kunin yun kaya dun na ako nag-antay kasama sila Kian

"Anong pinag-usapan nyo?" tanong ni Kian ng makabalik ako sa mesa namin

"May ipapakita lang raw sya sakin, yung hiningi kong pabor sakanya" sabi ko at hinintay na dumating si Rogue

Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin sya hanggang sa pinatawag na lahat ng estudyante sa gym para sa event na gaganapin ngayon

Kaya naman ay pumunta na nga kami sa gym at dun ko na lang sya hinintay

Nagsimula na nga ang opening ceremony pero hindi ko pa rin mahagilap si Rogue kaya nakinig na lang ako sa host na nagsasalita "Okay sa ngayon ay malalaman na natin kung sino ang mga nanalo sa naganap na mga patimpalak sa mga nagdaang araw at makikita rin natin ngayon ang mga folk dances na pinaghahandaan ng bawat seksyon" paunang sabi ng host kaya pumalakpak naman kami dun

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Nang simulan na nila ang pagtawag ng mga nanalo sa ilang patimpalak ay wala pa rin si Rogue kaya hindi ko na muna inalintana ron at nakinig muna

Hanggang sa matawag nga ang pangalan ko sa nanalo sa pagsulat ng tula kaya kinuha ko naman ang prize ko at umakyat sa stage at ayun si Lyla ay kinunan nga ako ng litrato pati na rin si Kian na nasa malayo

My Life's Tragedy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon